Piolo Pascual keeps his love life private to avoid publicity

"You know what, I'd like to keep it private kasi mahirap nama-publicize o pag-usapan ng publiko. If I'll get romantically involved, siguroI'll keep it to myself first then we'll see what will happen," says Piolo Pascual about his love life.


Sa loob ng matagal-tagal na panahon, isang isyu napinag-usapan ay ang alitang namagitan kina Piolo Pascual at sa magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Natuldukan ang alitan ng tatlo nangaksidente silang magkita sa burol ng ama ng young actress na si Maja Salvador.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolosa ginanap na Star Magic Ball para sa 16th anniversary ng Star Magic. Nagbigayng mensahe ang aktor kaugnay ng engagement nina Judy Ann at Ryan.

"Nababasa ko lang ‘yan sa diyaryo, but wala pangnagko-confirm sa akin. But if ever it's true, I'm happy for them. It's abouttime for them to get married, I wish them the best."

LOVE TALK. Sa ibang balita, sa past interviews kay Ruffa Gutierrez aynaging open ang actress-TV host sa pagsasabing panay "press release" lang daw angpagsasabi ni Piolo na crush siya nito. Kasi nga, hindi naman gumawa ngkahit na anong move para lang mag-text o yayain siyang mag-dinner.

According to Piolo, ang mga personal na bagay sa kanyangbuhay ay napagdesiyunan na lang niyang itago muna sa kanyang sarili.

"You know what, I'd like to keep it private kasi mahirap nama-publicize o pag-usapan ng publiko. If I'll get romantically involved, siguroI'll keep it to myself first then we'll see what will happen," saad ng matineeidol.

Aminadong naging lesson na kay Piolo ang nangyaringpagkakaudlot sa sinasabi niya noong taga-Victory Fellowship na balak niyasanang diskartehan. Wala mang love life ay nangako naman si Piolo na ito angmagiging prayoridad niya ‘pag na-meet na niya si "Ms. Right."

"Yun na nga, it was preempted because I spoke too soon,"sabi niya. "So I decided kung magkakaroon man ako ng inspirasyon na bago,tatahimik na lang muna ako, let it flow in a natural way.

"As of now, wala pa rin akong love life but I'll just waitfor that. When she comes, yun ang magiging priority ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGEL'S DARING PICTORIAL. Naging malapit na magkaibigan sina Piolo at Angel Locsin sa pagsasamanila sa teleseryeng Lobo ng ABS-CBN. Ngayong binabatikos ng ilang moralista ang aktres dahil sa pag-pose nang topless para sa isang jeans ad, nagbigay naman ngsuporta niya si Piolo sa kapareha.

"I can't comment about it but I can say na may karapatannaman si Angel. As the saying goes, ‘If you have it, flaunt it.' It's part of thecampaign and magandang-maganda naman yung kuha, hindi naman malaswa o bastos,"pahayag ni Piolo.

In two weeks time ay matatapos na ang Lobo, pero siniguro niPiolo na kaabang-abang ang mga nalalabi pang araw ng pinagbibidahang fantaserye.

"Last two weeks. Maganda, mahirap, nakaka-excite kasitalagang pinaghirapan at ginastusan ng network, and I'm happy about theoutcome. I'm so thankful dahil ang daming sumuporta, not just in thePhilippines but also in TFC abroad."

Kinumpirma rin ni Piolo na isang pelikula under Star Cinemaang pagsasamahan nila ni Angel right after Lobo.

"We're doing a movie as soon as matapos kami sa Lobo,dire-diretso na kami mag-shoot. I'mgoing to Paris to attend a filmfest. Pero as soon as I come back, training naako for the movie, and then diretso na kami ng Bukidnon to shoot," pagtataposng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN