Willie Revillame spotted with a non-showbiz date at the Star Magic ball

"Hindi, e, kasi bata pa ‘yan, e. Nineteenyears old lang ‘yan. E, ako naman para lang akong isang ama. Ganun lang ako,"answers Willie Revillame when asked by the staff of Entertainment Live! aboutthe real score between him and his non-showbiz date who was identified only as "Nadine."



Huling-huli ng Entertainment Live! sakanilang episode yesterday, July 5, ang mga kaganapan at intriga sa nakaraangStar Magic ball ng ABS-CBN Star Magic, na nagdiwang ng ika-6 na anibersaryo.

One hundred percent ang attendance ng mga naglalakihang talents ng Star Magic, kasama ang iba pang naging bahagi ng talent management ng ABS-CBN na pinamamahalaanni Johnny Manahan.

Ipinakita sa Entertainment Live! ang pagsayaw sa dance floor ni Kristine Hermosawith her former boyfriends Jericho Rosales and Diether Ocampo.

Naka-date naman ng Entertainment Live! host na si Luis Manzano si Angel Locsin thatnight. Sabay na dumating ang magkasintahan na sina John Prats at ShainaMagdayao. Stand-out naman in her red gown si Claudine Barretto kasama angasawang si Raymart Santiago. Lovely pair din that night sina Anne Curtis at SamMilby.

Last year, naging sentro ng usap-usapan saStar Magic ball ang kumprontasyon nina Anne at Sam sa gitna ng ballroom habangsumasayaw. This year, isa sa pinaka-sweet na couple ang dalawa.

At ang isa sa mga pinakanakakaintrigang pair nadumating sa ball ay ang controversial host ng Wowowee! na si Willie Revillame with his mystery date.

Nakilala ng Entertainment Live! sa pangalang "Nadine" ang babaeng kasamani Willie. Ayon pa sa impormasyong nakalap ng naturang talk show, sa Wowowee!nagkakilala sina Willie at Nadine. Nakausapnaman ng Entertainment Live! angkontrobersyal na TV host at inusisa ito kung ano nga ba ang real score sapagitan nila ng kasamang date for the Star Magic ball.

"Hindi, e, kasi bata pa ‘yan, e. Nineteenyears old lang ‘yan. E, ako naman para lang akong isang ama. Ganun lang ako,"tanggi agad ni Willie nang mahinuhang tila gustong tumbukin ng EL! kung ano ba ang relasyon niya sakasama.

Tinanong din ng EL! ang ka-date ni Willie na si Nadine sa tunay na relasyon nila ngTV host.

"Magkaibigan lang kami ni Papi," sagotnaman nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN