Judy Ann Santos finally speaks up about systems-loss controversy

"Ang sa akin lang, ginawa ko yun dahil naiintindihan ko kungano ang ginawa ko... Hindi ko inendorso ang Meralco, tumulong lang akong magpaliwang ng isang bagay nahindi masyadong maliwanag sa taong-bayan. Hindi ko pinipilit na maniwala saakin, it's still their opinion. If it's their opinion na hindi maniwala atmagwelga pa rin sa Meralco, it's okay, naiintindihan ko yun," explains Judy Ann Santos.



Habang nasa Europe ang magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pinag-usapan nang husto ang kanilang engagement na unang lumabas sa YES! magazine. Bukod dito, naging malaking isyu rin ang pagtanggap ni Juday sa infomercial ng Meralco tungkol sa mainit naisyu ng systems loss.

Generally ay naging negatibo ang pagtanggap ng publiko sa infomercial naito ng aktres. May mga ilang sector pa nga ang nagbantang ibu-boycott angmga commercial, TV show, at pelikula ni Juday bilang protesta sa kawalangsimpatiya diumano nito sa paghihirap na dinaranas ng taong-bayan dahil sapagtaas ng Meralco rates.

Dahil wala nga sa bansa noon si Juday, hindi niyanaipagtanggol ang sarili, lalo't kumalat noon ang usap-usapan namismong si Judy Ann daw ay hindi naiintindihan ang ipinapaliwanag tungkol sasystems loss.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayJuday bago siya umalis ulit ng bansa patungong Paris kasama si Ryan,ipinagtanggol niya ang sarili sa mga batikos na natanggap niya.

"Nirerespeto ko kung anuman ang opinion ng iba't ibang mgatao," saad niya. "Nagpapasalamat din ako sa mga journalists, mga congressman atsenador na nag-explain ng side ko habang wala ako dito. Natutuwa din ako samga tao na nakakaintindi ng infomercial.

"Ang sa akin lang, ginawa ko yun dahil naiintindihan ko kungano ang ginawa ko. Hindi ko sinabi na magpakabit kayo ng aircon or something.Hindi ko inendorso ang Meralco, tumulong lang akong magpaliwang ng isang bagay nahindi masyadong maliwanag sa taong-bayan. Hindi ko pinipilit na maniwala saakin, it's still their opinion. If it's their opinion na hindi maniwala atmagwelga pa rin sa Meralco, it's okay, naiintindihan ko yun."

Sa banta naman na ibu-boycott daw ang mga ini-endorse niyangmga produkto at palabas, heto ang naging pahayag ng aktres:

"Ang hirap magsalita tungkol diyan, pero kung opinion nilayun, kung sa palagay nila ay makakaluwag sa dibdib nila ang paggawa ng ganun,hahayaan ko sila. Pero sana huwag namang umabot sa ganun kasi ang gusto ko langnaman ay makatulong sa pagpapaliwanag. Wala akong masamang ibig sabihin saginawa ko," pahayag ni Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTROVERSIAL ENGAGEMENT. Balita rin na sa nangyaring engagement nila ni Ryan aymarami ang nagtampo sa kanila dahil parang inilihim nila ito sa ilang malalapitna tao sa buhay nila. Lumabas ang pangalan ng manager ni Juday na si AlfieLorenzo, na isa sa sumama ang loob dahil ang naturingan daw na manager cumdiscoverer ng aktres ay hindi raw sinabihan ni Juday.

Paliwanag ni Juday, "Si Tito Alfie, kausap ko siya nito bago akoumalis. I talked to him and I said sorry. Sasabihin naman namin talaga sa kanya. It's just that nung nandun kami[Europe], pumutok yung issue dito sa akin. Medyo, ‘Teka muna, hindi ko alamkung saan ko ilulugar ang sarili ko.' Nag-iisip ako kung ano ang mga dapat konggawin, so nakalimutan kong i-bring up sa kanya yung engagement. But of course,hindi namin itatago sa kanya.

"Dun sa sinasabi nilang inilihim daw namin at nanahimikkami, unang-una kasi, siyempre aalis din kami for the European trip and at thesame time, gusto ko rin naman kasing namnamin yung moment. Like nga ng sinabiko sa YES!, nung time na yun, ang gulo-gulo. Nagpa-interview ako sa YES!,kinabukasan aalis na kami. Sabi ko nun, ‘Sige pagbalik ko dito, isang magandangpasalubong dun sa mga tao na puwede kong iklaro ang lahat.'"

SECRETLY MARRIED. Lumabas din ang balita na secretly married na raw ang dalawasa Europe at sa November 5 naman daw ang pagpapakasal talaga ng dalawa na hindiililihim sa lahat. Agad naman itong nilinaw ni Juday.

"Kung sa Las Vegas nga na puwedeng-puwede na kaming ikasal,hindi namin ginawa yun. Kagaya nga ngsinabi namin, hindi namin kakayanin na wala ang pamilya namin sa espesyal naaraw na yun.

"Regarding that November 5, hind namin alam kung saan galing‘yang balita na ‘yan. November 5 is birthday of my pamangkin Jasper. Sa totoolang, hindi pa kami nagpaplano kasi hinihintay pa ni Ryan na sabihin ko sakanya, ‘Halika, planuhin na natin,'" saad ni Judy Ann bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN