Ara Mina still thinking about entering politics in 2010

"Naririnig ko nga, congresswoman daw sa district naminsa Quezon City. Wow naman! Sobra! Marami talagang lumalapit sa akin tungkoldiyan, kasi, ang pamilya namin, puro politicians, e. Pero, kailangangpag-isipan ng maraming beses," says Ara Mina when asked if she will enterpolitics in 2010.



Nang lumabas ang text message ni Ara Mina sa The Buzz, naging daan yunpara mag-text sa kanya finally ang kapatid na si Cristine Reyes. Tumawag ito sakanya at nagkausap sila. Ganoon lang kasimple at katulad sa inaasahan namin,dahil mapagmahal namang kapatid talaga si Ara, nakalimutan agad nito ang anumang samaan ng loob sa pagitan nila ni Cristine.

"Napapalaki rin kasi kaya ang tingin ng mga tao, sobrana yung away-bati namin ni Cristine," sabi ni Ara. "Medyo mahirap,kasi, nasasamahan lang ng professional. Nangyayari kasi 'yan, like sa kaso ninaTita Annabelle [Rama] at Ruffa Gutierrez, di ba? Kina Gretchen and Claudine[Barretto], hindi na yata maiiwasan.

"Kami ng kapatid ko, parang hindi kami magkaugali, lalona pagdating sa trabaho. Mayroon akong gustong mangyari, pero iba ang gustoniyang mangyari," naipahayag pa ni Ara.

ARA DEFENDS CRISTINE. Sa taping set ng Ligaw naBulaklak sa Pililia, Rizal, nagkaroon ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) ng chance na maitanong kay Ara ang kung anu-anong isyung may kinalamansa kapatid niya. Una na rito ay yun ngang napapabalitang unprofessional siCristine, na maaaring isa sa mga ikinagagalit ni Ara.

"Pagdating sa trabaho, professional naman ang kapatidko, e," sabi pa ng aktres.

"Mayroon lang kaming mga hindi napapagkasunduan. Mabaitsiya sa mga kasama niya, sa co-actors, wala siyang ibinibigay na problema saset. Yung nangyari kasi sa amin, it was between us," banggit pa ni Ara.

"Nagulat nga rin kami dahil nadamay rin si Dennis Trillo saissue." Napabalita nga kasing exclusively dating umano sina Dennis at Cristine.Ano ang kinalaman ni Ara rito?

"Naku, wala akong pakialam sa love life ni A'a [palayawni Cristine]!" bulalas ni Ara. "Labas na sa picture si Dennis Trillo.

"In fairness kay Dennis, wala naman akong masasabilaban sa kanya. At saka nasabi ko talaga kay A'a 'yan noon pa, at nangako akonghindi ko na pakikialaman ang love life niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang out si Dennis, at definitely, hindi siya angdahilan ng namagitan sa amin ni A'a. Walang ganoon. Let's leave Dennisalone," dugtong pa ni Ara.

ARA AND POLITICS. Anyway, naayos na ang isyu sakanila ni Cristine, kaya dinalirot naman ng PEP sa kanya ang isyu sa politics.By 2010 daw, tatakbo si Ara, at finally papasukin daw niya ang pulitika.

"Naririnig ko nga, congresswoman daw sa district naminsa Quezon City," napapailing na lang si Ara. "Wow naman! Sobra!Marami talagang lumalapit sa akin tungkol diyan, kasi, ang pamilya namin, puropoliticians, e.

"Pero, kailangang pag-isipan ng maraming beses. Ditoraw sa showbiz, grabe na ang intriga. Dati pa akong natsitsismis [na papasok sapulitika], pero, hindi ko nga itinuloy.

"At that time, hindi ko naman masasabi, e. Baka yungpassion kong tumulong talaga sa mga tao, mas lalong tumindi, baka nga pasukinko rin ang politics.

"Nararamdaman ko rin ang posibilidad na malinya ako sapolitics. Hindi ko rin masasabi. Kasi, hindi ba, nagtayo ako ng foundation?Marami akong natutulungan.

"Up to now, continuous pa rin ang tulong na naibibigayko sa mga tao. Hindi lang naman doon sa district namin sa Quezon City. Even saibang lugar, gumagawa ako ng fund-raising projects.

May mga pinapaaral nga raw si Ara at kung minsan, sa kanyarin lumalapit ang mga taong may pangangailangan sa pagpapagamot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN