Young actress Andi Eigenmann has crush on Robi Domingo and Victor Basa

Former PBB Teen Edition Plus house player Andi Eigenmann had no hesitation in admitting her crush on PBB teen housemate Robi Domingo (inset, top) and Coverboys member Victor Basa (inset, bottom).



Nag-celebrate ngkanyang 18th birthday ang youngest member ng kilalang showbiz clan na Eigenmannna si Andi Eigenmann last June 27 sa club house kung saan sila nakatira ngmommy niya na si Jaclyn Jose. Pero ang actual birthday ni Andi ay noong June25.

"Actually, hindi akonag-settle sa usual debut party na may cotillion. Party lang talaga," kuwento niAndi sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang motif ng partyni Andi ay black, white, and gray na favorite colors niya. Kulay red naman ang kanyang dress na binili niya sa Zara.

Inimbita rin daw ngyoung actress ang buong Eigenmann family, sa pangunguna ng ama niyang siMark Gil at ang kanyang mga kaklase nung high school.

Kapatid ni Andi saama ang dramatic actor na si Sid Lucero at ang singer-actor na si GabbyEigenmann. Ang nagbabalik-telebisyon na si Bing Pimentel ang ina ni Sid at siIrene Celebre naman ang nanay ni Gabby.

May half-brother dinsi Andi sa ina niyang si Jaclyn na si Gwen, na ang ama ay miyembro ng bandnagTrue Faith. Seven years old na raw si Gwen at nag-birthday rin ito last June 7.

STAR MAGIC TALENT. Hindi pa pumipirmang kontrata si Andi sa ABS-CBN Star Magic, pero verbally nagkasundo na angkanyang ina at ang pamunuan ng talent managent ng Kapamilya network.

"My contract is beingprocessed," sabi ni Andi.

May pressure ba onher dahil kilala bilang mahuhusay na artista ang kanyang mga magulang na sinaJaclyn at Mark?

"Ano po minsan,nararamdam mo na yung pressure. Pero sa akin, hintayin po muna ng tao what Ican offer, at ano ang pagkakaiba ko sa mom and dad ko sa gusto ko," saad niAndi.

Payag ba sila sapag-aartista niya o siya lang ang may gusto na maging Star Magic talent?

"Gusto ko potalaga," sagot niya. "Si Mommy, ang ayaw lang niya yung mag-acting workshop ako.Sinabi niya kay Mr. M [Johnny Manahan] yun. Kasi para sa kanya, either you haveit or not. It's not a hobby, it's a gift."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO SCHOOL. Nagtapos ng highschool si Andi last March, pero hindi siya nakapag-enroll ngayong firstsemester sa college.

"Nag-take ako ngexam sa UP [University of the Philippines] for Fine Arts. Kaya lang, walakasing masyadong variation ang Fine Arts sa UP kaya nag-Painting muna ako. Sasecond semester mag-aaral ako ng Fashion Design sa College of St. Benilde; July 1 ang enrollment. ‘Tapos, next year na ako magyu-UP."

PBB HOUSE PLAYER. Unang lumabas siAndi sa Prinsesa ng Banyera, kung saan nakasama niya ang kanyang ina na siJaclyn. Recently, napanood siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus bilangisa sa house players.

"Nag-enjoy po ako. "Fourweeks lang po ako doon, pero nag-enjoy ako," natutuwang sabi ni Andi tungkol saPBB.

Paano siya napasamasa PBB Teen Edition Plus?

"Kinuha po akotalaga ni Direk Lauren [Dyogi]. Nakita niya kasi ako sa commercial [Lactacyd].Hindi pumayag si Mommy that time, ayaw niya akong pumasok. Ako lang po talaga, gustoko. Nakakahiya nga po kasi ako na rin yung nag-request na lumabas ng Bahay niKuya."

ROBI & VICTOR. Kanino siyanagka-crush among the boys sa loob ng PBB house?

"Si Robi [Domingo]," diretsongsagot ni Andi. "Kasi nung nasa loob ako ng bahay, kami yung madalas nag-uusap. 'Tsakakahit wala pa kami sa loob ng Bahay ni Kuya, magkakilala na kami. Nagkikita nakami kasi magkatabi lang ang school namin. Sa Miriam [College] po ako, siya saAteneo. ‘Tapos nagho-host-host ako ng affair sa Ateneo. Nagte-training din akosa school nila ng Ultimate Frisbee; nagti-training din doon si Robi."

Inimbita rin daw niAndi si Robi noong debut niya.

Bukod kay Robi, inamin ni Andi na crush dinniya ang CoverBoys member na si Victor Basa. Kinikilig ba siya kapag nagkikita at nagkakasama sila ni Victorsa ABS-CBN?

"Wala naman po,"sagot ng dalaga. "For me, if there's a normal guy na hindi taga-showbiz nacrush ko, hindi rin ako nagre-react kapag nakikita ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siyanagka-crush kay Victor?

"Maganda po yungmukha niya. Sa billboard ko po siya unang nakita. Pero sobrang tagal na ponoon. Kasi recently lang ako nag-Star Magic kaya hindi pa niya siguro akokilala.

"Pero neighbors pokami before sa Valle Verde. Kinakarga-karga pa niya ako nung bata ako. Familyfriend sila ng mommy ko. Kaya madalas nagpupunta kami sa kanila, minsan sila saamin," lahad niya.

Paano kapag nalamanni Victor na siya yung dating bata na kinakarga-karga niya at ngayon ay crushpa niya?

"Hindi ko na poiniisip yun dahil kakilala ko na siya.Kailangan alisin ko na kung anuman yung nararamdaman ko para sa kanya," saad niAndi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN