Robby Navarro did not expect his early exit from "Pinoy Idol"

"I'm confident po nahindi ako ang matatanggal. Kaya nalungkotpo ako nang sabihin ni Raymond na magpaalam na ako kay Daryl dahil ako angnatanggal. Alam ko pong ginawa ko ang best ko last night," reveals Pinoy Idol finalist Robby Navarro.



Maraming nalungkot nang i-announce ng Pinoy Idol host Raymond Gutierrez na si RobbyNavarro ang natanggal. Siya ang nakakuha ng pinakamababang boto among thebottom three na kinabibilangan din nina Sue Ellen at Daryl Celis at RobbyNavarro. Kapansin-pansin na kahit may kanya-kanyang pambato ang mga nasaaudience ay natahimik sila pagkatapos ng announcement sa ginanap na elimination kagabi, July 6, sa CenterStage ng SM Mall of Asia.

Sa Top 12, si Robby ang ikatlong Pinoy Idol finalist na pinauwi. Ang mga nauna sa kanya ay sina Jeni Rawolle at Mae Flores.

After the announcement of the bottom three this week, hiningan ngkomento ni Raymond ang mga judges na sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, atWyngard Tracy. Sabi ni Ogie, hindi siya makapaniwala na nakasama si Robby sabottom three dahil "he's one of the better singers among the Final10."

Ayon naman kay Jolina, parang hindi raw worth na sa isanggabing hindi masyadong maganda ang performance ni Robby ay nakasama na siya sabottom three.

.

Para naman kay Wyngard, "Okey lang dahil ayaw kongmaging malungkot ako linggo-linggo kung mali ang natatanggal na finalist." Peronakiusap siya sa mga text voters to vote objectively and wisely dahil angtatanghaling kauna-unahang Pinoy Idol ay magre-represent sa bansa globally.Nagbigay rin ng babala si Wyngard na kasalanan ng mga tao kung ang mapilingPinoy Idol ay hindi deserving.

NOT READY TO GO HOME. Nakausap ng PEP si Robby after singing his last song na"The Greatest Love of All." Tinanong namin siya kung ano sa tingin niyaang dahilang kung bakit siya ang natanggal. Hindi ba't marami naman siyang fansna sumusuporta sa kanya, as seen sa mga episodes na ipinalabas sa Pinoy IdolExtra? Sa palagay ba niya ay hindi sila bumoto nang tama this time?

"Hindi ko po alam kung paano, pero I'm confident po nahindi ako ang matatanggal," pag-amin ni Robby. "Kaya nalungkotpo ako nang sabihin ni Raymond na magpaalam na ako kay Daryl dahil ako angnatanggal. Alam ko pong ginawa ko ang best ko last night [July 5]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nakaapekto o hindi nagustuhan ng text voters angnakita sa kanya last Thursday, July 3, sa Pinoy Idol Extra na ang subject ay"test of patience and social skills"? Nakita kasi doon na nag-tantrumat isinabog niya lahat ng mga gamit niya nang pansinin siya na iniligpit naniya agad ang gamit niya samantalang the next morning pa nila dapat gawin‘yon. At pagkatapos niyang maikalat lahat ng gamit niya, lumabas siya ngLinden Suites, kung saan sila naka-billet, at sinundan lang siya ng best friendniyang si Kid Camaya.

"I believe na nakaapekto rin po ‘yon," sagot niya. "ButI guess I'm just human that time at hindi ko naitago ang true feelings ko, orsiguro dahil pagod na pagod na rin po ako kaya hindi ko na naisip na may dapatkaming sunding rules and regulations. I feel sorry din pagkatapos atna-realized na mali rin ang ginawa ko, pero nangyari na po."

Sa naiwanang Final 9, na sina Sue, Daryl, Jayann, Gretchen,Penelope, Warren, Ram, Toffer, at Kid, sino ang gusto niyang maging first PinoyIdol?

"Tatlo po ang choices ko—sina Warren, Penelope, or Ram.Hopefully, sila ang makarating sa Final 3," sabi ni Robby.

After his elimination, ano ang balak niyang gawin?

"I just want to go home and rest a lot," sabi niya."Pero kasama pa rin po naman ako, kami nina Jeni and Mae na unang natanggal, samall shows namin every Friday. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mgasumuporta sa akin."

Dating member ng disbanded band na Wiseguys si Robby.Hopefully raw ay hindi matatapos ang kanyang dream na maging singer sapagkatanggal niya sa Final 10.

IDOLS REACT. Nakita ng PEP na iyak nang iyak si Jayann kaya hiningan narin namin siya ng comment sa pagkatanggal ni Robby.

Sabi ni Jayann, "Magkababayan po kasi kami ni Robby.Pareho kaming taga-Pampanga nina Kid at alam ko pong gustung-gusto niyangmanalo. Ito na po kasi ang last chance niya, he's already 28 years old atnararamdaman ko po ang lahat ng paghihirap niya para makarating saitaas. Naiyak po ako nang yakapin ko siya at sabi niya sa akin, ‘Galinganmo!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa naman si Warren nang sabihin sa kanyang isa siya saini-expect ni Robby na maging first Pinoy Idol kahit na naiyak din siya sapagkatanggal ni Robby.

"Naiyak din po ako nang siya ang matanggal dahil alamko pong mahusay siyang kumanta," naiiling na sabi niWarren. "Kung puwede lang pong ipalit ang puwesto ko, pero hindinaman po puwede at alam ko ring hindi siya papayag. Sana lang po magkaroonng wild card at siya ang makapasok."

Si Sue naman ay masaya pa kahit nakasama siya sa bottomthree.

"Every time po kasi na nagpi-perform ako, iniisip konang puwede akong matanggal," sabi ni Sue. "Positive thinking poako tungkol dito, dahil para sa akin, ‘yon lang pong nakasama ako sa Top 24,tuwang-tuwa na po ako. Kaya tuwing masi-save ako, bonus po sa akin ‘yon atnagpapasalamat ako kay Lord at sa mga text voters."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN