ABS-CBN denies intrigue that Jericho Rosales and Carmen Soo caused Direk Gilbert Perez's stroke

Director Gilbert Perez (main photo) suffered a stroke while taping his teleserye with Jericho Rosales and Malaysian actress Carmen Soo yesterday morning, July 1.



Isinugod kahapon ngumaga, July 1, sa St. Luke's Medical Center ang direktor na si Gilbert Perez na na-stroke habangnagte-taping ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN na co-venture sa isangMalaysian TV network.

Madaling-araw palang ay napapansin na ng bidang aktor ng teleserye na si Jericho Rosales angmadalas na paghagod ng kanyang dibdib ni Direk Gilbert, na mas kilala sashowbiz bilang si "Manong Gilbert." Hindi nagtagal at itinakbo na mismo niJericho ang direktor sa ospital.

At press time aynananatili pa rin sa Coronary Care Unit ng St. Luke's si Direk Gilbert, taliwas sa unang report na nasa Intensive Care Unit (ICU).

Ito na ang ikalawang pagkakataon na na-stroke si Manong Gilbert. This time, maaaring mag-undergo siya ngangioplasty surgery. Ayon sa Medline Plus, ang angioplasty "is aprocedure to restore blood flow through the artery."

BLAMING JERICHO & CARMEN. Sa second stroke ni Manong Gilbert ay mabilis na kumalat ang tsismis na ang dahilan ngkanyang atake ay ang kanyang mga artista sa ginagawang teleserye sa ABS-CBN;namely si Jericho at ang Malaysian actress na si Carmen Soo.

Mariin namangpinabulaanan ito ng kampo ng ABS-CBN/Star Cinema Productions, na siyangnagpo-produce ng teleserye nina Jericho at Carmen. Bago pa man ang kanilangshooting dito sa Pilipinas ay nakapag-shooting na si Direk Gilbert sa Malaysia,kasama sina Jericho at Carmen, pati na ang iba pang members of the cast. Kayanaman nakapag-bonding na raw silang tatlo ng kanyang mga artista.

Ayon pa sa amingsource mula sa ABS-CBN/Star Cinema Productions, sina Direk Gilbert, Jericho, atCarmen ang madalas pa nga raw na magkakasama sa Malaysia. At kahit natsitsismisna si Carmen ang isang dahilan ng hiwalayang Jericho at Heart Evangelista,hindi raw naapektuhan ang samahan nilang tatlo sa Malaysia.

Hanggang sa dumatingnaman dito sa Pilipinas si Carmen, naging malapit pa rin si Manong Gilbert saMalaysian actress. Matagal-tagal na rin daw dumating dito sa Pilipinas siCarmen at mukhang hahaba pa ang kanyang pananatili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pansamantalangitinigil din muna kasi ang pagte-taping ng teleserye nina Jericho at Carmen.Kung sakali, posibleng si Jerry Sineneng muna ang hahalili kay Manong Gilbertbilang direktor sa joint venture production ng ABS-CBN/Star Cinema at ngMalaysian TV network.

Malabo rin daw angtsismis na nagkaproblema si Direk Gilbert kay Jericho dahil sa breakup nilani Heart. Nakapag-move on na raw nang husto si Jericho mula sa hiwalayan nilang dating girlfriend kaya naging smooth naman ang taping ng direktor withhis lead actors.

Bukod dito, nagsabina rin si Jericho sa ABS-CBN/ Star Productions na magiging smooth ang kanyangpagtratrabaho sa proyektong ito dahil ayaw niyang sayangin ang tiwalangibinibigay sa kanya ng management. Kaya naman nangako raw si Jericho naibibigay niya ang kanyang pinakamahusay na performance.

Hindi rin dawmaaaring bigyan ng problema ni Carmen si Direk Gilbert sa set dahil, unang-una,aware siya na nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Kaya naman gagawin niya anglahat para maging mabait sa set at sa lahat ng mga katrabaho niya rito.

Kaugnay nito,napakalaki rin ng tiwala kay Jericho ng ABS-CBN/ Star Cinema Productions, sapangunguna ng kanilang Managing Director na si Malou Santos

Wala pa rin dawofficial title ang nasabing teleserye nina Jericho at Carmen, taliwas sa mgalumalabas na reports. Pero napanood na ng ABS-CBN/Star Cinema Productions angmga eksenang kinunan sa Malaysia. Sobrang na-impress daw ang mga pamunuan ng ABS-CBN/Star Productions sanakita nila.

Nakatakdang ipalabas ang teleserye ni Jericho atCarmen sa last quarter ng 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN