"Hollywood Olympics" grand champion Aria Clemente plans to pursue singing career abroad

"Gusto ko rin pong i-pursue ang career ko dun. Kasi, merondin pong isang agent na kumuha sa akin, si Mr. Patrick Heart, the director ofthe WCOPA. Pagpunta po namin doon this year, siguro po, magla-lunch kami withMr. Patrick Heart para makipag-usap po," says 11-year-old champion singer Aria Clemente.



Naimbitahan ang last year's World Championship of PerformingArts (WCOPA) Junior Grand Champion Performer of the World na si Aria Clementeupang mag-perform sa opening ceremony at grand finals ng WCOPA na gaganapin saGrand Ballroom ng Westin Bonaventure, sa downtown Los Angeles.

Muling itatanghal ang WCOPA, also known as "TheHollywood Olympics" mula July 20 to 25.

Another grand champion and Kapamilya Star,Jed Madela, will also perform with Aria.

Sa press conference ng ABS-CBN para kay Aria, sinabi ng11-year-old Bulakeña na napakalaki na ng ipinagbago ng tingin sa mgaFilipino talents abroad simula nang nakapag-uwi sila ng karangalan para sabansa. Aniya, hindi raw niya makakalimutan when she andother Filipino talents who joined the contest were introduced as talents from "the land of great talents." Contrary rawnoong una na marami ang mababa ang tingin sa mga Pinoy.

Sabi naman ni Oliver Oliveros ng WCOPA Team-Philippines,nakalulungkot na sa kabila ng pagkakaroon ng bansa ng mga tunay na grandchampions like Aria and Jed, marami pang mga Pilipino ang hindi aware kung gaano kalakingkarangalan ang naiuwi nila mula sa isang international competition.

Kaya nga tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Aria kung nararamdaman ba niyang hindi siya kinikilala ng mgakababayan niya?

"Siguro nga po. Kasi, after ng WCOPA, parang feeling ko po...apatriotic [person] never recognized in her own country? Pero okey na rin naman po, kasiafter po ng WCOPA, marami na po ang nakakakilala sa akin kapag nagpupunta akosa mall. ‘Tapos, I'm glad na kilala ako as a singer and not as an artista,"sagot ni Aria.

Hindi naman daw siya apektado na may ibang artist na masnakikilala compared to her na grand champion talaga.

"No naman. Kasi, I watched Lea Salonga's concert, My Lifeon Stage and I can say na parang, nakaka-relate po ako sa ano niya. Di banga po dati, underdog siya? Yun po, nakaka-relate po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga Pinoy po kasi, more on, napapansin ko, masnaa-appreciate nila ang TV than musical, which is naiintindihan ko naman podahil meron rin naman pong mga taong mas gusto ang musical."

Bago umalis papuntang Los Angeles, Aria will launch herfirst album, ang Sing Like A World Champion Performer sa Linggo sa ASAP. Ilan sa mga kanta rin niya na nakapaloob sa album ay aawitin niya saopening and closing ceremonies ng WCOPA. Her album is produced by Stages andStar Records, and will also be sold at the launching.

"Yung album ko po, yun po yung selection ng songs napuwedeng makanta ng mga kids na nasa right range nila at may kasama na pongminus one."

AGENT ABROAD. Also last year, after Aria's victory,may nag-offer na sa kanya na maging agent niya sa States para i-represent siyafor possible career opportunity abroad, pero, at that time, feeling daw niya,mas gusto muna niyang makauwi ng bansa.

Pero this year, since the offer is still there, baka rawi-try na nga niya ang anumang opportunities na posibleng naghihintay sa kanyasa ibang bansa.

"Gusto ko rin pong i-pursue ang career ko dun. Kasi, merondin pong isang agent na kumuha sa akin, si Mr. Patrick Heart, the director ofthe WCOPA. Pagpunta po namin doon this year, siguro po, magla-lunch kami withMr. Patrick Heart para makipag-usap po."

Hindi naman daw siya nagsisisi na hindi niya na-grab lastyear ang opportunity to have a career abroad.

"Hindi naman po, kasi po, kung nag-stay po kami roon,mami-miss ko po ang daddy ko. Kasi po, mom ko lang po ang kasama ko. E, kasipo, yun lang po ang kaya namin, two tickets lang po ang kaya namin. Kaya kamilang po ni Mommy.

"Pero ngayon po, nagka-visa na rin po kaming tatlo kayakasama na po ang dad ko pag-alis. May chance po na I won't go home muna formonths, depende po sa magiging pag-uusap namin doon. Pero, yung manager ko napo ang bahala sa akin, si Tito Carlo Orosa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPARED TO CHARICE. Biglang napangiti si Aria attila inaasahang maitanong or posibleng mapagkumpara sila niCharice Pempengco who's making a name now abroad sa pamamagitan ng mgaguestings niya sa iba't ibang TV shows like Oprah and Ellen.

Aniya, "Hindi naman po ako nalulungkot. I'm happy for AteCharice kasi, we're friends since Little Big Star 1. Siya po, yungka-batch ko before, pero, hindi kami nag-win. Si Ate Charice, talaga namangmagaling siya and I'm happy for her.

"We're still communicate kasi minsan. Nakakasama ko siya samga shows. I'm happy for her. Okey naman po siya."

Dugtong pa niya, "Hindi naman po ako naiinggit kasi, uulitinko po, mas gusto ko pong maging sikat as a singer and not as an artista."

Sa huli, we asked Aria kung sa palagay naman niya, now thatshe's planning to pursue a career in the States, confident enough naman ba siyana posibleng mas mahihigitan pa niya kung anuman ang naa-achieve ni Charicengayon?

"Siguro po, I can say that...," nakangiti niyang pahayag.Kasama rin si Aria sa bagong sitcom ng ABS-CBN, Parekoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN