Claudine Barretto returns to primetime drama via "Iisa Pa Lamang"

Claudine Barretto proudly guarantees that watching Iisa PaLamang is like watching a movie.



Pagkatapos ng isang taon, balik naman si Claudine Barrettosa paggawa ng mala-higante at de-kalibreng teleserye, ang Iisa Pa Lamang.Ito ang kanyang ika-pitong teleserye bukod pa sa sineseryeng ginawa niyang Maligno.Eksklusibo siyang nainterbyu ng host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez.

"'Eto na po, ibinibalik na namin yung drama sa primetime.Pinaka-comeback ko sa teleserye na drama sa primetime. After I gave birth kasi,Maligno was a sineserye. Yung atake namin sa istorya, [ng Iisa PaLamang] ‘pag pinanoood mo, parang pelikula," pahayag ni Claudine sa TheBuzz.

At sa kauna-unahang pagkakataon, ipapareha si Claudine sanagbabalik-showbiz na si Gabby Concepcion at mayroon daw siyang kissingscene na, ayon sa mga nakapanood ng taping, ay umabot ng ten minutes.

"Hindi ko tina-time! Hindi ko alam sa kanila kung gaanokatagal," kasunod ang malakas na tawa ni Claudine.

Nagpaliwanag naman si Claudine kung bakit tumagal angpagkakakuha ng kissing scene nila ni Gabby.

"Iba-ibang angles. Yung difference lang ng teleseryeng ito..."sabay singit ni Ruffa at pinapa-explain kay Claudine kung bakit umabot ng tenminutes ang kissing scene nila ni Gabby.

"Hindi ko alam. Sobrang guwapo pa rin. Ha-ha-ha!"

"Mabango [si Gabby]?" tanong ni Ruffa kay Claudine.

"Sobra! Palaging naliligo sa set! Mga four [times]!"

Bukod kay Gabby, may kissing scene din daw si Claudine saisa pa niyang leading man sa teleserye na si Diether Ocampo. Umabot naman dawng seven minutes ang kissing scene nila.

"What? Ha-ha-ha!

"I really don't know. Ha-ha-ha! Akala ko kayGabby," nalitong bulalas ni Claudine sa pagtatanong ni Ruffa.

Makakasama rin ni Claudine ang respetadong aktres na siMs. Susan Roces sa Iisa Pa Lamang.

"I was so happy. Kasi, that's why I did Malignoalso because it was a Susan Roces Collection. Sobrang full of wisdom. Ilearned so many things form her."

Magsisimula ang Iisa Pa Lamang sa July 14. Specialbirthday treat daw ito ng aktres para sa kanyang mga tagahanga. Kasabaydin nito ang birthday celebration ni Diether sa July 19 at ang dalawa paniyang Kapamilya—ang asawang si Raymart Santiago na ka-birthday ni Claudine saJuly 20, at ng anak nila na si Baby Santino sa July 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, Christening pa niya. Kaya kami niRaymart, sa birthday namin, hindi ko alam kung anong gagawin namin. Pero yun nalang," huling wika ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN