Dennis Trillo and Cristine Reyes caught dating

Kapuso star Dennis Trillo and new Kapamilya star Cristine Reyes were seen together watching a reality-combat championship in Makati.



Ipinalabas sa The Buzz last Sunday, July 6, angcontroversial video nina Cristine Reyes at Dennis Trillo na nahulingmagka-date. Nakita sa video na magkasama ang dalawa na nanonood ng reality-combatchampionship.

Dahil dito, maugong ang balita na nagkabalikan na sinaCristine at Dennis. Ilang buwan na ang nakakaraan nang mabalitang nagkasalubongang dalawa at ang dating girlfriend ni Dennis na si Carlene Aguilar sa isangmall kung saan hindi raw sila nagpansinan.

Pagkalipas ng ilang buwan, nabalita naman na nagkaroon nghidwaan si Cristine at ang kanyang kapatid na si Ara Mina. Isa sa hinihinalangdahilan ay ang pakikipagbalikan ni Cristine kay Dennis. Pero nagkabati na angmagkapatid noong nakaraang linggo at itinanggi ni Ara na si Dennis ang dahilanng kanilang away.

Sa trade launch ng mga bagong shows ng ABS-CBN, nagbigay ng pahayagsi Cristine nang tanungin tungkol kayDennis.

"Oo, lumalabas kami," pag-amin ni Cristine.

Mas masaya ba sila ngayon ni Dennis?

"Okey na? Okey na ba?"

Hindi man aminin ni Cristine, ang kuha nila sa video angmakapagsasabi ng tunay na relasyon nila ni Dennis.

Magka-date sina Cristine at Dennis habang nanonood ng URCC oUniversal Reality Combat Championship sa Makati. Nang matapos ang kanilangpinapanood sa Makati, sabay na lumabas ang dalawa.

Nang mapansin ni Dennis na may nakatutok na kamera sa kanilani Cristine ay pilit niyang ipinapapatay ito. Habang si Cristine naman aylumalayo sa kamera para umiwas.

Tinanong ng The Buzz si Dennis kung madalas ba siyang manoodng ganitong klaseng palabas.

"Oo, adik ako sa MMA [Mixed Martial Arts], e," sagot niya.

Tinangka silang interbyuhin ng The Buzz, pero hindinagustuhan ni Dennis ang pagsunod ng kamera sa kanila.

"Huwag nga kayong makulit! Huwag kayong makulit," sabi niDennis sa TV crew.

Wala namang kamalay-malay si Ara na nanonood pala si Cristinekasama si Dennis samantalang dapat sana ay kasama niya ang kapatid na manood ngconcert ni Dingdong Avanzado sa Teatrino sa Greenhills. Pero hindi siya sinipotni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat kasama ko siya dito. E, kaso hindi ko na-remind. Nakagawasiya ng lakad. Inindiyan niya ako," sabi ni Ara.

Nagbigay naman ng opinion si Ara if ever nagkabalikan nasina Cristine at Dennis.


"Okey lang if ever magkabalikan sila. Wala akong problema," sabi niya.

Nahingan din ng The Buzz ng reaksiyon si Carlene sa pagde-datenina Cristine at Dennis.

"Sila naman, e. Kaya natural lang na sila angmagkasama. Alangan namang si Calix ang isama niya, e, bata pa yun. Ingat!" sabi ni Carlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN