Raymart Santiago prefers not to work with wife Claudine Barretto in showbiz

"Parang hindi ako kumportable na katrabaho siya. Nasubukan na kasi namin namagkasama nung mag-guest siya sa show namin. Naiilang ako, e," says Raymart Santiago about working with wife Claudine Barretto.



Ipinakita ni Raymart Santiago ang kanyang suporta sa asawangsi Claudine Barretto sa celebrity at press preview ng bagong teleserye ng kanyang misis sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, last Friday, July 4.

Naunang dumating sa SM The Block Cinema 2 si Raymart kesa kayClaudine. Bago pumasok ng sinehan ay nakausap muna ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Raymart at kinuha ang reaksiyon sa nababalitang maiinit na kissingscenes ni Claudine sa leading men niya sa Iisa Pa Lamang, sina Diether Ocampoat Gabby Concepcion.

"Trabaho lang naman yun," kibit-balikat ni Raymart.

Pero aware ba siya na umabot daw ng ten minutes ang kissingscene ni Claudine kay Gabby?

"Aware ako doon. Si Claudine naman, ikinukuwento niya sa akinyung mga eksena niya," sagot ng aktor. At "Okey lang yun," sa tanong kung nagselos ba siya.

What about yung seven minutes naman na halikan nina Claudineat Diether?

"Ha? E, ganun talaga. Ako rin naman ginagawa ko yun dati samga pelikula ko," saad ni Raymart.

Aminado si Raymart na mas seloso siya kesa kay Claudine.Nagkaroon na ba ng chance na may pinagselosan siya kay Claudine?

"Wala pa naman," sagot niya. "‘Tsaka kasi kami, hindi nanamin binibigyan ng pagkakataon na may pagselosan ang isa't isa. Hindi namandin ako basta-basta nagseselos at saka hindi niya ako binibigyan ng dahilanpara magselos."

Sa ngayon ay wala pa ring ginagawang proyekto si Raymart saGMA-7. "Pero may mga pinag-uusapan na kami," pagbabalita ni Raymart.

Walang bang offer ang ABS-CBN na show sa kanya?

"Wala, pero masaya na ako sa GMA-7," sagot niya.

Kung sakaling may offer, tatanggapin ba niya para makasamaang kanyang misis na si Claudine kahit sa isang proyekto sa ABS-CBN?

Natawa muna si Raymart bago sumagot. "Hindi siguro kasiparang hindi ako kumportable na katrabaho siya. Nasubukan na kasi namin namagkasama nung mag-guest siya sa show namin. Naiilang ako, e," pahayag niRaymart.

Tinanong din namin si Raymart kung papayagan niya ang anaknila ni Claudine na si Santino na mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag muna, bata pa, e. Siguro sa commercial lang muna,model ng underwear!" biro ni Raymart.

E, kung silang mag-ama ang kuning endorser ng underwear, papayagba siya?

"Naku, hindi na! Sa iba na lang yun. ‘Tsaka hindinaman ganun kaganda ang katawan ko," natatawang sabi ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN