Dingdong Dantes willing to go "edgy" for a good indie movie

"Well, I would like to say ‘edgy.' Daring is part of being‘edgy,' e. Mas gusto ko ang ‘edgy' than being daring. For me, ‘edgy' is beingsomething not normal. Yung tipong kapag ginawa ko, mag-iisip ang mga tao, ‘Siraulo ba ‘to? Hindi si Dingdong ito.' Something na ganoon. A breakthroughperformance. Isang bagay na gustong gawin ng bawat actor," explains DingdongDantes.



Cool lang si Dingdong Dantes kahit obviously ay iniintrigana siya ng ilang members of entertainment press. Tinitingnan kasi ng mganang-iintrigang press kung magre-react siya sa isyung hindi pa rin nagsisimula ng pelikulang supposedly ay gagawin niya for GMA Films.

Isang dahilan daw kasi ng pagkakaroon lang ng isang show niDingdong (Dyesebel with Marian Rivera) sa Siyete ay dahil nga gagawa sana itong pelikula sa GMA Films at para masmaraming oras ang magugol niya sa paggawa ng pelikula.

Pero kinontra ito ni Dingdong. Hindi naman daw yun langtalaga ang dahilan.

"Well, in terms of show, like yung sa SOP, I think, Iwas able to explain it na rin in the past, and yun nga, I just want to havesome time na makapag-rest din dahil every Saturday, may taping kami. So,usually, Sunday morning na kami halos natatapos. Yun lang yun.

"But I heard nga, may mga fans din na nagsasabi na nami-missna raw nila ‘kong mapanood sa SOP. Siyempre, nakakatuwa naman dahil maymga tao pala na nakaka-miss sa akin doon. Ang palagi ko namang sinasabi, hindinaman ako nawala sa show talaga, kumbaga, pabalik-balik pa rin ako doon," tilapag-a-assure pa niya sa kaharap na press, na kinabibilangan din ng PEP(Philippine Entertainment Portal).

Dugtong pa niya, kapag Sunday raw at nasa bahay, nagagawaniyang panoorin ang mga dating kasamahan sa show.

"Yeah, nakikita ko sila, napapanood. Minsan, nagte-text pa‘ko kapag maganda yung production number. Kumbaga, nakikita mo kung sino talagayung magagaling."

Intrigued by what Dong just said, PEP asked Dingdong, ibig baniyang sabihin, meron talagang hindi magaling sa show?

"Hindi naman," maagap niyang tanggi. "Lahat namanmagagaling, pero, siyempre, hindi mo maiiwasan na meron talagang sobranggagaling."

Back to the topic ofdoing a movie, may nag-suggest na bakit hindi na lang siya mag-demand sa GMA namakagawa siya ng movie outside of the Kapuso Network's film outfit. Kumbaga,parang katulad nung nangyayari kay Richard Gutierrez na may option to do moviesin other film companies. Baka sakali nga namang may matuloy pang film projectssa kanya kung ganun nga rin ang deal niya with GMA Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sa demand, hindi. Siyempre, if I'm gonna do a movie,unang-una ‘kong gagawa, sa GMA Films. Dapat open lang din ako na makagawa saiba, depende rin siguro sa director."

MOVIE WITH MARIAN. Aminado naman si Dingdong na walapa talagang update sa movie nila ni Marian.

"Wala pa ring nangyayari, but I'll just wait. Pero sabinaman nila, magsisimula na raw at mas maganda nga raw ang story. Actually,hindi ko rin talaga alam kung ano na ang nangyayari, pero sa pananaw ko, maramirin kasi silang project in line. Like yung I.T.A.L.Y., katatapos lang.So, bukod doon, wala na akong nakikitang ibang dahilan."

Kung meron man daw best time for Dingdong na gumawa ngmarami at quality na movies ay ngayon na yun, being the Primetime King.

"Well, sana...sana ganoon," sey naman niya. "Pero ako kasi, Ialways think that TV is separate from movies. Kumbaga, yung mga nanonood sapelikula, hindi naman lahat nanonood sa TV and vice-versa.

"So, siyempre, GMA na lang ang makakasagot niyan. Basta ako,iniiwan ko na lang sa manager ko at sa GMA ang mga desisyon."

DOING INDIE. Tulad ng ibang mainstream actors, veryopen din daw for Dingdong ang makagawa ng independent digital film.

"Oo naman, always! Always! Open ako sa ganyan. Although,hindi pa ‘ko nakakagawa talaga ng digital film, pero open ako sa ganyan, bastamay magandang materials."

Yun nga lang, kadalasan ng mga indie-digital films ay maypagka-daring ang tema. If ever, kaya ba ni Dingdong na makipagsabayan saganoong hamon ng mga indie-digital films ngayon?

"Well, I would like to say ‘edgy.' Daring is part of being‘edgy,' e. Mas gusto ko ang ‘edgy' than being daring. For me, ‘edgy' is beingsomething not normal. Yung tipong kapag ginawa ko, mag-iisip ang mga tao, ‘Siraulo ba ‘to? Hindi si Dingdong ito.' Something na ganoon. A breakthroughperformance. Isang bagay na gustong gawin ng bawat actor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PREPARING FOR BENCH BLACK-OUT. Right now, mas focused siya sa preparation for Bench Black-Out Fashion Show.Bukod sa diet ay ang pagdyi-gym ang ilan sa preparation na ginagawa niya.

Aalis pa raw sila ni Marian for a show in the U.S, thisJuly, pero aniya, "Gusto ko sana, kapag umalis kami, sigurado na ‘ko, na readyna ‘ko for the fashion show. So, kahit na nasa U.S. kami, hindi ko nakailangang i-deprive ang sarili ko at magpigil sa masasarap na pagkain. Ilangdays na lang kasi yun, pagdating namin, ito na yung Bench fashion show saAraneta Coliseum."

Lastly, PEP asks Dingdong kung gaano ba siya ka-daring saBench Black-Out?

"Basta, abangan n'yona lang, but definitely, kung anuman yung gagawin ko, in good taste pa rin.‘Yun ang sigurado," may pagkasalbaheng nakangiti pa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN