Roxanne Guinoo open to breast surgery if needed to forward own career


"Actually, ako naman open naman ako saganun. Si Claudine [Barretto] ginawa ‘yan. Yung iba, ginawa ‘yan. So, kungkailangan, ang artista, ang puhunan ganda at katawan mo, bukod ang pag-artemo. Pero kung makakatulong yun sa pag-excel mo, why not, ‘di ba?"justifies Roxanne Guinoo when asked if she's open to breast enhancementsurgery.



Ginulat ni Roxanne Guinoo ang marami sanapakaseksing pictorial niya para sa isang men's magazine. Topless siRoxanne at natatakpan lang ng petals ng bulaklak ang kanyang nipple. At sa ibangpahina ng magasin ay nakasuot siya ng kulay-fatigue na skimpy bikini.

"Dahil ligaw na bulaklak ako kaya naligawako sa bulaklak," pabirong umpisa ni Roxanne nung makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) after ng live telecast ng Wowowee! last Saturday.

Sabi pa ni Roxanne, "Pero nung ginawa naminyun, sabi namin ayaw naming magmukhang ano, parang kunwaripasyon-pasyon [fashionable]."

"THELADY IS NOW A WOMAN." Hindi tulad ng ibang sexycover sa isang men's magazine, hindi mahalay ang dating ni Roxanne sa coverpero umaapaw naman siya sa sex appeal.

"Isa na akong woman. Dati-dati the baby isnow a lady. ‘Tapos ngayon, the lady is now a woman," esplika niya sa ginawaniyang pag-pose sa cover.

Senyales ba ito na nagpapaka-daring nasiya?

"Hindi naman. Ano lang naman, parang usolang kasi ngayon na konting seksi lang. Pero hindi naman ako magdi-daring. Kasigusto nila drama pa rin naman. ‘Tsaka ako, gusto ko talaga mag-drama."

Career-move ba ang ginawa niyang pag-poseng sexy sa cover?

"Hindi naman," lahad ni Roxanne. "Kasi akonaman pasalamat na rin ako kasi gusto kong maraming matutunan...after nito hindinaman ako nawalan ng trabaho. Kumbaga, ginagawa ko yung Ligaw, ‘tapos naisipan nilaito, ‘Sige, yun ang maging concept natin, mag-cover si Roxanne.' E, ako,hindi ako nag-FHM. Talagang itolang [name ng men's magazine na pinag-cover-an niya], ABS-CBN naman. Parangbahay mo rin. Tiwala ka na iingatan ka at poprotektahan ka."

Mas magiging daring pa ba siya sa mgasusunod na pagkakataon?

"Feeling ko, yun na ang pinaka-daring namagagawa ko. Hindi naman ako maglalabas ng private parts. Kumbaga, pasiliplang. Actually, ano bang nasilip doon? Wala rin.

"Tsaka kasi pinag-usapan talaga namin yun."

GOINGUNDER THE KNIFE. May nagsasabi naman na nagparetokena rin daw ng kanyang dibdib si Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ako naman open naman ako saganun. Si Claudine [Barretto] ginawa ‘yan. Yung iba, ginawa ‘yan. So, kungkailangan, ang artista, ang puhunan ganda at katawan mo bukod ang pag-artemo. Pero kung makakatulong yun sa pag-excel mo, why not, ‘di ba?

"Kasi yung mga naaaksidente nga maysurgical tsever. So, yung maganda ka at gusto mo ng magpaganda pa, ‘di ba?"


Dahil sa ginawa ni Roxanne na pagbibilidad ng kanyang katawan possible na rinsiyang maging pantasya ng mga kalalakihan.


"Hindi rin," ngiti ni Roxanne. ‘Tsaka ‘asan sila? Nasaan ba sila? Ha-ha-ha!"

Handa na ba siya ulit na makipagrelasyonafter maging sila ni Jake Cuenca?

"Huwag na, career muna. Concentrate munaako sa career ko. ‘Tsaka na-realize ko rin, wala rin akong time kung magla-lovelife ako. Kasi siyempre iba-balance mo'ng love life mo. Naba-balance ko namantalaga pero ngayon, mas mabuti na i-focus ko na talaga. Karerin ko na talaga yungcareer."

TOBE COMPARED WITH ANGEL? Hindi kaya pagkumparahinnaman sila ni Angel Locsin na nag-topless din sa billboard ng bago niyangendorsement na Folded & Hung?

"Ah, talaga? Hindi naman. Kapamilya namansi Angel. In fairness, ang bait-bait ni Angel. Ang bait nga niya talaga."

Nababalita rin na may bagong manliligaw siRoxanne sa katauhan ni Victor Basa na kasamahan ni Jake sa Coverboys. May tsismisna gagamitin lang daw siya ni Victor para umangat ang sarili nitong career.

"Well, may nagsabi rin sa akin. E, hindinaman ako nagpapagamit."

RUNNINGINTO JAKE. Sa EntertainmentLive! kahapon, July 5, magkasunod na isinalang sa live edition ng Saturdayshowbiz-talk show ng ABS-CBN ang dating magkasintahan na sina Roxanne at Jake.Nauna si Roxanne at nung pagkatapos niya, in-announce na si Jake na angsusunod.
Dali-daling tumayo si Roxanne at mabilis na umalis ng studio. Not knowing nanasa labas lang ng gate ng studio si Jake na naghihintay tawagin.

Pero nagawa pa ring lapitan at batiin siyani Jake kahit nagmamadali na si Roxanne umalis. Doonkitang-kita na kinilig pa rin si Roxanne nung lapitan at halikan siya sa pisngini Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, nandun pa rin. Nagre-react ako ngganun, e," pag-amin ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN