Q.C. RTC grants Aiko Melendez PPO against ex-hubby Martin Jickain

"Happy ako. I don'twanna hurt anybody, e. It's just that yung ipinayl namin talaga, permanentprotection order for the safety lang ng sarili ko at pagkababae ko.Nagpapasalamat ako," says actress-politician Aiko Melendez about the Permanent Protection Order that the Q.C. Regional Trial Court granted in her favor.



May bagong pasabogang actress-politician na si Aiko Melendez sa The Buzz noong Linggo, July 6. Inihayagni Aiko ang pagpabor ng korte sa kanyang petisyong Permanent Protection Order (PPO)laban sa kanyang asawa na si Martin Jickain. Nakasaad sa PPO na hindi maaaringmakalapit ng isang libong metrong distansya si Martin kay Aiko.

Nakapanayam ng TheBuzz si Aiko sa mismong tanggapan ng Regional Trial Court ng Quezon City noongMiyerkules, July 2.

"Happy ako. I don'twanna hurt anybody, e. It's just that yung ipinayl namin talaga, permanentprotection order for the safety lang ng sarili ko at pagkababae ko.Nagpapasalamat ako," lahad ni Aiko.

Kasabay nito, tuloypa rin ang pag-usad ng pre-trial hearing para naman sa annulment ng kasal niAiko sa asawa.

Ayon sa abugado niAiko na si Atty. Dacsil, "On July 18,we will present Councilor Melendez for petition and the psychiatrist by August.It was already decided na uncontested na ‘yung annulment. Jickain did not present any evidence."

Pero payag naman dawsi Aiko na patuloy na dalawin ni Martin ang kanilang anak na si Marthena.

"Wala siyangmagiging problema sa akin with Marthena. Every Sunday, si Marthena nasa kanya.Dahil pagdating naman sa atensiyon at pagmamahal na mabibigay niya sa anak ko, siyempresino namang ina ang ayaw na mangyari yun?"

Dasal din daw niAiko na maging magkaibigan sila ni Martin.

"Sana dumating din yungpanahon na magiging maayos din ang lahat kagaya ng nangyayari sa amin niJomari."

Sa July 28 ay ise-celebrate ni Marthena ang kanyangsecond birthday. Pero hindi pa rin daw malinaw kung iimbitahan ni Aiko siMartin. Sinubukang hingan ng reaksiyon, pero tumanggi itong magsalita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN