Richard Gutierrez "torn" between two leading ladies: Heart on TV and KC in a movie

"Ngayon kasi ang mga fans, kapag nire-report sa akin, yungmga fans mo nakakaintindi. Naiintindihan nila. Open-minded na ngayon ang mgafans. May ibang fan base si Heart at may ibang fan base si KC," says Richard Gutierrez about having two different leading ladies.



First time daw muli na nagkaroon ng kasamang leading lady siRichard Gutierrez sa billboard ng bago niyang series sa GMA-7, ang Codename:Asero. Pero ayon kay Richard, siya raw mismo ang nag-suggest kung puwedengkasama niya si Heart Evangelista sa billboard.

"Maganda kasi yung team namin dito ni Heart. At saka sastoryline, maganda yung chemistry namin. At saka para iba, para bago. Maganda,maganda yung billboard. I'm very happy," pahayag ni Richard sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Naging magkaibigan daw talaga sila ni Heart dahil sapagsasama nila sa Asero.

"Okey kami, actually, sobrang okey kami," sabi ni Richard."Totoong magkaibigan kami, ganoon. Naging magkaibigan lang kami ng sobra afterng Dubai. Kilalang-kilala ko siya,kilalang-kilala niya ako. Wala kaming itinatago sa isa't isa. And I'm very happyfor her dahil masaya siya ngayon at talagang moving forward siya, and she has alot of goals. I'm here to support her."

Hindi naman itinanggi ni Richard na naging shoulder to cryon talaga siya ni Heart during her breakup with ex-boyfriend JerichoRosales.

"Well, nandoon kasi ako noong time na kailangan niya ngkaibigan. Kailangan niya ng taong makikinig sa kanya, ako yung taong yun.Pinakinggan ko siya. Noong time na yun, sinabi ko lang sa kanya na kung ano angnagpapasaya sa kanya, yun ang importante. Sinabi ko rin naman sa kanya na mag-focus muna siya sa work kasi, ‘etonga, binigyan siya ng GMA ng another chance. So sabi ko, focus muna siya."

Kahit marami na raw siyang primetime series na ginawa,naniniwala si Richard na napakalaki ng kaibahan ng Codename: Asero.

"Well, every time naman na gumagawa ako ng soap, I try toadvance myself. I try to become better with my craft. Siguro as I mature also,nagma-mature rin ang character na pino-portray ko. And this time talaga,tinutukan ko. I was part of the team. So masaya ko dahil binigyan ako ngopportunity na ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TORN BETWEEN TWO LEADING LADIES. Aminado naman si Richard na mahirap talaga ang kalagayanniya ngayon na may magkaiba siyang leading ladies; isang pang-telebisyon atisang pang-pelikula. Kung si Heart ang ka-partner niya sa TV, si KC Concepcionnaman sa pelikula.

"Actually, mahirap!" natatawang sabi ng bagong endorser ngForever Flawless. "Kasi yun nga, magte-taping ako ‘tapos magsu-shooting.Siyempre, mahirap lang."

Although, biro niya, hindi pa naman daw umaabot sa level nanapagpapalit niya ang pangalan ng dalawang leading ladies niya kapag tinatawagniya.

"Pero alam n'yo, ngayon kasi, I'm just very happy that Ihave a lot of projects that are given to me. Kahit na mahirap yung trabaho,masaya pa rin ako. Kasi yun nga, marami akong nami-meet na mga tao.

"Ngayon, I'm working with Star Cinema. So, nami-meet ko rinyung team nila and how they make movies. So, I'm meeting a lot of things and I'mvery happy. Right now talaga, ang focus ko sa work ko."

But when asked kung ano ang kaibahan ng closeness niya kayKC at kay Heart, natatawa niyang sinabi na, "Pagkatapos ng Greece, doon kosiguro masasagot kung ano ang difference. So, abangan n'yo na lang."

Richard believes na iba na naman daw kasi ang mgafans ngayon.

"Ngayon kasi ang mga fans, kapag nire-report sa akin, yungmga fans mo nakakaintindi. Naiintindihan nila. Open-minded na ngayon ang mgafans. May ibang fan base si Heart at may ibang fan base si KC."

Excited na raw siya sa pagpuntang Greece. Incidentally,kasabay ng pilot day ng Codename: Asero ang pag-alis nina Richard at KCpapuntang Greece para mag-shooting ng For The First Time. Ayon kay Richard, dream destination nilang dalawa ni KC ang Greece.

"Si KC kasi, hindi pa siya nakakapunta doon. Nalibot na niyaang buong Europe, pero ang Greece, hindi pa. Ang sarap kasama ni KC at saka angbait niya. Lahat ng tao, talagang masaya sa set. Pati si Direk Joyce Bernal,masayang kasama," lahad ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento rin ni Richard, pareho na raw nakadalaw ang mga inanila ni KC na sina Annabelle Rama at Sharon Cuneta sa shooting nila. Peroitinanggi ni Richard ang balitang kinausap silang masinsinan ni Sharon.

"Hindi naman," sabi ni Richard. "Nandoon kami sa set,nag-uusap kami. Dumalaw siya, may dalang pagkain. Nakipag-bonding sa aminglahat. Ganoon lang, normal na bisita lang. Tumigil muna ng konti sa shoot,bonding muna lahat. Wala naman kaming maitatago and nothing to hide naman kunganuman ang napagkuwentuhan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN