Annabelle Rama admits gambling problem in the past

"Noon kasi, palagi kaming nag-aaway ni Eddie dahil addictako sa sugal. Hindi ko naman itinatanggi dahil ginagawa ko namang talaga.Pinapapili niya ako, sugal ba or pamilya?Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at nalulong talaga ko sa sugal.Pero right now, binitawan ko na ‘yan. For 20 years, hindi na ako humahawak ngbaraha, hindi na ako nagma-mahjong," reveals Annabelle Rama.



Bilang bahagi pa rin ng promotion para sa My Monster Mom naipalalabas na sa July 2, live na in-interview nina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto,at Mo Twister si Annabelle Rama saShowbiz Central kahapon, June 29.

Bago ang live interview, may mga video greetings munanginihanda ang Showbiz Cetral mula sa ilang malalapit na tao sa buhay ni Annabelle, 'tulad ng ilang kasambahay niya na kung may ilang dekada na nilang kasama sa bahay. Pinatunayan nila na"mabunganga" lang daw si Annabelle, pero sa kabila nito ay mabait angkanilang amo.

GAMBLING PAST. Nagsalita rin si Alfie Lorenzo, na isa sa pinakamatalik nakaibigan ni Annabelle sa showbiz. Ikinuwento ni Alfie ang isang insidenteng lumayas noon si Annabelle sa bahay nila. Ayon sa talent manager, sa isang orphanage sa Cebu dinalaat itinago ni Annabelle ang mga anak sa asawang si Eddie Gutierrez.

Ipina-elaborate naman ni Pia ang naturang kuwento kayAnnabelle during their live interview at hindi naman itinanggi ni Annabelle.

"Noon kasi, palagi kaming nag-aaway ni Eddie dahil addictako sa sugal. Hindi ko naman itinatanggi dahil ginagawa ko namang talaga.Pinapapili niya ako, sugal ba or pamilya?Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at nalulong talaga ko sa sugal.Pero right now, binitawan ko na ‘yan. For 20 years, hindi na ako humahawak ngbaraha, hindi na ako nagma-mahjong.

"Ang ginagawa ko na lang, alagaan ang mga apo ko. Minsankahit nagpupunta ako ng Las Vegas, hindi na ako nagsusugal. Minsan, binigyanako ni Richard [Gutierrez] ng $2,000 para palaguin ko raw, pero hindi ko rinnaman isinugal. Ibinalik ko rin sa kanya."

FORGIVING POKWANG. Tinanong naman ni Rufa Mae na dahil sa pagiging protectiveni Annabelle sa kanyang mga anak, may insidenteng nag-spoof si Pokwang tungkol sadalawa niyang anak na sina Richard at Raymond Gutierrez. Now na nag-sorry naraw si Pokwang, ano naman ang masasabi niya rito?

"Nag-sorry na siya sa akin, so hindi ko na lang yunpinapansin," sabi ni Annabelle. "Ibig sabihin, tinatanggap ko ang sorry niya saakin dahil public apology yung ginawa niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Advice ko nga kay Pokwangpalagi, kung magko-comedy siya, maski ako na lang ang gamitin niya, tutalpalagi naman niya akong ginagamit. I'm so proud na ako ang ginagamit niya. Soibig sabihin, sikat ako, di ba? Huwag lang ang mga anak ko... Kung ako, kaya koyun, e."

MOROCCAN SUITOR. Mo asked Annabelle regarding the seven-footer Moroccanbasketball player na balitang nanliligaw ngayon sa anak niyang si RuffaGutierrez. Balitang hindi pabor si Annabelle sa manliligaw na ito. Sinundan pa ni Pia na nakita raw ang basketball player na nagbigay pa ngbouquet of roses kay Ruffa.

"Sinabi ko lang kay Ruffa, ‘Sino na naman ‘yan, ‘Day?' Hindiko nga maano...naka-ganyan [nakatungo] na lang ako [dahil sa tangkad ng lalake]. Sabi ko lang, ‘Ruffa,dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Hindi sa ako'y nakikialam, ako aynag-a-advice lang. Kung kukuha ka ng lalaki, mas matanda dapat sa ‘yo, hindiyung mas bata.'

"Kasi yung bata, mas mahirap yun. Hindi mo masasakyan angugali no'n. Kaya konting galit lang, nandoon na ang mga sampalan, murahan,‘tapos hiwalayan," lahad ni Annabelle.

Sa puntong 'yon, direkta pang sinabihan ni Annabelle angco-host ng Showbiz Central na si Rufa Mae na huwag kumuha ng batang boyfriend.Alam daw kasing mas bata sa kanya ang boyfriend nito.

Nag-follow-up question naman si Mo na kung sakalingkailangang pumili ni Annabelle, sino kaya ang pipiliin nito—si Yilmaz Bektas oyung seven-footer na basketball player?

"Wala!" maagap na sagot ni Annabelle. "Kasi si Yilmaz, taposna ang ano niya kay Ruffa, yung pagsasama nila, hindi maganda. Para sa akin,magkaibigan na lang sila. Father siya sa dalawang anak ni Ruffa.

"Yung isa naman, parang hindi sila dapat maging ni Ruffadahil bata pa yung isang yun. I'm sure, gusto lang nun ng happenings siguro.Hindi pa yun ready na mag-alaga ng dalawang bata, di ba?"

RAYMOND GRILLS HIS MOM. May VTR din sa anak ni Annabelle na si Raymond Gutierrez, naisa rin sa mga host ng Showbiz Central. Ibinuko nito na nang nakatira pa rawsiya kasama ang mommy niya, tuwing gabi o madaling-araw na siyang nakakauwi,mas tinatanong pa raw at kinukumusta ni Annabelle ang driver kesa sa kanya.Feeling daw ni Raymond, mas concern pa ang mommy niya sa mga driver kesa sakanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa naman si Annabelle na sinabing, "Ayoko kasi na yungdriver napupuyat, e, puro lakwatsa lang naman. At saka takot ako sa aksidente.At ayoko na yung driver nagugutom. Kasi ang driver, kapag hindi gutom atkumpleto sa coffee-coffee or kung anuman diyan, e, di maganda ang pagda-driveniya, di ba?

"At saka kapag lakwatsa lang kasi, sinasabi ko, ‘Huwagn'yong puyatin, kawawa naman, wala namang ginagawa.' Pero kapag taping,shooting, okay. Pero kung wala namang ginagawa, sinasabi ko na, ‘Pauwiin mo angdriver at meron pa ‘yang maagang trabaho.' Kaya nagagalit silang lahat sa akindahil mas concern daw ako sa driver."

Tawa pa rin nang tawa si Annabelle sa ikalawang pambubukingni Raymond sa kanya. Ayon kay Raymond, marami na raw TV commercials natinanggihan ang mommy niya. Yung isa, dahil pinagsusuot daw ito ng duster atpinaglalaba. Yung ikalawa naman, pinapasayaw sa labas.

"Alam n'yo kasi, noong in-offer sa akin yun, hindi pa akoready talaga. Hindi pa ako ready na umarte. Kaya sabi ko, ‘Naku, ano kayahitsura ko kung ganyan ako?' E, nag-duster na ko sa pelikula kaya lahat, lahatpuwedeng mag-offer sa akin ngayon!" natatawa niyang sabi.

Sa ikatlong pambubuko ni Raymond sa mommy niya, nag-dialoguesi Annabelle na nakakaiyak naman daw ang mga sinabi sa kanya ng anak. Bilangganti, sinabi niya na mabait na anak si Raymond.

Ayon kasi sa ikatlong VTR message ni Raymond, sinabi nitong sakabila ng pagiging mataray ng image ng ina, deep down ay mabait daw ito atginawa ang lahat to raise them well. Hindi rin daw niya akalaing matatapos ngmommy niya ang My Monster Mom dahil kalagitnaan ng shooting ay nagku-quit itoat sinasabing hindi na niya kaya at lalong hindi kaya ang working hours ngisang artista.

Inamin naman ni Annabelle na totoong kalagitnaan ng movie aygusto na raw niyang umatras.

"Sinabi ko na kung puwede bang si Ruffa na lang ang gawingbida at huwag na ako. Kasi ang hirap palang mag-shooting. Biro mo, a-acting ka,ire-rehearse mo ang dialogue mo. ‘Tapos ang Tagalog ko pa, baluktot pa minsan.Kaya sa lahat ng manonood ng movie ko, pagpasensiyahan n'yo na kung may Bisayaminsan. Ang speech ko kasi minsan, pinagtatawanan nila Ruffa. Sasabihin, ‘Mommy,Bisayang-Bisaya ka!' E, wala akong magagawa, Bisaya talaga ako, e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE-HATE RELATIONSHIP WITH RUFFA. Pia asked Annabelle kung mas lalo raw ba silang nagingmalapit sa isa't isa ni Ruffa dahil nagkatrabaho silangdalawa sa movie.

"Actually, kaming dalawa ni Ruffa, hindi na mawawala sa aminyung para kaming aso't pusa. Kahit sashooting, nag-aaway kami. Kasi pakialamera siya masyado sa akin. Yung makeupko, yung mata ko, inaantok daw ako. E, paano akong hindi aantukin, Ruffa, e,uminom nga ako ng pampakalma? ‘Tapos sabi niya, ‘Idilat mo ang mata mo, Mommy!'Kapag nakadilat naman, sasabihin, ‘Huwag mong masyadong lakihan ang mata mo,mukha kang mataray!'

"Masyado siyang nakikialam sa akin. Pati lipstick ko, pati damit ko. Hindi rawmaganda ang mga damit ko, ganyan-ganyan, kaya palagi kaming nag-aaway sa set,"kuwento ni Annabelle.

Ayon pa kay Annabelle, halos lahat ng eksena niya sa MyMonster Mom ay paborito niya, pero natatawa nitong sinabi na pinaka-favorite daw niya nang sinampal niya si Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN