Rhian Ramos and JC de Vera irritate Cherry Pie Picache for ignorance about Lino Brocka

"Ewan kung sino ang sisisihin diyan, pero isa 'yan samga bagay na hindi ko talaga nagugustuhan sa karamihan sa mga baguhang artista.Kapatid, kung hindi nila kilala si Lino Brocka, magtanung-tanong sila.Importanteng tao yun...siya ang isa sa mga dahilan kung bakit pinagsisikapannating buhayin ang industriya at ayusin ang sining natin, di ba?" saysCherry Pie Picache.



Hindi na dapat kinukuwestiyon pa ang kahusayan ng isang Cherry Pie Picachepagdating sa acting. Ang kauna-unahang aktres na nagwagi ng tatlong actingtrophies sa Golden Screen Awards—one for BestPerformance by an Actress in a Lead Role-Drama para sa Foster Child,another for the same category sa comedy naman for Bridal Shower; and onefor Best Supporting Actress para sa Twilight Dancers—ay mulingbumobongga sa telebisyon dahil sa kanyang markadong partisipasyon sa Iisa PaLamang ng ABS-CBN.

"Ang masasabi ko lang, pagdating sa TV, mas gamay kotalaga ang pagtatrabaho sa ABS-CBN," sabi ni Cherry Pie. "Not foranything else, pero naibibigay nila sa akin yung worth ng pagiging artista ko,in terms of roles.

"Ang huli ko sa kanila ay yung sa Pangarap na Bituinna kontrabida ang role ko, at iba rin naman ang atake ko rito sa bago, sa IisaPa Lamang. Talagang sagad-sagaran sa kasamaan ang portrayal ko rito, atgusto kong kainisan ako ng televiewers dahil doon naman masusukat ang effect ngperformance ko sa mga makakapanood, di ba?

"Natapos ko rin yung para sa The Susan Roces CinemaCollections na Florinda, starring Maricel Soriano. Ibang klasengrole din naman 'yan na medyo antagonistic na hindi naman, kasi, parang maysayad ang character ko riyan. I'm sure it's something different,"tuluy-tuloy na pagbabahagi ni Pie.

Halos twenty years sa showbiz industry si Pie. Pinakabunso sa mga aktres na narating ang legendary status sa murangedad, pero damang-dama namin kay Pie ang pagyakap niya nang husto sa propesyongminahal niya at patuloy rin naman kasing minamahal siya.

IRRITATED BY JC AND RHIAN. May isang insidente sanakaraang Golden Screen Awards na ginanap sa Zirkoh, yung parang nakairita kayPie. Ito ay yung diumano'y ginawa ng dalawa sa hosts ng gabing yun,sina JC de Vera at Rhian Ramos, na may kaugnayan kay Lino Brocka.

"Hindi ko lang naitago talaga yung naramdaman ko thatnight," nasabi ni Pie. "Importante pa naman yung Lino Brocka LifetimeAchievement Award, na parang ginanoon-ganoon lang si Lino Brocka, kasi, hindikilala ng mga kabataang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi man nila alam kung ano ang nakasulat sa cuecards, they could have asked the help of those people na mas nakakakilala. Theyshould have asked for briefing. They should have asked, 'Sino ba itongipe-present ko?'

"Ewan kung sino ang sisisihin diyan, pero isa 'yan samga bagay na hindi ko talaga nagugustuhan sa karamihan sa mga baguhang artista.Kapatid, kung hindi nila kilala si Lino Brocka, magtanung-tanong sila.Importanteng tao yun na kahit wala na siya sa mundo, siya ang isa sa mgadahilan kung bakit pinagsisikapan nating buhayin ang industriya at ayusin angsining natin, 'di ba?" nasabi na lang ni Cherry Pie.

Yung mga kabataan daw ngayon sa showbiz, most of them, hindinila talaga alam kung bakit nasa industriya sila.

"You're here because of your craft," sabi pa niPie. "Lalo na kung acting ang pinapasok mo. Hindi 'yan yung image lang.Kung host ka or variety performer siguro, mapapagpasensyahan pa 'yan. Pero,akting na ang pinag-uusapan diyan, e.

"Umaarte ka, e. Hindi mo man alam ang history o hindimo yun naabutan, alamin mo. Obligasyon mong malaman yun dahil nag-aartistaka," pagsisentimyento pa ni Pie.

PASSIONATE PERFORMER. Definitely, alam ni Pie angpinasok niya at tiyak niyang dito na rin siya tatanda.

"It's the creating, e," sabi ni Pie."Yun yung thrill doon. Para kang painter, or sculptor, yung creation mo,pinagbubuhusan mo ng passion. Ganoon din sa akting.

"As an actor, you create your characters. You breathelife to your characters. Nae-express mo yun in so many different ways, sa iba'tibang klaseng roles.

"Yun ang gusto ko, mula sa pagkabata ko. Mahilig ngaako noon sa declamation. I even love to sing, kahit hindi mahilig ang singingsa akin. Hindi kasi ako nag-train doon.

"One of these days, trip kong magpaka-Meryl Streep sa MammaMia!. Naku, talagang hindi pa huli ang lahat! Mapapanood nila si Cherry PiePicache sa isang musical, kumakanta at sumasayaw. Pangarap ko 'yan!"pagwawakas ni Pie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN