Danica Sotto and husband Marc Pingris welcome their first baby

Young couple Danica Sotto and Marc Pingris (top) are now proud parents to their newborn son Jean-Michele. Dina Bonnevie and Vic Sotto (bottom), meanwhile, became first-time grandparents.



Maluwalhating nairaos ng actress-singer na si Danica Sottoang kanyang panganganak sa panganay na anak nila ng asawang si Marc Pingris, napinangalanan nilang Jean-Michele, last June 29. Kinailangang i-caesareanoperation si Danica dahil sa sobrang laki ng sanggol.

Ayon sa new mom na si Danica nang makapanayam siya ng StarTalk sa Asian Hospital, "Isa rin samga factor kung bakit ako na-caesarean, yung baby ko, masyado siyang mataas,hindi bumababa. ‘Tapos yung cervix ko nga, close pa, hindi na aabot sa labor.Kung ita-trial labor pa namin, risky na."

Abot-abot naman daw na nerbiyos ang naramdaman ng first-timedad na si Marc. Kuwento niya, "Noong makita ko pa lang na nag-broke ang waterniya, kinabahan na ako. Parang ako yung, ‘O, ano ang gagawin ko? Ano anggagawin ko?' ‘Tapos sabi sa akin ni Danica, ‘Relax ka lang. Maliligo lang ako.'‘O, after mong maligo, ano ang gagawin ko? Ano ang bubuhatin ko? Ano angdadalhin ko?'"

Kung ang pagbabasehan daw ay ang comment ng ama niyang VicSotto, kamukha raw ni Danica ang anak niya noong baby pa siya. "Sabi kasi niDaddy, parang kamukha ko raw noong baby ko or kahawig din daw ni Oyo [Sotto,her younger brother] noong baby," saad ni Danica.

CLUELESS LOLO. Ang first time lolo naman na si Vic ay wala rawkamalay-malay na nakapunta na pala sa hospital ang anak at manugang.

"Wala akong kamalay-malay, tulog pa ko. I was getting readypara manood kay [Manny] Pacquiao. Tapos, noong paglabas ko ng kuwarto, nakitako ang kuwarto nila, bukas. Doon pa lang sinabi sa akin ng maid na nasa hospital na sila. And then, I got a textfrom Marc na ini-schedule na nga raw ng doctor for C.S. ng 11:00 a.m.

"After the hospital, I went straight to the hospital.Naabutan ko pa si Danica sa recovery room and then, sinilip ko yung baby sanursery room. And the feeling is indescribable," kuwento ng excited na lolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro naman daw ni Vic ang mga kasamahan sa Eat Bulaga!after manggaling ng hospital.

Lahad niya, "Sabi ko kay Joey [de Leon], may muscle na nga ang bata.Paano, nakaganyan ang mga kamay, nagpi-flex. He's super adorable, cute. Parangkamukha ni Danica. Ayaw namang pumayag ng tatay at sinasabi, pagdating ng araw,hahaba na rin ang mukha niyan. But of course, the excitement was doubled when Isaw Danica."

A GRANDMOTHER'S TALE. ‘Tulad ni Vic, first time lola pa lang din si Dina Bonnevie, tila nagho-hope pa rin daw ang aktres na normal delivery sana ang panganganak ni Danica.

"E, si Danica, sinabi nga niya sa akin na hindi raw puwedengmag-natural birth. Sabi ko, ‘Bakit hindi puwede?' E, kasi, ang laki raw ngbalikat ng baby ‘tapos ang liit ng pelvic cavity niya. So sabi ko, ‘Naku,maglakad ka! Maglakad ka!' Then, ‘E, mommy, hindi nga raw bumubukas ang pelvicko.'

"Sabi ko pa rin, ‘Naku, maglakad ka diyan, walk, walk every day!'Then, sabi ni Marc, ‘Ma, palagi n'yo naman pinu-push si Danica, e, naglalakadnaman po talaga siya. Kaso, hindi po talaga makalabas ang anak ko kasi anglaki-laki.' So, sabi ko, ‘E, kasi naman, ang laki-laki mong tao! Kayanahihirapan yung anak ko!' Alam mo yun, talagang antipatikong lola!" natatawangkuwento ni Ms. D.

Dagdag niya, "Ang laki ng baby, tipong 54 to 55 centimeters!Ang haba! Kaya sabi ko, ‘Oh my God! Bata ba ‘to? Ang laki!'"

Tinignan daw agad ni Dina kung kumpleto ang body parts ngapo nang una itong makita.

"Hay, thank God, dalawa ang mata, dalawa ang kamay. Then,tiningnan ko, mahaba ba ang baba? Natakot ako, e, kasi baka magmana sa lolo orsa tatay kaya!

"Tapos sabi ni Marc, ‘Si Mommy naman, mahaba rin ang baba niDanica.' So, parang ako, mahaba ba ang baba ng anak ko? Worried-worried ako,so, ‘Doktora, mahaba ba ang baba ng apo ko?" natatawang kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dina, silang dalawa raw ng anak na si Oyo ang mgaunang dumalaw sa hospital. Aniya, excited din daw si Oyo na maging tiyo na. Athiniritan pa raw siya nito na mag-aasawa na rin. Pero kinontra niya raw agad nahindi puwede. Mag-ipon at magkaroon muna raw ito ng stable job.

THE OTHER VISITORS. Ang French father naman daw ni Marc ay may planongbumisitang muli sa Pilipinas either this December or February. Pero nangmakausap daw nila ito sa telepono, halatang naiiyak daw sa sobrang tuwa atexcitement.

Ilan sa mga naging visitors ni Danica sa hospital ay angkanyang half-sister na si Paulina, her friends Sunshine Dizon with mom DorothyLaforteza, Iza Calzado, Alessandra de Rossi, and Kristine Hermosa.

Pero na-touch daw siya nang husto nang dumating ang pinsanniya na si Ciara Sotto.

"Naku, nang makita ko si Ate Ciara, sobrang umiyak talaga ko!Fresh from the States, so yun. Siguradong ninang yun, hindi puwedeng mawala,"saad ni Ciara.

Nagbigay naman ng mensahe si Dina para kay Danica.

"One thing I can tell you, motherhood is no ending. It has abeginning but no ending until this son lies himself on the ground, six feetunder the ground, you will forever be his parents, his guide. So be a full-timemom. Be with your son. Take care of him and we will do the rest. We will lovehim, cherish him like you do."

Si Vic naman, naniniwalang maging mabuti raw na mgamagulang ang anak at ang manugang, while Marc promised na mas lalo raw siyangmagtatrabahong para sa kanyang asawa at anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN