Sen. Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino explain their side on reported issue against PMPC

Lorna Tolentino and Jinggoy Estrada flew to the Middle East to attend the showing of their movie Katas ng Saudi. In their Startalk interview, they both answered theissues thrown at them by those who noticed their non-presence at the PMPC Star Awards.



Umalis patungong Middle Eastang magkaibigang Sen.Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino para sapagpapalabas doon ngayon pa lang ng nakaraang MMFF entry nila na Katas ng Saudi.

Bagamat naipalabas na sa Singapore,first time naman na mapapanood ng mga Filipino sa Dubai ang naturang movie. Last Wednesday,sabay-sabay ngang pumunta ang dalawang bida nito, along with Jinggoy's wifePrescy Ejercito. Nakuhanan pa ng Startalkang kanilang pag-alis patungong Dubai.

Ayon kay Jinggoy, ang primary purpose daw ng kanyang pagpuntasa Dubai ay angmabisita ang mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa death row.

"Para alamin na rin ang kanilang kalagayan at ang mgadistressed OFW natin na nasa Abu Dhabi at Dubai. Bilang chairman ngCommittee on Labor sa Senado, siguro tungkulin ko rin na tingnan ang ating mgakababayan doon. And, at the same time, ipapalabas din ang pelikula namin niLorna."

First travel abroad naman daw ito ni Lorna after herhusband Rudy Fernandez passed away. On Jinggoy's part, nami-miss daw niya siDaboy dahil in the past, kasa-kasama nila itong mag-travel.

LOTSOF THINGS TO DO. Sa ngayon, hindi parin talaga masasabing balik-aktibo si Lorna sa kanyang showbiz career. In fact,pag-uwi raw nila pagkagaling ng Dubai,marami pa raw siyang aasikasuhin na may kinalaman sa namayapa niyang asawa.

"Aayusin ko pa ang musoleo ni Rudy at saka...ang dami ko pangaayusin," pahayag nga ng biyuda ni Daboy. "Hindi ko pa nga maayos ang gamitniya, parang hindi ko pa yata magawang talaga."

Sinegundahan naman ito ni Jinggoy. Dapat nga raw matapos anglahat ng may kinalaman kay Rudy, on or before November 1. Paraat least, pagdating ng All Saints Day, maayos na lahat.

RUDY'S THINGS. Sakabilang banda, wala raw problema kung sino sa tatlong anak ni Daboy ang magmamanang mga naiwang gamit ng ama. Kasya naman lahat satatlong anak niya ang mga gamit ng papa nila, even the shoes, ani Lorna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On July 17, ika-40 days na ng kamatayan ni Daboy. At gaya ng nakagawian na sa mga Pinoy, sigurado raw namagpapamisa sila and celebrate with friends and family, doon na rin mismo sa Heritage Park para kasama pa rin nila si Daboy.

RENZ GOING SHOWBIZ.Naitanong din kay LT ng Startalk kungkasama ba sa plano niya ang pagsuporta sa balitang pagpasok na rin ng showbizng kanilang anak na si Renz Fernandez dahil may alok ang GMA-7 rito namag-artista na rin.

"Okey lang...depende sa project. Kaya naman niyang ibalanseang school niya ngayon at saka, gusto rin naman niya," sagot ni LT.

PMPC ISSUE. Tinanong din ng Startalkkung totoo bang may tampo si Jinggoy sa PMPC (Philippine Movie PressClub) dahil hindi siya na-nominate for Best Actor.

"Wala naman akong sama ng loob sa PMPC," maagap niyangpahayag. "E, kung yun ang nakikita nila,na hindi ako karapat-dapat na ma-nominate bilang Best Actor, e, wala tayongmagagawa. Sa isang banda naman, yung ibang award-giving bodies, e, napansinnaman ang ating performance sa pelikula at nanalo naman, so, okey lang yun."

Yun nga lang, nasabay pa ang hindi pagsipot ni Lorna sanakaraang Star Awards for movies gayong matagal na nilang kompromisoito.

"May sakit ako," paliwanag naman agad ni LT."Nagkaroon ako ng severe tension headache na kailangan kong magpa-X-ray at sakaMRI [magnetic resonance imaging, medical procedure para makita nang mas detalyado ang loob ng katawan ng tao]. So, yun. Nagpa-checkup na ‘ko. Pasensiya na sila...marami nga ang nagsasabi,matagal na, buhay pa si Rudy, alam na namin. Pero, maraming pangyayari nakailangan siguro, maintindihan din nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN