Diether Ocampo excited over Kristine-Jericho love team

"Sabi konga sa kanila pareho, it's about time dahil marami talaga ang nananabik satambalan nilang dalawa. At isa ako sa humahanga sa tambalan nila," says Diether Ocampo about the team-up of ex-flame Kristine Hermosa and Jericho Rosales.



Kitang-kita sa aura ni Diether Ocampo during the pressconference of Iisa Pa Lamang last night, July 9, kung gaano siya kasaya sabagong drama series at sa naging resulta ng kanyang trabaho. Pero kahit sinasabi nasiya ang nagpakita ng kakaibang galing sa pag-arte sa teleseryeng ito kumparasa isa pang leading man ni Claudine Barretto sa serye na si Gabby Concepcion, ayaw itong i-entertain niDiether.

"Well, siguro kasi, yung mga naunang espisodes na napanoodn'yo, nag-e-evolve pa lang at may mga pagbabago pang mangyayari. So medyomaganda lang siguro yung entrada ng character ko kaya ganoon," pahayag niDiether.

On Diether's part, nahihiya raw siya kay Gabby kapag maynagsasabi ng ganoon.

"Ako naman, kung ano lang kasi ang ibigay sa akin natrabaho, sinisiguro ko palagi na magagampanan ko nang tama. At malaking hamonsa akin lalo na kung ang makakaeksena mo ay ang mga batikang artista nahinahangaan ko rin. So malaking pasasalamat ko talaga na nabigyan ako ng chanceng ganito kalaking proyekto."

Pinaninindigan na talaga ni Diether na matagal na silangwalang romantic relationship ni Kristine Hermosa. Pero hindi ikinaila ng aktorna kung may patutungkulan man siya ng katagang "iisa pa lamang," sigurado rawna si Kristine pa rin yun.

Dahil nagiging usap-usapan na ang planong pagtatambal mulinina Kristine at Jericho Rosales, we asked Diether kung ano ang reaction niya sapagbabalik-tambalan ng dalawa.

"Sobra kong excited!" maagap niyang sagot. "Actually, Italked to them both. Nang magkita kami sa Star Magic Ball, we talked about itand... Kasi, nag-uusap naman kami ni Echo palagi.

"Si Kristine rin, nagkakamustahan kung minsan and sabi konga sa kanila pareho, it's about time dahil marami talaga ang nananabik satambalan nilang dalawa. At isa ako sa humahanga sa tambalan nila."

Pupuwede ring mangahulugan na ang pagtatambal nina Kristineat Jericho muli ay maging simula naman ng pagtatapos ng tambalangKristine-Diether. Ano ang masasabi ni Diether dito?

"Hindi natin masasabi," sagot niya. "Siyempre, tulad niyan,hindi naman natin inaasahan na mabibigyan pa sila ulit ng pagkakataon na magkasamasa isang proyekto. Pero hindi ko naman iniisip yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diet confessed na bagamat wala pa naman daw siyangnakikitang kapalit sa buhay niya si Kristine, he said that he has alreadymoved on. On Kristine's part kaya, masasabi rin niyang naka-move on na itodahil open na muling makipagtrabaho kay Echo?

"Ah, hindi ko masasagot ‘yan. Siguro dapat si Kristinena lang ang tanungin natin diyan. Siguro wala namang issue to begin with, so napag-isip-isip siguro nila,bakit hindi, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN