Movie director Felix Dalay succumbs to cancer



Pumanaw na angwriter-director na si Felix Dalay sa kanyang bahay kaninang umaga, July 6, dahil sacancer sa baga. Nakatakda siyang iburol sa Funeraria Paz ng tatlong araw bagosiya dadalhin sa Paete, Laguna, kung saansiya ililibing.

Felix was a writer,producer, and director. Kabilang sa mga pelikulang dinirek niya ay Gising Na SiAdan (2002), Sagot Kita: Mula Ulo Hanggang Paa (2000), Pepeng Agimat (1999), Ang Erpat Kong Astig (1998), Dr. X On The Air (1998), Sabong (1998), at Pulis Patola 2 (1995).

Si Ramon"Bong" Revilla Jr. ang bida sa pelikulang Pepeng Agimat.

Karamihan din sa mganabanggit na mga pelikula ay si Direk Felix ang nagsulat ng istorya o kaya ng screenplay.

Isa rin sapelikulang idinirek niya ay ang Get My Son: Dead or Alive (1982), na pinagbidahan ngyumaong action superstar na si Rudy Fernandez.

Naging supervisingproducer siya ng pelikulang Nagkataon, Nagkatagpo noong 1994. Siya rin ang nagingline producer ng Sagot Kita: Mula Ulo Hanggang Paa na ipinalabas noong 2000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN