Carlene Aguilar admits talking to Dennis Trillo about her new suitors

"I go out on datesand I must admit na may mga nagugustuhan din ako. ‘Pag nag-uusap kami niDennis, tinatanong niya ako tungkol dito. Kinukuwentuhan ko naman siya, peromas naka-focus ang pag-uusap namin kay Calix the whole time. Ang anak namantalaga namin ang priority namin," says Carlene Aguilar about opening up to former boyfriend Dennis Trillo (inset).



Sa pagbabalik ngbansa ni Carlene Aguillar kasama ang anak nila ni Dennis Trillo na si CalixAndreas, naging hudyat ito ng unti-unting pagkasira ng relasyon ng aktor sanababalitang girlfriend nito na si Cristine Reyes.

Muntik nang mauwi sademandahan ang pagtatagpo nina Carlene at Cristine noon sa isang TV show, kungsaan nagbitiw raw ng mga maaanghang na salita si Carlene kay Cristine. Perohindi nagtagal ay nauwi ito sa isang magandang pag-uusap at pag-aayos sapagitan ng dalawang babae na naugnay kay Dennis.

Life goes on para satatlo. Bagamat madalas pa ring mabalita na nakikitang lumalabas sila Dennis atCristine, si Carlene naman ay nagbabalak pasukin ang mundo ng showbiz.

Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Carlene sa Star Magic Ball. Hiningan naminsiya ng reaksiyon sa balitang pagkakamabutihan pa rin ng ama ng kanyang anak at ni Cristine.

"Okey naman yun nanagde-date sila or sila pa rin. Buhay niya [Dennis] yun, buhay ko na rin ito nasarili. Ang importante ay si Calix," saad ni Carlene.

Nilinaw naman niCarlene na maayos na ang samahan nila ngayon ni Dennis, hindi man bilang magkarelasyon kundi bilang mga magulang niCalix. Wala na ba siyang hurt feelings o pagmamahal sa ex-boyfriend?

"Okey na kami, we'refriends, we're civil," sagot ni Carlene. "Yung feelings of concern, nandun yun.Pero yung sinasabi nilang romantic love, wala na talaga."

Sa bukas nakomunikasyon nina Carlene at Dennis, maging ang mga manliligaw ngayon ng datingBb. Pilipinas-World ay napag-uusapan nila. Inamin din ni Carlene na may mgailan na rin naman siyang nagugustuhan.

"I go out on datesand I must admit na may mga nagugustuhan din ako. ‘Pag nag-uusap kami niDennis, tinatanong niya ako tungkol dito. Kinukuwentuhan ko naman siya, peromas naka-focus ang pag-uusap namin kay Calix the whole time. Ang anak namantalaga namin ang priority namin," pahayag ni Carlene.

Marami ang nanghihinayangpara kay Carlene noon. Kung hindi raw siguro siya pumasok sa maagangresponsiblidad bilang isang ina, malamang ay may maganda na ring puwesto sashowbiz ang beauty queen. Sa kabila nito ay wala naman daw pagsisisi si Carlene sanagawang desisyon dahil sa pagdating ni Calix sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki na si Calix,nine months na siya. Sobrang saya, sobrang overwhelming na minsan di koma-imagine na nanay na pala ako. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na maybaby na pala ako. Very inspiring," saad ng dalagang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN