Roxanne Guinoo plays Willie Revillame's wife in "Mr. Housewife"

"Parang nasabak akong bigla kasi ang role ko, asawa ni KuyaWillie. Kaya ang ipinu-project kong age diyan, mga thirty years old na dapatako. Medyo mature anglook ko diyan para hindi naman kami maging alangan ni Kuya Willie. Ewan ko,pero hindi naman kailangang lumabas yung age, pero dapat na bumagay kami saroles namin bilang mag-asawa," says Roxanne Guinoo about her role in Mr. Housewife.



Natuloy rin angtambalan nina Willie Revillame at Roxanne Guinoo sa pelikulangMr. Housewife. Dating nagkatrabaho sa Wowowee sina Willie at Roxanne, peronangarag talaga si Roxanne noon sa workload at schedule niya kaya tinanggal siya satop-rated noontime show ng ABS-CBN.

"Hindi pamasyadong nagmu-move on ang shooting dahil nagkakaloko-loko na rin ang scheduleko," kuwento ni Roxanne sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) tungkol sa pelikula. "Parang nasabak akong bigla kasi ang role ko, asawa ni KuyaWillie. Kaya ang ipinu-project kong age diyan, mga thirty years old na dapatako. Medyo mature anglook ko diyan para hindi naman kami maging alangan ni Kuya Willie. Ewan ko,pero hindi naman kailangang lumabas yung age, pero dapat na bumagay kami saroles namin bilang mag-asawa."

Aminado si Roxannena sa ganitong pagkakataon, hindi siya masyadong prepared para sa ganoongadjustment.

"Patalbug-talbogako sa trabaho," sabi niya. "Iba-iba yung ginagawa ko. Gusto ko lang kasingpaghandaan. Kahit sabihing comedy pa 'yan, gusto kong maging credible na lume-levelako kay Kuya Willie."

Si Roxanne nga baang first choice ni Willie para sa nabanggit na proyekto?

"Hindi ko alam,kasi bigla na lang kaming tinawagan. Pero masaya ako, kasi kung minsan, nakakabalikako sa Wowowee at welcome akong palagi doon. Wala naman kasi kamingpinagsamahang hindi maganda ni Kuya Willie," lahad ng young actress.

JAKE-BEA RUMORED AFFAIR. Pero ang umuusok na balitangayon ay ang tungkol kina Bea Alonzo at Jake Cuenca. Parang may alam si Roxannedito, being Jake's former girlfriend.

"Naku, huwag nanating pag-usapan ang love life ko!" napatili si Roxanne."Namamahinga ako sa love life at busy po ako sa trabaho. Ito ang hinaharapko ngayon.

"Kahit anong pilitko sa love life, yung love life ang lumalayo sa akin. Wala ring dating. Walaakong mahanap!" natatawang sabi niya.

Ano ang reactionniya tungkol kina Bea at Jake? Parang umiiwas din si Roxanne tungkol dito.

"Wala akongalam!" at natawa na naman siya. "Wala akong reaction! Hindi ko naman narinig kasi nakita ko. Sonang makita ko, okey lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Prior to thechika, nakita ko naman, e. Walang problema. Okey lang talaga. Okey na yun,"nasabi na lang niya nang mapansing parang nadaragdagan ang comment niya.

Obviously, iba angnakita ni Roxanne kesa pagde-deny na sinasabi nina Jake at Bea.

"Kung hindisila nagku-comment, e, bakit ako ang magsasalita, di ba?" at natawang muliang dalaga. "Sila na ang tanungin ninyo dahil sila naman ang involved. Walana ako riyan."

Hindi ba siya naiinggit?Imagine, ang kanyang ex-boyfriend ay napunta na kay Bea ngayon?

"Hay, naku,tapos na yun! Sa sitwasyon ko ngayon, I can't just afford na magkaroon ng lovelife. Hindi ko nami-miss ang love life dahil mas nakakatakot kung ang nami-missko ay ang career ko."

BACK TO WOWOWEE? Malakas ang feedbacksa performance ni Roxanne sa afternoon soap na Ligaw na Bulaklak. Bukod dito,malakas ang bulung-bulungan na babalik siya sa Wowowee! at papalitan niya angnawalang si Precious Lara Quigaman.

"Hindi namanako babalik, as in regular co-host uli. Nagkataon lang talaga na magkatrabahokami ni Kuya Willie sa pelikula. Kung wala lang silang trabaho at wala silanghost, tumatawag sila sa handler ko kung puwede akong sumingit doon. Malapitlang ang bahay ko sa ABS-CBN. Two minutes lang, nasa studio na ako!"natatawang sabi ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN