Director Ruel Bayani assures press, Gabby Concepcion has meaty role in "Iisa Pa Lamang"

Ruel Bayani (main photo) is one of the directors of ABS-CBN's new primetime drama series Iisa Pa Lamang, where comebacking actors Gabby Concepcion (inset, top) and Laurice Guillen (inset, bottom) are both part of the stellar cast.



Finally, nabigyan na ng kasagutan ng isa sa mga direktor ngpinakabagong primetime series ng ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, na si Direk RuelBayani ang mga katanungan ng karamihan ng entertainment press na nakapanood ngfirst week ng naturang serye na magpa-pilot na sa Monday, July 14.

Ang katanungan ng halos lahat—ano't tila hindi masyadong nagmamarka ang character ni Gabby Concepcion sa Iisa Pa Lamang. Kung pagbabasehan daw kasi ang mga napanood na eksena sa press preview, puwedengsabihin na ang kuwento ay umiikot lamang sa dalawa pang bida na sina ClaudineBarretto at Diether Ocampo.

Gabby plays the role of Rafael Amadesto. Isang mabait nacharacter at may lihim na pagtingin kay Claudine at tila palaging nagpaparaya sa kanyang mga kaibigan.

Siyempre pa, marami ang nag-aabang sacharacter ni Gabby sa Iisa Pa Lamang, lalo pa nga't isa sa selling point ngserye ay ang comeback ng aktor after 13 years' absence from thelimelight.

Ayon kay Direk Ruel, unang linggo pa lang naman daw angnapanood at tiyak na marami ang magugulat sa pag-usbong ng character ni Gabbytowards the middle and until the end of the series.

"Siyempre po, dahil first week pa lang naman ng serye angnapanood, ang nangyari ay in-establish muna ang character nina Diether Ocampoat Claudine Barretto. Pero hindi naman ito nangangahulugan na si Gabby ayparang support lang sa pagmamahalan ng dalawa. This is a triangle at magugulatkayo sa sobrang laki ng ilulundag ng character ni Gabby.

"Hindi naman po siguro namin ilalagay si Gabby sa characterna yun kung hindi siya importante. Actually, baka hindi nga lang po importantekundi baka pinakaimportanteng elemento ng kuwento. Napakalaki po ng role niGabby rito," paliwanag ng direktor.

Ayon pa kay Direk Ruel, sigurado raw na magugulat ang lahatsa role ng nagbabalik na aktor.

Bukod kay Gabby ay nagbabalik din sa pag-arte angactress-director na si Ms. Laurice Guillen, na for a long time ay hindi tumanggapng acting jobs o kung meron man, very rare lang ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, Direk Laurice told the press na pinakahuling soap operaraw na ginawa ay ang Flordeluna, where she played the stepmother of Janice deBelen.

Bilang direktor tulad niya, hindi raw madali para kay DirekRuel na magdirek ng isang kinikilala at premyadong direktor tulad ni LauriceGuillen. Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Laurice ay Salome, Kasal, Kung Ako'yIiwan Mo, Dahil Mahal Kita, Tanging Yaman, at ang pinakahuli ay SantaSantita.

"Actually, mas mahirap talaga sa part ko," saad ni DirekRuel. "Yung first three years ko sa showbiz, si Direk Laurice ang kasama ko.Parang siya ang nag-train sa akin. Karay-karay niya ako, para akong anak niyana kasama niya.

"So kapag iniisip ko, years later, ang idinidirek ko nahindi lang isang premyadong director pero nanay ko na mahal na mahal ko. Sokapag may scene kami na kukuhanan, bina-block ko na lang sa isip na angidinidirek ko ay nanay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN