Rubirubi on being compared to Pokwang: "Hindi ka makukumpara sa isang tao, kung hindi mahusay yun."

"Bakit ako magsasalita ng hindi maganda tungkol kay Pokwang,e, hindi ko pa naman napapanood na mag-show siya. Naririnig ko lang na magalingsiya sa live. Sina Ai-Ai at Eugene kasi, matatagal nang artista, at napapanoodko ang mga pelikula nila at TV shows. I'm sorry, kay Pokwang talaga, wala paakong napapanood," says Rubirubi about Pokwang (inset).



May takot si Rubirubi sa comparisons na hindi maiiwasan lalona sa larangang pinasok niya. Napakarami na ngang naglipanang komedyante sashowbiz ngayon. Iilan din lang talaga ang umaangat, at mukhang si Rubirubi ayunti-unti nang napapansin.

"Seryosohan na ito dahil pumirma na nga ako ngmanagerial contract with Manny Valera," sabi pa ni Rubi. "Wala nangatrasan. Kasi, part na yun ng career ko. Palagay ko, kasama na 'yang mgaintriga at pagku-compare.

"To be honest about it, matagal bago ako nag-decide namag-showbiz talaga. Dati-rati, puro lang ako sa comedy bar, di ba? Okey na saakin ang ganito kasi, bread and butter ko na 'yun. Marami namang raket sacorporate shows, e.

"Grabe na nga ngayon dahil kasama na ako rito sa tapingng Dyosa. Maaga nag-uumpisa ang taping. Matatapos, umaga na rin ng nextday. Ang ganda, di ba? Hindi naman ako nagrereklamo. Happy nga ako, e,"nangingiting dugtong pa ng mahusay na komedyana.

Hindi na naaasikaso ni Rubi ang pagku-comedy bar. Sumasalangsiya regularly noon sa 22nd Street sa Marcos Highway, pero ilang araw na rawsiyang hindi nakasisipot dahil nga sa taping niya ng Dyosa.

RUBIRUBI LIKES. Nang tanungin si Rubirubi tungkol sakung sino among other female comedians ang nagugustuhan niya ang estilo, hindiniya ito nasagot agad.

"Mahirap kasing mag-pinpoint ng isang mahusay langtalaga," aniya pa. "Hindi sa nagpe-playing safe ako. Siyempre, kunghindi mo paboran yung isa, maiimbyerna naman yun.

"Pero, sa kanilang lahat, gusto ko talaga, si Ai-Ai[delas Alas]. Seasoned na kasi siya. From simple roles, nag-evolve din siya.

"Ganoon din si Eugene Domingo. Maganda ang trainingniya sa teatro. Dati kasi, napapanood natin siya, nagse-serious drama. Pero,nang mag-comedy, magaling naman talaga."

POKWANG IS WHAT? E, si Pokwang na gumagawa na rin ngingay ngayon?

"Tingin ko lang, sa ibang aspects kasi, parang hindipa. Si Pokwang kasi, more on live shows siya.

"Uy, iniintriga ninyo ako kay Pokwang, ha?" tilini Rubi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasi, obvious naman na among those she mentioned, hindimasyadong favorable ang nasabi niya kay Pokwang.

"Naku, hindi naman ganoon! Ask ninyo kasi ang opinionko, e. Hayan na! May mga write-up kasi sa akin na ganyan noon, kinukumpara akokay Ai-Ai, kay ganito, o ganyan. For sure, 'yang sinabi ko kay Pokwang, bakagawing issue pa.

"At saka bakit ako magsasalita ng hindi maganda tungkolkay Pokwang, e, hindi ko pa naman napapanood na mag-show siya. Naririnig kolang na magaling siya sa live.

"Sina Ai-Ai at Eugene kasi, matatagal nang artista, atnapapanood ko ang mga pelikula nila at TV shows. I'm sorry, kay Pokwang talaga,wala pa akong napapanood. Hayaan ninyo't 'pag nagka-time ako, papanoorin ko anggigs niya, at saka na ako magku-comment.

"Naku, ayokong magtaray kay Pokwang, ha? Paano pa akomaggi-guest sa Wowowee! kungookrayin ko siya," natatawang sabi na lang ni Rubi.

Okey lang kay Rubi na maikumparasiya kay Pokwang. Nariyan na rin lang 'yan.

"Iniisip ko na lang, hindi ka makukumpara sa isang tao,kung hindi mahusay yun. Parang sasabihin, 'Ay, lasang imported!' Ano ba angimported? Siyempre, yung masarap.

"Kung naikumpara ka sa imported, ibig sabihin, masarapka na rin. Ganoon na lang 'yun. Besides, hindi pa naman kami magkakilala niPokwang," nasabi na lang ni Rubi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN