Ciara Sotto back home for two-week vacation and album launching

Singer-actress Ciara Sotto arrived in the Philippines last June 30 after a year-and-a-half year stay in Las Vegas. Ciara will be in the country for only two weeks.


Noong June 30 ay bumalik ng Pilipinas ang singer-actress nasi Ciara Sotto after a year-and-a-half niyang walang uwian sa Pilipinassince she went to Las Vegas. Eksaktongdalawang linggo lang si Ciara sa bansa kaya, as much as possible, gusto rawniyang masulit ang bakasyon na ibinigay sa kanya.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siCiara a day after na dumating dito, sinabi niyang she's very happy thatfinally she gets to see her home, her family, and friends.

Hindi pa raw niya alam kunganong mga trabaho ang maisisingit sa pag-uwi niya dahil ngayong arawna ito (July 2) pa lang niya malalaman kung anu-ano ang showbizcommitments na kailangan niyang puntahan.

So far, all she wants to do is have fun at makasama angmatagal niyang hindi nakita at naka-bonding na pamilya at kaibigan. Pero happy naman siya na kahit hindi siya angnakakauwi sa bansa, every now and then ay binibisita siya ng kanyang pamilya sa LasVegas.

ALBUM LAUNCH. Isa sa siguradong gagawin niya while in the country ay ang launching ang kanyang album under BMG Records. Lahat ng mga kantangnakapaloob dito ay ginawa niya sa Las Vegas sa supervision ng kanyangdaddy na si dating senator Tito Sotto.

Excited at proud si Ciara sa bagong album dahil maycomposition dito ang sikat na international singer na si David Pomeranz., ang"Where Do We Go From Now?"

Siguradong sa pag-uwi ni Ciara sa bansa, magkakaroon na rinng kasagutan ang ilan sa mga isyung naglabasan while she was in Vegas, tuladng biglang paglabas ng intrigang breast exposure daw niya sa show nilang Fever,na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan.

BIRTHDAY GIRL. Incidentally, ngayong araw, July 2, ang mismong 28thbirthday ni Ciara.

Last year ay sa Las Vegas siya nag-celebrate, kung saan isasa mga naging birthday surprise niya ay ang pagdalaw ng non-showbiz boyfriendniya ng ilang araw.

When PEP talked to Ciara yesterday, ang alam daw niya,magkakaroon lang ng lunch sa bahay nila sa White Plains with her family.Posible rin daw na mag-dinner sila ng non-showbiz boyfriend niya. Pero aniCiara, anything can happen dahil baka biglaan ay magkaroon din siya ng simpleparty with family and very close friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa plano ni Ciara ngayong pag-uwi niya ay angmaglaan ng kahit ilang oras with her loyal fans dahil natutuwa raw siyang kahitwala siya sa bansa, ramdam na ramdam pa rin niya ang suporta ng mga ito.

Aktibo man siya o hindi sa kanyang showbiz career,pinapahalagahan ni Ciara ang kanyang fans dahil may sarili siyang party parasa mga ito tuwing birthday niya o tuwing Pasko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN