Maja Salvador talks about the actors being linked to her


After her preempted Anna Liza project, Maja Salvador is setto star in a movie and TV series whose titles and male lead have yet to be revealed. The young actress answers the questions linking her to Kapitan Boom co-star JonAvila, former love team Rayver Cruz, and suitor Carlo Aquino.



Wala sa cast ng IisaPa Lamang si Maja Salvador, pero present siya sa press preview nito. Ayonsa young actress, naimbitahan daw kasi siyang manood. Itinaon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) namakausap si Maja.

Aniya, natapos na siyang mag-taping for Kapitan Boom at baka by next week,magsimula na siya ng shooting for her Star Cinema movie, kasama sinaJake Cuenca at Shaina Magdayao, na may temang mala-I Know What You Did Last Summer.

"Surprise!" ang sagot ni Maja sa amin when PEP asked her kungsino ang kapareha niya rito. But as PEP learned from a reliable source,hindi malayong si Geoff Eigenmann daw ang bagong kapareha ni Maja rito.

PREEMPTED ANNA LIZA.May explanation naman si Maja kung bakit lately ay tila mabagal ang dating ng mgaprojects sa kanya.

"Actually, hindi naman sa natagalan. Yungmanagement, iniisip pa nila kung saan ba mas gaganda ang career. Kasi, di bapo, yung Anna Liza, gagawin. ‘Tapos,biglang hindi natuloy yung Anna Liza.‘Tapos ngayon, merong pine-prepare na bago na naman po."

PEP asked Maja kung hindi ba siya nakakaramdam ngdisappointment sa hindi pagkatuloy ng kanyang first series sana?

"Nakaka-excite naman po talaga ang Anna Liza. Kaya lang, siyempre, mas alam naman pong talaga ngmanagement, hindi ba po, kunsaan mas gaganda ang career ng isang artista.

"Noong malaman ko na wala na ang Anna Liza, siyempre, yung takot po. Parang... ‘Hala, meron pa ba ‘kongnext show? Meron pa ba silang show na ibibigay sa akin?'

"Ang sa akin, kahit anong show na ibigay sa akin, kahitbida, supporting, okey lang po. Basta ang importante po talaga, yung maytrabaho."

Hindi ba niya iniyakan ang hindi pagtuloy ang Anna Liza?

"Hindi naman po, parang napag-isip lang po na, okey,kung hindi po talaga para sa akin ang show na yun, okey lang, naintindihanko po. Hanggang sa may magandang balita naman kaagad na dumating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw pa rin magsalita ni Maja kung sino ang makakasama niyaat makakapareha sa bagong teleseryeng gagawin, kapalit ng Anna Liza. Katwiran niya, baka ma-preempt na naman daw dahilbefore, pinag-uusapan ang Anna Lizaand yet, hindi naman nag-materialize.

But again, our PEP source said, tulad sa movie na gagawin niMaja under Star Cinema, si Geoff pa rin daw ang makakasama nito sa bagongserye. So, walang-duda na instead of Rayver Cruz, si Geoff na nga ang bagongipu-push na ka-love team ni Maja ngayon. PEP also found out na angtentative title ng series ay Moon River,pero, hindi pa raw ito sure dahil marami pang dapat i-settle with regards to thetitle dahil isa itong sikat na kanta.

MAJA'S LOVE LIFE. Bagamat consistent siya sa pagsasabing walatalaga siyang boyfriend, hindi naman nawawala ang mga actors na patuloy nanali-link sa kanya. In fact, patuloy na umiingay ang isyu sa pagitan nila ngco-star niya sa Kapitan Boom na siJon Avila.

"Naku, yun nga po! Hindi nga po namin alam ni Jon. Tuwingnagte-taping kami, talagang, ‘O, tayo na pala?' Ganoon yung ano ni Jon. ‘Tapos,parang gentleman siya, kasi, nagso-sorry siya na parang, ‘Uy, sorry, baka kasiakalain mo, ako yung ganito, na nagsasabi na tayo na,' ganyan-ganoon.

"Ako naman, sabi ko naman sa kanya, okey lang, naiintindihanko. Kasi, nagugulat na lang kami sa mga lumalabas na kami na raw. Obvious naobvious na raw kami," kibit-balikat niyang sabi.

Nasabi ng PEP kay Maja na baka kasi may nakikitang kakaibangcloseness sa kanila ni Jon kaya ganoon ang nagiging impression ngilan?

"Hindi ko po alam. Kasi, kami namang lima sa KapitanBoom, close naman kaming lahat, so, hindi ko nga po alam kung bakit kami niJon ang nasusulat. Pero hindi naman po kami lumalabas. Kahit text po, wala rin.Siguro, gentleman lang talaga si Jon na nami-misinterpret ng iba."

Hindi na rin niya alam kung ano ang nangyari sasupposedly team-up naman nila ni Rayver Cruz. Aniya, "si Rayver po...ewanko ba kung ano ang nangyari. Pero meron naman po kaming movie ni Rayver, yung Kelly-Kelly under Star Cinema. Parangang sponsor niya, Rexona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagawa na po namin yun at ipinapalabas sa mga province, samga schools. Parang ano po siya, HighSchool Musical. Movie po siya, pero sa TV ipinapalabas. "

Ayon kay Maja, pareho raw walang katotohanan ang mga pagli-linksa kanya kay Jon at kay Rayver.

"Alam n'yo, ewan ko talaga...wala naman kasi talaga. Like siRayver, nakaka-text lang kaming dalawa, dahil lang talaga sa iPhone. As in,iPhone lang talaga. Wala pa po kasi yung talagang...nanliligaw, yung ganoon,wala pong talaga."

MAJA-CARLO BREAKUPISSUE. Sa huli, pinabigyang-linaw rin ng PEP kay Maja ang katotohanan saisyung breakup daw nila ni Carlo Aquino. Pero maagap agad ang reaction niya. "Paano kami magbi-break, e, hindi naman naging kami?!

"Ngayon, biglang nawala yung communicationnaming dalawa. Matagal na. Basta matagal na pong talaga. Focused ako sa careerkasi. Sunud-sunod po yung shooting ng Kelly-Kelly,Kapitan Boom...parang wala akong timena mag-reply sa mga text, sa mga tawag."

Tumigil na nga ba si Carlo sa pagsasabing nanliligaw sa kanya?

"Hindi naman...parang desisyon ko rin naman na tama na muna. Siyempre, ayoko rin naman paasahin siya. Parang ang pangit naman, di ba? Basta, hindi naging kami. Walang breakup. Kumbaga, yungcommunication lang po talaga ang nawala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN