Star Magic supports John Lapus's special post-birthday concert


For his upcoming post-birthday concert tobe held at Zirkoh in Quezon City, comedian-host John "Sweet" Lapus will bejoined by his Star Magic family and co-talents. "Hopefully, nananawagan pa kami,kasi busy si John Lloyd 'tsaka si Piolo. Hopefully one of them could guest on mypost-birthday celebration," shared John.



Bagamat mas affiliated na ngayon sa GMA-7 andcomedian-host na si John "Sweet" Lapus, formally speaking ay nasa pangangalagapa rin ito ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Last Sunday, June 29, dumalo si Sweet sa 16thanniversary party ng Star Magic sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel inMandaluyong City. Kagaya nga ng naisulat nito sa kanyang blog dito sa PEP(Philippine Entertainment Portal), ay bongga ang attire ni John sa nasabingpagdiriwang. Si Tatah Galias ang gumawa ng kasuotan ni Sweet for the special occasion.

"He is from the University of the Philippines, matagal nakaming magkakilala but recently lang niya ako dinamitan for Showbiz Centralbecause he's a good friend of my new stylist si John Lozano.

"So, when I told John kung anong gusto ko, alam na nila, e. Kasi two months na silang dalawa. Sila ‘yong bago kong team, 'tapos lahat ngsinusuot ko sa Showbiz Central [gawa na nila]. So two months na, medyo gamay na nilakung ano ‘yong taste ko," kuwento ni Sweet nang makausap ito ng PEP noong mismongevent.

CATCHING UP WITH OLD FRIENDS. Dahil nga sa rivalnetwork ng ABS-CBN ngayon nagtatrabaho si John ay inamin nito na bihira na niyamakasama at makahalubilo ang mga dating kaibigan at fellow Star Magic talents.

Kuwento ni Sweet, "Most of the people na nakita ko rito,simula nang lumipat ako sa GMA, ngayon ko lang nakita ‘yong iba, so I'm so happy.And alam mo naman, this is a Star Magic event, so I wouldn't miss this for theworld."

Required ba na dumalo ang lahat ng Kapamilya talents sanasabing okasyon?

"Hindi naman required, but this is our party, so I have tobe here," mabilis na sagot ni Sweet.

Natutuwa naman daw siya dahil hindi nagbago ang treatmentsa kanya ng mga dating kasama at mga kaibigan.

"Wala," bulalas ni Sweet, "alam naman nila yan, e. AngStar Magic, alam nila 'yan and even my friends from ABS-CBN, alam naman nila nanaging maayos 'yong aking paglipat. Nagpaalam ako nang maayos sa kanilang lahat.Nagbigay naman ng go signal ang aming tatay na si Mr. Johnny Manahan and we didask permission and bigay-pugay to the executives and our bosses."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY WISH. Next week, July 7, ay birthday niSweet at bukod sa mga pakulo na inihanda ng Showbiz Central aymagkakaroon din ng post-birthday show si John na gaganapin sa July 26.

"It's a birthday show at Zirkoh Timog [Quezon City]. Youknow what's flattering? Ang producer ng aking show are the staff of Star Magic,mga handlers, mga road managers," pagmamalaki ng comedian-host.

Very flattered nga daw si John sa suporta na patuloy naibinibigay sa kanya ng Star Magic at ABS-CBN. Isa rin itong concrete proof nasmooth talaga ang relationship ni Sweet sa nasabing network.

Patuloy ni John, "Siyempre dahil sila ang producer, it willbe heavily supported by my brothers and sisters sa Star Magic. Coverboys areguesting."

Unsure pa si John kung kaya pa niya magdaos ng isangprivate birthday party dahil sa sobrang sikip ng kanyang work schedule. Saktonaman din dahil pumatak ng Lunes ang petsa ng kanyang mismong birthday.

"Ang problema, that's the only time of the week na rest dayko, so di ko pa alam. Pero ang mga kaibigan ko, ito like mga friends ko fromABS-CBN, kinakantiyawan na 'ko ng birthday party," ngiti ni John.

"Maghahanap pa 'ko ng lugar for that. Sabi ko naman sakanila kung hindi man sa July 7, siyempre hindi puwede ng July 6 ng gabi dahilmay celebration na sa Showbiz Central, pagod na 'ko by that time."

Napangiti si John nang tanungin namin ang kanyang birthdaywish. "I don't know," buntong-hininga ni Sweet.

"Every year laging love life ang wini-wish ko pero hindinaman binibigay, e. Sabi naman ng mga kaibigan ko, hindi naman daw hinahanap anglove life, dahil kusa siyang dumadating. Siguro I would wish na lang for moresuccess on my career. Hindi madali para sa gay celebrity ang tumagal ng 15years in this industry. I'm so blessed and I'm so thankful na nandito pa rinako."

SWEETILICIOUS, THE RETURN. Masaya ding ibinalita niJohn na magkakaroon ng repeat ang kanyang successful anniversary concert na Sweetiliciousbefore the year ends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"October will be the repeat of Sweetilicious saMusic Museum. The exact date na lang, we just have to double check with MusicMuseum, 'yong schedule. We have a tentative date, October 10."

Wish ni John na sana daw ay suportahan ulit ng mgamanonood ang second installment ng kanyang concert.

"This time it will be entitled Sweet2licious. Sothis is not a repeat, this is actually a part two. Sana maging as successful asSweetilicious."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN