Yasmien Kurdi tired of being dragged into JC de Vera and Rhian Ramos team-up issue

"Ang pangit naman po kasi para sa akin dahil hindi namanako kasama sa movie or sa programa nila sa TV to be included sa mga issue po.Tingin ko tuloy, parang lagi na lang nasasama ang pangalan ko kahit wala namanpo akong sinasabi or walang ginagawang masama. Minsan nga, nagugulat na lang ako na kasama na naman ako. Nananahimiknga po ako, 'tapos sinasali pa sa mga ganyan," complains Yasmien Kurdi (center) about being dragged in the pairing of her former screen



Nagpahaging ngpagkairita ang young star na si Yasmien Kurdi dahil sa napapadalas napagkadawit ng pangalan niya kina Rhian Ramos at JC de Vera.

Matapos kasi ngtandem nina Yasmien at JC de Vera sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, siRhian Ramos na ang bagong ka-love team ng young actor sa susunod nitong TV project, La Lola. Kaya't sa mganaglalabasang interview ay laging nasasabit ang pangalan ni Yas (tawag kayYasmien).

"Ayoko nga pongmag-comment, e. Dapat hindi ako isama sa mga issue niya [JC] kasi wala namangsomething sa amin. Bale trabaho lang po ‘yon at walang personalan.

"Ako po kasi, kungano lang ang sasabihin ng network, ‘yon lang po ang sinusunod ko. Atsaka ayoko nang palakihin pa ang issue, ang dami-dami kasing naglalabasan nawala naman pong katotohanan," paliwanag ni Yasmien noong naka-chat siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) habang nasa Camarines Sur siya para sa isangwakeboarding competition doon.

May tampo ba siya sapagkabuwag ng love team nila ni JC?

"Lilinawin ko langpo, hindi ako nagtatampo sa kanya. At bakit naman po ako magtatampo? Ano pongrason, hindi ba?" saad ni Yasmien.

Patuloy niya, "Pinapalakilang po ‘yong issue. Ang pangit naman po kasi para sa akin dahil hindi namanako kasama sa movie or sa programa nila sa TV to be included sa mga issue po.Tingin ko tuloy, parang lagi na lang nasasama ang pangalan ko kahit wala namanpo akong sinasabi or walang ginagawang masama. Minsan nga, nagugulat na lang ako na kasama na naman ako. Nananahimiknga po ako, 'tapos sinasali pa sa mga ganyan."

Nilinaw rin niyanghindi siya nagseselos kay JC kaya't pakiusap ng young star na produkto ng StarStruckna tantanan na siya ng intrigang hindi naman dapat madawit ang kanyangpangalan.

"Regarding pa rin pokay JC, kasi nga, ako nga ang dehado rito dahil pinapalabas nila na nagseselosdaw ako. E, hindi naman po dahil hindi naman naging kami ni JC. Tuloy lumalabaspo na parang naghahabol ako, e, hindi naman po. Nakakainis po, diba? Parang they're putting words into my mouth, e, hindi po banapaka-unfair nun?" iritadong paliwanag ni Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WAKEBOARDING. Para naman huwagtuluyang masira ang araw ni Yas, inusisa ng PEP ang wakeboarding niya saCamsur.

"In-invite po nilaako rito sa international wakeboarding festival, it's my first time po kaya ngasuper-excited ako sa pagpunta rito. Kakatawa nga po sa unang pagsabak ko,semplang po kasi, e! First ko lang naman kasi, e, pero okay namangpag-aralan at puwede ko rin sigurong maging hobby," masayang lahad niya.

Bago nag-log out,ikinuwento pa ni Yas ang mga balak niyang gawin.

"Now, masaya namanpo ako kasi ngayon ko lang nagagawa ang mga bagay na matagal ko na po sananggustong gawin. I'm enjoying my rest po. May plano rin ako of going out of thecountry na hindi magtatrabaho.

"Kaka-sign ko langdin po ng three-year contract sa GMA about three weeks ago, and may plan dinakong mag-enroll sa second semester either sa UP [University of the Philippines] o sa New Era College. Sana aymagawa ko siya, sana ay tulungan po ako ni Lord," pagtatapos ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN