Richard Gutierrez trains in new moves from Filipino martial art tapondo for "Codename: Asero"

Aside from being a brownbelter in karate and knowledgeable in other fighting styles such as kickboxing, muaythai, and arnis, Richard Gutierrez also studied tapondo to learn new moves that he can use for his fight scenes in Codename: Asero.



Mas malakasat magandang pangangatawan, hatid ng matitinding training at maaaksyong eksena,ang dapat abangan mula sa GMA Primetime King Richard Gutierrez sa pinakahihintay na simula ng action-packed TV series na Codename: Asero.

Bago pa manmagsimula ang taping ng Codename: Asero, nag-training na si Richard ngisang martial art style na swak na swak sa bagong karakter niya bilang siGrecko Abesamis, ang tapondo o mas kilalabilang combat aikido.

Ang tapondoay kino-consider nang Filipino Martial Art (FMA), nang tuluyan na itonghumiwalay sa non-violent self-defense principles ng pinagmulan nitong martial art na Japaneseaikido. Kung ginagamit ng aikido ang attacker's momentum at limb-joint manipulations to stop an attack, ang tapondo practitioner naman ay gumagamit ng mas agresibong combat-effective techniques.

Ayon kayRalph Roxas, ang fight director/instructor ng Primetime King simula pa noongtelefantasyang Mulawin, hangad talaga ni Richard ang maghatid atmagpakita ng bago sa kanyang teleserye.

Kaya kahitkarate brownbelter ang aktor, marunong sa kickboxing, muaythai, at pati naarnis, nag-training pa rin ito ng tapondo sa ilalim ng grupo ni Grand MasterMonching Gavileño (founder of tapondo) para makakuha ng bagong movements parasa mga action scenes niya.

Idinagdagpa ng fight director na ibang klase ang disiplina at sipag ni Richard. Kapag wala itong training sa aikido, regular ang pag-eensayo nito ng kanyangpersonal na training, tulad ng boxing, weights, at iba pa, kaya mas magandangayon ang pangangatawan ng actor.

At ang isapang bago sa Codename: Asero—si Richard na ang nagko-choreograph ngkanyang mga action sequences. Sinu-supervise na lamang ito ng kanyang fight director.

Kasama siHeart Evangelista bilang kanyang leading lady.

Huwag palampasin ang pinakabagongprimetime program ni Richard Gutierrez sa GMA Telebabad—ang Codename: Asero, na magsisimula sa Lunes, Hulyo 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN