JC de Vera says change of love team is necessary risk

"Noong si Yasmien daw, bumalik kay Rainier, sabi nila [thefans], wala naman akong sinabi. Which is true, wala silang narinig sa akinnang i-partner siya kay Rainier sa Tasya Fantasya, hindi ba? Walasilang narinig sa akin, kaya slowly nare-realize nila na kailangan namingmagpahinga ni Yas at kailangang bigyan din ako ng time sa sarili ko. Atleast ako naman, titingnan ko o kakayanin ko na wala si Yas," says JC de Veraabout breaking awa



Aminado si JC de Vera na may risk sa pakikipagtambalan niyakay Rhian Ramos sa bagong romantic-comedy TV series na La Lola na pagbibidahanng tisay na aktres.

Nilinaw din ni JC na hindi naman talaga totally bubuwaginang tambalan nila ni Yasmien Kurdi dahil sa bago nilang show na ito ni Rhian.

"Magpapahinga lang po, kasi, mayroon pa kaming upcomingmovie ni Yas sa Regal, by September ito ipalalabas. Kaya hindi ko rinmasabi na tapos na, siguro after nitong La Lola, after naming magpahingang isang show, siguro babalik naman talaga yung tambalan namin," panimula ni JCsa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Sa totoo lang, sa palagay ko risky talaga na i-partner akosa iba. Pero sa tingin ko, kailangan din naming mag-grow at maging independent.Feeling ko, kailangan lang talaga namin ng break, para hindi kami magkaroon ngidentity na, si Yas parating kadikit ni JC, o si JC parating kadikit si Yas.

"So, at least ngayon, mape-pair kami sa iba, and kapagna-pair ako kay Rhian, solo ko na ang pangalan ko. Si JC na iyon at hindina kakabit ni Yas," pahabol pa niya.

QUIET ABOUT RAINIER-YASMIEN REUNION. Nagpapasalamatnaman si JC sa fans na supportive pa rin sa kanya kahit mag-iba siya ngkapareha. Idinagdag pa ng aktor na nang nakipag-tambal ulit si Yas kay RainierCastillo via Tasya Fantasya ay wala namang narinig sa kanya.

"Nagbabasa ako ng mga forum, sa PEP, sa iGMA, may ibang fansna hindi pa talaga matanggap na maghihiwalay kami ni Yas at mapupunta ako kayRhian. Pero may ilang supporters naman na ipinagtatanggol ang side ko nahindi naman daw all the time ay kailangang kaming dalawa ang lagingmagka-partner.

"And noong si Yasmien daw, bumalik kay Rainier, sabi nila,wala naman akong sinabi. Which is true, wala silang narinig sa akin nangi-partner siya kay Rainier sa Tasya Fantasya, hindi ba? Walasilang narinig sa akin, kaya slowly nare-realize nila na kailangan namingmagpahinga ni Yas at kailangang bigyan din ako ng time sa sarili ko. Atleast ako naman, titingnan ko o kakayanin ko na wala si Yas," saad pa ng youngactor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang experiment lang naman ito, e. Actually, sabi rin niYas, experiment lang naman din ito. And ayaw din ni Tita Annabelle [Rama,his manager] na mag-stuck ako sa isa. Parang si Richard [Gutierrez], nakung mag-stick man siya sa isang love team, para sa isa o dalawang show langand then, after nun, iba na uli [ang ka-love team].

"Gusto kasi ni Tita Annabelle na mag-evolve ako na katuladng ibang leading man ng GMA like sina Dennis [Trillo], Dingdong [Dantes]... nakailangan na hindi talaga ako naka-stick sa isang leading lady lang."

Ayon pa kay JC, naiintindihan niya rin si Yas kung manghinayangman ang young star sa love team nila.

"Feeling ko,. nanghihinayang din siya sa love team namin.Pero siguro, hindi pa lang masyadong nakikita ni Yas yung positive and negativeside nito, yung both sides. Kasi parang ang sa isip niya, maiinit pa, e,so habang mainit [yung love team], kailangan tira kami nang tira. Perona-explain na kasi sa akin ng management, sina Ms. Annette Gozon, sina Ms.Wilma Galvante, sila na rin ang nagsabi sa akin na kailangang mag-break munakami ni Yas.

"Kasi, parang risky rin na lumipat ako ng love team at riskyrin na mag-stay ako kay Yas dahil mawawalan na ako ng identity talaga."

Anong assessment niya sa kanilang tambalan ni Rhian?

"I think magiging okey kami ni Rhian. Yung workingrelationship namin ay tulad din ng kay Yas na magiging okey rin. Pero kungtatanungin ako kung sa tingin ko ba sa sarili ko ay magkakaroon ako ng personalinvolvement kay Rhian, sa tingin ko, hindi. Ano lang...pure work langtalaga, magiging professional lang kami.

"Nakausap ko rin kasi si Rhian about sa pagiging mag-loveteam namin and game naman siya at hindi kinakabahan. Si Rhian kasi, alam ko nanaman ang kakayahan niya, magaling siyang umarte.

"Pero siguro, darating din ang time na iko-compare sila, andmasasabi ko na magka-iba sila. Iba yung field ni Yas at iba yung field niRhian. Nakita ko na kasi yung pagiging serious ni Yas, iyong pagigingdramatic actress niya. Si Rhian hindi pa, siguro hindi pa siya tapos samga pa-tweetums, sa mga pa-cute na role. Kasi, once na nabigyan siya ng heavyrole, doon mag-e-evolve ang pagiging seryoso niyang aktres," mahabang paliwanagpa ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHATEVER THE FANS SAY. Message niya sa fans nila niYas?

"Sana ay huwag silang ma-disappoint, hindi kami mawawala atlagi lang kaming narito. And since malakas yung fans—I mean, dahil sa kanilakaya nabubuo yung love team—dahil sa fans din kaya magkakabalikan din ang loveteam namin ni Yas. I'm sure, pakikinggan naman ng management kapagnandiyan yung clamor ng fans, e," pagwawakas ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN