Mark Anthony Fernandez becomes an 'object of desire' because of "Kim Samsoon"

"I've prepared for the whole show. Workoutako nang workout nang workout! Kasi, sabi nila, ‘Si Cyrus [his character]ganito, si Cyrus ganyan...' So I have to live up to it," says Mark Anthony Fernandez about one scene where he wears swimming trunks.



Bago ang live interview nina Pia Guanio at John "Sweet"Lapus kay Mark Anthony Fernandez sa Showbiz Central last Sunday, June 29,ipinakita muna ang VTR interview sa young actor. Sa naturang VTR ay nangako ang young actor na gagalingan niya ang trabaho dahil sa paniniwalang kahit hindi na niya kapilingang yumaong ama na si Rudy Fernandez ay nakikita pa rin nito ang lahat ngginagawa niya.

Bumalik sa leading-man status si Mark sa bagong romantic-comedy-dramaseries ng GMA-7 na Ako Si Kim Samsoon, kung saan siya ang katambal ni RegineVelasquez.

Si Pia ang unang nagbato ng tanong kay Mark. May isangeksena raw kasi sa Ako Kim Samsoon na ikinagulantang ng karamihan dahilnakitang naka-swimming trunks lang ang young actor.

"Opo, meron po talaga na kung saan kaming dalawa niArthur Solinap, we had to wear our trunks," pag-amin ni Mark. "Okey naman, na-good naman ni Direk[Dominic Zapata]. Luckily, na-good niya, so thank you."

Ayon kay Sweet, na kasama rin ni Mark sa Ako Si Kim Samsoon,marami raw mga gays and even girls na ang tingin sa kanya ngayon ay pantasya.Napa-flatter or nahihiya ba siya ganoong tingin sa kanya?

"Siyempre po, napa-flatter," sagot ni Mark. "Flattered poakong talaga at siyempre po, thank you po sa Creative Team namin dahil hindinaman po magiging ganito kung hindi rin naman po dahil sa kanila. Kung ano angdapat suotin, tinutulungan po nila ko sa porma."

Tinanong ni Pia si Mark kung kinailangan daw ba nitongmag-prepare, just for that particular scene na kinailangan nga niyang magsuotng swimming trunks.

"I've prepared for the whole show," sabi ni Mark. "Workoutako nang workout nang workout! Kasi, sabi nila, ‘Si Cyrus [his character]ganito, si Cyrus ganyan...' So I have to live up to it."

Ayon kay Sweet, may balita raw na sa mga unang taping daysnina Mark at Regine ay medyo nahihiya-hiya pa raw ang aktor sa Asia's Songbird.Tinanong ni Sweet si Mark kung paano ito nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, si Songbird, e, alam n'yo yun..." nakangitingpag-demonstrate ni Mark na mataas. "Ang nangyari, noong minsan nag-taping kami,kinakabahan ako. ‘Tapos sinabihan ako ng EP [executive producer] namin na,‘Huwag mong isipin na siya si Regine Velasquez, isipin mo na lang siya si KimSamsoon.' So since then, medyo gumaan na, nawala na yung kaba ko kay Ms.Regine. ‘Tapos may isang fight scene na siguro sa ika-third week na, afterno'n, naging kampante na ako, naging at ease na ako."

Sumunod na tanong ni Sweet kay Mark ay kung ano ang na-feel niyana noong una ay tila kinukuwestiyon kung bakit siya ang ipinareha kay Regine.

Pero ayon kay Mark, "Personally speaking, nang malaman ko naito ang assignment ko, sabi ko, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, hindi kona papakinggan yun. Basta ako, it's a dream come true for me and I'm gonna havefun with it. So thank you na noong biglang nakita nila ang mga footages naginawa namin, naging successful naman at nagustuhan naman ng mga tao. So, what can I say?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN