Superstar Nora Aunor still adjusting to life in the U.S.

"Well, hindi pa ‘ko nakakapag-adjust talagang buhay rito. Pero, kahit paano, natutuhan ko na rin ng unti-unti. Minsan nga,sasabihin nila, o, baka... Superstar ‘yan, pagkatapos, ‘yan ang nakikita nila.Wala tayo sa Pilipinas. Kaipokritahan lang naman sa ibang tao. Nag-artista ako,nagkaroon tayo ng pangalan, pero kung tutuusin, pantay-pantay lahat ng tao,"says Nora Aunor about her life in the U.S.



Ilang taon na rin na wala sa bansa angtinaguriang Superstar na si Ms. Nora Aunor. Pero sa naging interview kay Norang Startalk sa America,nalaman na kahit ilang taon na rin siyang naninirahan sa ibang bansa, hindi parin pala ganoon ka-adjusted si Guy sa buhay-Amerika.

There, she's not the Superstar kundi tuladdin ng ibang pangkaraniwang tao na nakikipagsapalaran sa buhay.

Ayon nga kay Nora, "Well, hindi pa ‘konakakapag-adjust talaga ng buhay rito. Pero, kahit paano, natutuhan ko na rinng unti-unti. Minsan nga, sasabihin nila, o, baka... Superstar ‘yan, pagkatapos,‘yan ang nakikita nila. Wala tayo sa Pilipinas. Kaipokritahan lang naman saibang tao. Nag-artista ako, nagkaroon tayo ng pangalan, pero kung tutuusin,pantay-pantay lahat ng tao."

Sa Amerika raw naranasan lahat ni Nora angmga hindi niya nae-experience sa Pilipinas.

"Dito ko naranasan yung hila-hila ko ang mgalabahin ko. Kasi, walang washing machine doon sa tinitirhan namin. E, nagkulangpa ‘ko ng coins, mabuti na lang, Filipina yung naglalaba rin. So, binigyan akopara mapunuan ko yung dapat mapunuan," kuwento nga niya.

Hangga't hindi pa rin daw siya nagiginggreen card holder, hindi pa raw talaga uuwi ng bansa ang Superstar.

"Kapag nakuha ko yun, isa yun sa mgaachievement na puwede kong ipagmalaki. Naghirap...naghintay ng napakatagal napanahon, well, hindi naman napakatagal, pero apat na taon ay kumbaga sa ano,matagal na rin, di ba?"

Sa ngayon, ang paggawa raw ng movie angpinagkakaabalahan ni Guy. At bukod nga raw sa producer nito na kung tawaginniya ay "Manay Glenda," dalawang mahahalagang tao pa rin daw ang nais niyangpasalamatan—ang kanyang manager na si Norie Sayo at ang kanyang matalik nakaibigan na si John Rendez.

"Ang laki rin ng sakripisyo sa akin ni Norie. Si John, nandiyan, kahit paano, tumutulong saakin. At mabait ang Diyos sa lahat, siya naman talaga ang number one. At alamko na kapag may darating na bagyo sa akin, meron siyang dinadalang tao saakin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpapasa-Diyos na lang daw niya ang mgataong pilit naman daw siyang inilulugmok.

May mensahe naman si Nora sa kanyang mgatagahanga na siguradong nakaka-miss na sa kanya ngayon.

"Well, sa mga fans na nami-miss ako at walaakong ginagawang pelikula pa hanggang ngayon, ang maihahandog ko lang sa inyo,ang aming ginawang Care Homes. Kungkaya't huwag ninyong kakaligtaang panoorin ang Care Homes dahil ito po talaga ay para sa inyo."

Sa huli, ini-acknowledge rin ng Startalk ang actress-friend ni Nora nasi Suzette Ranillo na hindi raw magiging possible ang interview sa Superstar kung hindi dahil sa kanya. Suzetteis also based in the U.S..


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN