Billy Crawford denies playing sweet music with Heart Evangelista

"It's not true that we're alone. Hindi langkami ni Heart ang magkasama that time. Sabi nila sweet daw kami and everything... Nomatter who is with me, of course, I'm gonna offer her a seat, I'm gonna offerher a drink, like iced tea," says Billy Crawford about his reported "date" with Heart Evangelista.


Nakunan ng pahayag ng Entertainment Live!kahapon, July 5, ang international star at host ng Pinoy Dream Academy na si Billy Crawford tungkol sa balitangpagkakamabutihan nila ni Heart Evangelista. May nakakita raw kasi na magkasamasa isang restaurant sina Billy at Heart.

"It's not true that we're alone. Hindi langkami ni Heart ang magkasama that time. There are a lot of people when we cameout and I know Heart for a long time as well," pahayag ni Billy.

Ayon naman sa mga nakakita, sweet na sweetdaw sina Heart at Billy.

"Sabi nila sweet daw kami and everything.I'm not gonna say anything, ‘di ba? No matter who is with me, and maybe awoman next to me, of course, I'm gonna offer her a seat, I'm gonna offer her a drink,like iced tea."

Sa trade launch ng mga bagong shows ngABS-CBN, kinunan ng pahayag ng EL! angex ni Heart na si Jericho Rosales tungkol sa isyu.

"I've already moved on," sabi ni Jericho."I'm happy for them."

Hirit naman ni Billy, "I saw Jericho, andyou know, kung siyota pa lang yun, masakit talaga yun, ‘di ba?"

Ayon kay Echo, wala raw siyang magagawakung may bago nang boyfriend si Heart.

"Hindi ko mapipigilan ang panahon."

Pinanindigan naman ni Billy na magkaibiganlang sila ni Heart at hindi sila magkarelasyon.

"I'm still single. Right now, hindiako naghahanap. So, yung issue about me and Heart, [it's] not true," tapos niBilly.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN