Cherry Pie Picache gets to slap the Queen of Philippine Movies Susan Roces in "Iisa Pa Lamang"

"Ay, oo. Siyempre naisip ko yun.Siyempre, ‘di ba, nakita n'yo nga gumanun-ganun lang [dumaplis lang ang kamayniya sa mukha ni Susan]. Nakita ninyo naman sa iba, kapag sinampal konapapasuka sa sakit. Pero kay Tita Susan, ganun lang. Pero dinuraan namanniya ako," narrates Cherry Pie Picache about the confrontation scene betweenher and the Queen of Philippine Movies Susan Roces.



Pinuri nang husto ang performance na ibinigay ng award-winning actress na siCherry Pie Picache pagkatapos ng celebrity and press preview ng bagongteleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamangsa Cinema 2 ng SM The Block last Friday. Nag-alala naman si CherryPie habang kausap namin sa product endorsement na kasalukuyang nine-negotiatedahil sa kanyang kontrabida role bilang si Isadora.

"Oo, meron, pero hindi langnasasardo. So, I thought, sana lang kahit nakita nila na ganun ako sateleserye namin, e, hindi maapektuhan."

SLAPPINGSUSAN. Hindi ba siya nag-aalala na maramingmagagalit sa kanya dahil sa pang-aapi na ginawa niya sa movie queen na si SusanRoces at kay Claudine Barretto sa Iisa PaLamang?

"Yun nga. Feeling ko lahat ng mata ngayonng tao nasa akin," lahad ni Cherry.

Nailang ba siya kay Susan lalo na kapag maykumprontasyon at sampalan sila sa mga eksena?

"Ay, oo. Siyempre naisip ko yun. Siyempre,‘di ba, nakita n'yo nga gumanun-ganun lang [dumaplis lang ang kamay niya samukha ni Susan]. Nakita ninyo naman sa iba, kapag sinampal ko napapasuka sasakit. Pero kay Tita Susan, ganun lang. Pero dinuraan naman niya ako."

Ilang take ang mga eksena nila ni Susan?

"Take one lang yun, lahat. Okey lang naman yungsabunot, dura niya sa akin. Si Tita Susan naman yun. Parang sa sobrang sama niIsadora, tama lang na duraan siya. Kung ako yun, sasapakin ko pa siya. Yungganun."

CHERRYPIE'S CHARACTER. Nahirapan ba siya sa kanyang rolebilang si Isadora sa Iisa Pa Lamang?

"Nahirapan ako, kasi nagkontrabida na akosa Pangarap [na Bituin]." So, sabi ko, dito kaya, ano kaya ang gagawin ko?Sabi ko, ang atake ko dito, hostess of the year. Yung ganung klase, ‘di ba?

"Kasi,parang ganun siya, e. Hindi magandaang pinanggalingan niya. Ibinenta niya ang sarili niya para matupad angambisyon niya, at pati anak niya, ginamit niya. So, ganun ang atake, woman ofthe world."


Ano masasabi niya sa galit ng mga fans kapag umere na ang Iisa Pa Lamang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Honestly, kinakabahan po. On the other hand, masaya ako kasi merong reaksyon.Mas malulungkot ako kung hindi ako effective."


May redeeming value ba siya sa ending?


"Hindi ko pa alam kasi, nasa third week pa lang kami. Mas marami pangmangyayari, patikim pa lang yun."

GETTINGBACK AT. Paano naman gaganti sa kanya si Claudinesa teleserye nila? Pahihirapan din ba siya gaya ng ginawa niya? Duduraan din ba siyadito?

"Parang iba. Iba-iba kasi. Makakabawi siya.'Di ba dati, ‘pag may confrontation, mura? Murahan lang? Dito, tutukan agad ngbaril."

So far, ito na ba ang pinakasalbaheng roleni Cherry Pie?

"Yes," amin niya. "Sana malaman ng mga tao na role lang ito.Nagtatrabaho lang, mahirap ang panahon. Lahat gagawin mo. I'm just thankful Ihad a very good role in the soap, ‘tapos, nakaka-miss ang ganitong drama. I'mjust thankful that I'm included sa powerhouse cast."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN