Direk Joey Reyes talks about directing Annabelle Rama in her comeback film

"Noong una nga, sabi ko, ‘Ano baitong napasukan ko?' Kasi nga, parang uphill battle ang comeback movie niAnnabelle. Sabi ko, ‘Bahala na si Batman!' But it turned out to be so fine. Anggaan-gaan niya katrabaho. Walang aberya," says Direk Joey Reyes about Annabelle Rama (inset).



Malaking bahagi sa pagkapanalo ni Jinggoy Estrada ng Best Actor award para sa comeback movie niyang Katas ngSaudi ang guidance na ibinigay sa kanya ng director niyang si Jose JavierReyes.

Dalawang Best Actor trophies naang nakamit ni Jinggoy. Nanalo siyang Best Actor sa 2007 Metro Manila Film Festivalat last June 24 at nakopo naman niya ang Best Actor award sa kategoryangMusical or Comedy mula sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society.

Since si Direk Joey rin angdirector ng My Monster Mom, ang comeback film ni Annabelle Rama, posible rinkaya na magwagi ng Best Actress award si Annabelle?

"I think mas higit pa sa Best Actress ang matatanggap niya kung tanggapin siya ng mga tao bilang komedyante.If this movie makes a lot of money for Regal and for GMA Films, Annabelle wouldbe very well rewarded," pahayag ng award-winning director sa panayam sa kanyang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado naman si Direk Joey na hehad lots of fun working with Annabelle.

"Noong una nga, sabi ko, ‘Ano baitong napasukan ko?' Kasi nga, parang uphill battle ang comeback movie niAnnabelle. Sabi ko, ‘Bahala na si Batman!' But it turned out to be so fine. Anggaan-gaan niya katrabaho. Walang aberya. Napaka-professional nilang mag-ina [Annabelle and Ruffa Gutierrez].Walang sutil sa set. Masaya lahat. It was a nice experience," lahad ng direktor.

Hindi naman daw kasali sapagdidirek niya na kailangan manalo ng award ang artistang idinidirek niya. Kung nanalo si Jinggoy, nagkataon lang daw na siya ang nagdirek. Ganitorin ang feeling niya para kay Tita Annabelle.

Sabi ni Direk, "I just want to getthe best of Annabelle and give her a good project. Sobrang happy ako workingwith her. At the start, touch and go ‘yan. Tatantiyahin mo kung hanggang saan,kung maitutulak ko siya, kung ano ang makukuha ko sa kanya.

"Until I realized, this is the wayto work with Annabelle. ‘Pag nahuli mo na ang tamang timplada, makukuha mo naang gusto mo at ang importante naman, nagkaroon siya ng confidence sa sariliniya na kaya niyang i-deliver yung trabahong ini-expect sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Shereally worked very hard for this. Alam niya ang mga eksenang kukunan. Kinukulitniya ang mga tao. Kung ano ang costume niya. Pagdating niya sa set, handa nasiya. Ang trabaho ko na lang ay subaybayan siya. Unlike sa ibang artista nadumarating sa set na hindi alam ang gagawin. Ni hindi nabasa ang script. Siya, kabisadoniya ang linya. Alam niya ang kuwento kahit pagbalik-baliktarin mo. Sasabayanmo na lang siya,"

Magkakaroon ba ng Part 2 ng MyMonster Mom?

"Tingnan natin kasi ako, kung maysequel, okay fine. Tingnan muna natin kung ano ang kalalabasan nito, pero mayplano na na sequel. ‘Pag napanood ninyo ang pelikula, malalaman ninyo kungpaano magkakaroon ng sequel," pahayag ni Direk Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN