Rafael Rosell to do four different characters in four different movies all at the same time

"May pang-lima pa sana, pero parang apat lang angkakayanin ko sa ngayon. Kapag lima na 'yan, all at the same time, baka sobrangmawala na ako sa sarili ko," says Rafael Rosell.



Aliw na aliw si Rafael Rosell sa nabili niyang TV na32" at dito niya nagagamit ang kanyang PlayStation 3, na parangsinasabayan na niya ng workout. Nilalagyan niya ng weights ang kamay niyahabang gumagalaw ito para sa control.

"Bumibilis ang heart rate mo habang naglalaro ka,"parang batang naikuwento ni Raf sa amin. "After ng games ko sa PlayStation3, pumupunta ako sa gym. Yun lang ang madalas na pinagkakaabalahan ko.

"Ang last commitment ko ay yung sa Poohkwangshow sa Music Museum. Nag-guest ang Coverboys doon. Puro guestings kami sa TVngayon, and regularly, napapanood pa rin kami ng Coverboys sa A.S.A.P.,"dugtong ng binata.

Nakatakdang gawin ni Raf ang isang pelikula for Viva, kasamasi Rufa Mae Quinto. May dalawa siyang indie films na sisimulan. At mayroon pangisang indie film for negotiation.

"Sa TV ako napapanood palagi ngayon, kaya puyatan parin sa taping," sabi pa ni Raf.

Sa July 25, nakatakdang mapanood si Raf among other Benchcelebrity models sa inaabangang Blackout, ang Bench underwear and denimwear fashion show na gaganapin sa Araneta Coliseum.

"Yung preparation ko talaga roon, starting July20," banggit ni Raf. "Hindi ko nga alam kung anong klasengpreparation. Kasi, sa ngayon, parang nahihirapan akong mag-diet. Enjoy akopalagi sa food, e. Hindi ko maipapangakong makakapag-diet ako.

"Last year kasi, ang ginawa ko for the Bench show, Iengaged on capoeira, a Brazilian martial arts. Yun ang ginawa kong sport paramag-prepare for that. Ngayon siguro, ita-try ko ang swimming.

"Iba't ibang sports kasi, iba't ibang effect din sakatawan. Tingnan ko lang kung ano ang epekto sa akin 'pag tinodo ko angswimming," nasabi pa ng aktor-modelo.

Hindi pa masabi ni Raf kung ano ang drama ng partisipasyonniya sa Blackout, but for sure, manggugulat daw siya.

DOING FOUR AT THE SAME TIME. Ang nakaka-excite pa sakanya ay yung apat na pelikulang nakatakda niyang gawin.

"That means, four different characters ang ipapasok kosa katawan ko," nangingiting kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May pang-lima pa sana, pero parang apat lang angkakayanin ko sa ngayon. Kapag lima na 'yan, all at the same time, baka sobrangmawala na ako sa sarili ko.

"Yung sa Star Cinema kasi, simultaneous sa gagawin kosa Viva. Yun na muna, para yung mga susunod, fresh pa ang characters sa mindko, para nakaka-concentrate ako.

"Yung sa Star Cinema, nile-layout ko pa ang characterko riyan, pero nakapag-shoot na ako ng one scene. May pagka-career-oriented angrole ko riyan. Business-minded, character comes first.

"Sa Viva project, sex lang ang habol ng character ko.Ang title niya, Civil Status: Single. May pagkatarantado ang characterko riyan. Ang mga makakasama ko riyan, sina Alfred Vargas, Paolo Contis, MarkBautista, Jon Avila, and Rufa Mae Quinto. Nagtatrabaho ako riyan sa gay bar,kaya medyo interesting," napapangiting sabi pa ni Rafael.

INDIE PROJECTS. Sa isang indie film, maypagkagimikero raw ang dating niya. Tipong addict ang dating, at yun angnakikita niya sa character kaya pinag-aaralan din niya. Tipong kriminal. Itoyung para sa twinbill na Manila, na actually, iisang pelikula perodalawang kaganapan ang mangyayari sa kuwento. Isang nangyari sa umaga, isa sagabi.

"But, I'm doing one for Adolf Alix, yung Trio, may pagka-bisexual. May girlfriend, pero may kasama pang isang lalaki. We alllive in the same house, parang ganoon," nangingiting pagde-describe pa niRaf sa role na yun.

May pang-Metro Manila Film Festival pa siyang gagawin athindi pa niya alam kung ano ang role niya rito, pero si Joey Reyes angmagdidirek nito, yung dating Short Time na ang nasilip naming bagongtitle ay One Night Only na.

Karamihan ng mga eksena rito ay sa motel lang magaganap.Mukhang sariling sikap ang bubuhay sa career ni Raf sa aktingan at karamihan ngoffers ay sa labas na ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN