Ryan Agoncillo not yet assured of hosting "Pinoy Fear Factor"

Although there have been reports that Ryan Agoncillo will host Pinoy Fear Factor, another report says that he won't be able to do the show since he has to prioritize Pieta. But Ryan's manager Noel Ferrer still hopes that ABS-CBN will give the hosting to Ryan.



Nabili ng ABS-CBN ang rights ng American reality show naFear Factor mula sa Endemol. Marami ang nag-akalang ito na ang hinihintayna hosting job ni Ryan Agoncillo. More than acting ay hosting talaga angforte niya at patunay nito ang ilang awards na natanggap na niya for hosting.

Hindi natuloy ang pag-host ni Ryan ngPinoy Dream Academy 2, tulad ng unang sinabi sa kanya, kaya Pinoy Fear Factor naang right project para sa kanya.

Sa ngayon ay nagpapa-audition na rin ang Pinoy Fear Factor parasa mga possible contestants na dadalhin for one-monthtaping sa Argentina, Latin America. Ipalalabas ito sa ABS-CBN simula sa Septemberand will be spread over several months.

Pero may nakarating na balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal)na mukhang malabo pa rin na si Ryan ang maghu-host ng Pinoy Fear Factor dahilmay gagawin siyang Sine Serye sa ABS-CBN, ang Pieta. Ayon ito mismo sa BusinessUnit Head ng Pinoy Fear Factor na si Ms. Linggit Tan.

Sabi pa ng lady executive, underway na rin ang selectionprocess sa pagpili ng magiging host ng show, pero ‘yon nga, malabo na raw nakay Ryan ‘yon mapunta dahil magsisimula na siyang mag-taping ng Pieta. Ika-candin muna raw ito, meaning tatapusin muna ang taping bago tuluy-tuloy naipalalabas.

Kasalukuyang nasa Paris si Ryan, kasama ang kasintahang siJudy Ann Santos, para sa screening ng Ploning sa Paris Cinema Film Festival.Ito ang dahilan kung kaya't hindi pa nakakausap ni Ryan ang managerniyang si Noel Ferrer.

Si Noel ang tinawagan ng PEP para hingin ang komento niya tungkolsa issue na hindi na si Ryan ang maghu-host ng Pinoy Fear Factor. Noon patinatanong ng PEP kay Noel kung si Ryan na ba ang magho-host ng naturangrealtiy show at ito ang sagot niya: "Sana. Matagal na niya talaganghinihintay na kausapin siya. Sana."

Ibinalita niya na sa Thursday(July 10) pa babalik sina Ryan and Juday from Paris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagdating nila rito, mag-uusap kami agad ni Ryan," sabi niNoel. "Alam ko kung si Ryan ang tatanungin, tiyak na ang gugustuhin niya ay angpagho-host ng Fear Factor."

Matagal na raw sinabi kay Ryan na gagawin niya ang Pieta.Dapat ay noon pa ‘yon nasimulang gawin ni Ryan, habang naghihintay sana siya ngpagsisimula ng Pinoy Dream Academy 2. Kaya lang daw ay hindi agad nasimulandahil hindi natuloy ang aktres na gaganap sanang ina ni Ryan sa drama series.

Kasalukuyan pa raw naghahanap ang ABS-CBN ng gaganap namother ni Ryan sa Pieta. May mga sinabisilang pinagpipilian nilang mga mahuhusay na mga aktres. Pero so far, wala panaman silang sinasabi kung mayroon na silang napili at kungkailan magsisimula ang taping.

"Sana, i-consider nila si Ryan to host Fear Factor,"asam ni Noel, "dahil kung ika-can naman pala ‘yong Pieta, puwede na rinsigurong simulan ang taping nito bago magsimula ang taping ng Fear Factor. Pagkataposnito, saka naman niya itutuloy ang taping ng Pieta. Sana!"

Nangako si Noel na babalitaan niya agad ang PEP pagkatapos mapag-usapan nila ni Ryan at ng ABS-CBN ang Pinoy Fear Factor at Pieta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN