Minasama ng mga anti-Marcos ang post ni Bianca King sa Instagram na larawan nila ni Ilocos Norte Representative at dating First Lady Imelda Marcos noong nakaraang linggo.
Nakasaad sa caption ni Bianca: “'The true, the good and the beautiful,' one of the lines I remember from the documentary 'Imelda' by Ramona Diaz.
“Always fascinated with Philippine history and politics. Especially this election because I am a first time voter.
“I watch speeches and interviews of all the candidates during my free time. Who are you voting for?”
Umani ito ng maraming batikos mula sa mga galit sa rehimeng Marcos, kung saan naganap ang di malilimutang martal law.
Sinagot naman ni Bianca ang komentong ito sa kanya.
Sabi naman ng isa pang follower ng aktres, dapat daw ay pag-isipang mabuti ni Bianca ang kanyang pagboto sa darating na eleksyon.
Tugon naman ni Bianca dito, nagpakuha lang siya ng litrato sa isang taong kilala at hindi naman ibig sabihin nito ay iboboto na niya ito.
Si Imelda ang asawa ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos.
Ang anak nilang si Senator Bongbong Marcos ay tumatakbo ngayon sa pagka-bise presidente.