Mark Herras talks about the girls who are linked to him


Mark Herras was put in the hot seat byStartalk hosts Lolit Solis—who also happens to be his manager—and Joey de Leon.He was asked about his former girlfriends and the girls who are currently beinglinked to him.



Kung matatandaan, last Sunday sa Showbiz Central, tila naibuko ni ManayLolit Solis ang isa sa mga alaga niya na si Mark Herras. Nabanggit kasi nito sa"Don't Lie To Me" portion ni John "Sweet" Lapus na ibang babae ang dahilan ngpagkakasira ng relasyon ni Mark sa EB Babes member na si Lian Paz.

Kahapon sa Startalk, muling na-hot seat si Mark ng kanyang manager na si Lolitat isa pang Startalk host na si Joeyde Leon. This time, bukod sa naturang isyu, pinabigyang-linaw rin kay Mark angiba pang mga girls na nali-link sa kanya.

Pinanindigan naman ni Mark sa harap ngkanyang manager na wala talaga siyang ibang babae noong sila pa ni Lian.

"Noong kami po, wala po talaga." Peropabiro itong kinontra ni Lolit na nagsisinungaling daw ang alaga.

Katuwiran ni Mark, "Hindi po, ‘Nay,nag-‘Don't Lie To Me' na po ako before at sinabi nga po nila na hindi naman dawpo lahat ng resultang lumalabas doon, yun daw po ang totoo."

Pero may balitang nililigawan daw niyangmuli si Lian?

"Wala...hindi po, hindi po totoong bumabalikako kay Lian or nanliligaw ulit. In fact, kahit makipag-communicate, hindi narin po."

THEOTHER GIRLS. At present, nali-link din si Mark saco-star niya sa Joaquin Bordado at saanak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla. Pero tila takot daw yata si Mark kayBinoe?

Natawa si Mark dito. Aniya, "Yun po...hindipo talaga totoo yun! Respeto na lang po talaga kay Kuya Binoe."

Hindi naman daw sila nag-uusap or nagkakakuwentuhanni Robin tungkol sa mga girls everytime na nasa set. Seryoso raw kasi itopagdating sa trabaho.

‘Pag nagkataon daw pala, dalawang babae anghihintayin niya sa tamang panahon. Sina Kylie at Ynna Asistio. At kung sino rawkaya ang pipiliin niya talaga sa dalawang girls?

"Naku, hindi po, basta ayoko pongmagsalita," napapailing na natatawang sagot ni Mark.

Pero mas natawa ito at nasabing, "Ang batapo no'n, ‘Nay!" nang hiritan ni Lolit kung talaga raw ba na ang gusto nito aybelow 10 years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Basta po...hindi po, hindipo talaga totoo yun."

Tinanong din kay Mark kung ano raw batalaga ang situwasyon naman nila ni Rhian Ramos?

"Yung kay Rhian naman po, ‘di ba, gumawakami ng movie sa Italy?‘Tapos, pagkabalik namin, sobrang dami na ng mga isyu. Like, yung mga isyu samga fans na maraming ayaw. Kasi, alam nila na every time na magkasama kami niRhian, kahit kunwari party ng GMA, alam nila, mga nagte-text, pero hindi pokami. Super close friends lang po."

SUPPORTINGJEN. Nilinaw rin ni Mark na wala raw katotohananang kumakalat na balitang sinabi raw niyang magbabantay siya sa datinggirlfriend na si Jennylyn Mercado kapag nanganak na ito.

"Hindi po...siguro po, mali lang angpagkarinig sa interview. Ang pagkakasabi ko po ro'n, kapag nanganak siya, siyemprepo, automatic na dadalaw po ako, pupunta po ako."

Diniretso na naman ni Lolit ang alaga niyana siguro raw, ang gusto ni Mark, siya talaga ang tatay ng anak ni Jennylyn?

"Hindi po...pupunta lang po ako roon parasumuporta, pero, magbantay... hindi po. Iba po ang bantay sa susuporta."

Nabanggit ni Joey na umpisa pa lang namangmagbuntis si Jennylyn, naging very open na si Mark sa pagsasabing kungkailangan ang suporta niya, magbibigay siya rito. Ngayon daw ba na malapit nanga itong manganak, may suporta ba naman siyang ibinibigay rito?

"Sa ngayon po, wala pa naman. Sabi ko namansa kanya, kung meron siyang kailangan at kaya ko naman, bakit naman po hindi?"

Sa ngayon, wala raw talagang love life siMark.

"Ngayon po, wala po talaga. As in, zero potalaga."

At this point, ang napansin naman ni Lolitay ang suot na hikaw ni Mark. Siguro raw, yung suot nito ay ang ibinigay ritoni Jennylyn, pero natatawang itinanggi ni Mark at hindi raw talaga dahil squaredaw yung ibinigay sa kanya ni Jen noon.

ONLINEGAMBLING ADDICT? Isa pang isyung pinalinaw ng Startalk kay Mark ay yung isyung silaraw ni Rainier Castillo ay balitangnalululong sa online gaming casino. Pero muli, itinanggi nga ito ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po...hindi po. Kahit nga po before,let's say mga barkada, magpipinsan, nagto-tong-its, hindi po ako nananalo,talagang malas po ako sa sugal. Naglalaro po ako ng poker, hindi po sa casino,sa Facebook po, yung website, pero, wala pong perang involved."

MARIANRIVERA. Humirit na naman ng diretsong tanong si Lolitkay Mark. Aniya, si Marian Rivera raw ba ay naging girlfriend niyang talaga ohindi?

"Alam na po nila yun," nakangiti niyangsabi. "Well, kung ako po ang tatanungin n'yo, ‘Nay, e...oo!"

Pero hirit ni Lolit, kapag si Marian angtinanong, hindi? Sey ni Mark nang nakangiti, "Hindi ko po alam..."

JENNYLYNON THE LINE. Habang nakaupo sa harap ng camera sastudio ng Startalk si Mark,na-interview naman si Jennylyn through phone. At tinanong nga sa malapit nangmanganak na si Jen kung ano ang pakiramdam niya kapag nali-link na naman silangdalawa ni Mark?

"Diyos ko, ni hindi nga kami nagkikita, nihindi nga kami nagkakausap. Kahit text, wala!"

Nasabi tuloy ni Lolit na tila nagtatampo pasi Jen na hindi man lang nate-text ni Mark.

Pero paliwanag ni Mark dito. "E, siyemprepo, wala naman po kaming relationship. Kung magte-text man po ako, hindi po yung every day talaga. Siguro saisang buwan, mga once or twice lang."

Sinegundahan naman ni Jennylyn ang sinabing dating boyfriend at ka-love team.

"Mahirap na po, ‘Nay. Alam n'yo naman poang mga isip ng mga tao ngayon, kamustahin ka lang, may ibig sabihin na."

Natawa si Jennylyn when Joey asked kungpuwede raw ba na magbantay sa panganganak niya si Mark?

"Naku, baka himatayin siya! Ha-ha-ha!"

THEBETTER BOYFRIEND. Prangkahan naman na tinanong niLolit si Jennylyn kung sino raw ang mas masarap maging boyfriend, si Mark or siPatrick Garcia na ama ng dinadala niyang sanggol?

Matagal bago nakasagot si Jen na idinadaanna lang sa pagtawa. "Naku, Nanay Lolit, hindi ko po alam! Ha-ha-ha! Mahirap na magsalita... Nanay naman,e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Follow-up naman ni Lolit sa sagot ni Jen,sabihin na raw nito ang totoo dahil ‘di ba nga raw, nagsisi siya nang iniwanniya si Mark?

"Nay, kasi ano...noon, ang dami niyang babae.Totoo...totoo po yun, ‘Nay."

JEALOUSOF MARIAN. Sa huli, napaamin naman ni Lolit siJennylyn na sa lahat nga raw ng babaeng na-link kay Mark, ang pinagselosan niyanang husto noon ay si Marian Rivera.

On a serious note, Joey asked Jen how doesshe feel sa ipinapakitang suporta ni Mark sa kanya sa mga ganitong situwasyon?

"Siyempre, very happy and I feel soblessed. Kasi, may mga kaibigan pa rin ako na natitira at patuloy pa rin nasumusuporta sa akin. At nandiyan pa rin kahit na anong mangyari. Hindi nila 'koiniiwan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN