Annabelle Rama snaps back at "My Monster Mom" detractors

Annabelle Rama is determined to prove her critics wrong.Addressing the issue raised by her detractors, who claim that her comeback film MyMonster Mom failed to make an impression at the tills, Annabelle retorted,“They have no proof flop ang movie ko!"



Nagbigay ng kanyang pahayag si Annabelle Rama laban sakanyang mga kritiko na nagsasabing flop diumano ang kanyang comeback movie na MyMonster Mom.

Lately kasi ay samu't saring balita at espekulasyon anglumalabas. Merong mga nagsasabi na humataw ang pelikula in terms of viewershipand revenues, samantalang meron ding kampong nagpapahayag na malamya ang nagingperformance ng My Monster Mom at hindi raw nito na-meet ang expectationsng GMA Films at Regal Entertainment na siyang namuhunan sa pelikula.

Sa text message na ipinadala ni Annabelle sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) kahapon, July 8, ay palaban na pinatutsadahan nito angkanyang mga kritiko.

"First of all wala, silang proof na bina-blackmail ko angmga Gozon. Second, they have no proof flop ang movie ko! Dapat umikot sila samga sinehan mula nung Wednesday which is opening day, Thurs, Fri, Sat, Sundahil nagbigay na ang GMA ng figures, tumawag sa akin si Ricky Lo. 25-MWednesday to Monday, which is six days showing.

"Alam ko ‘yang naninira sa akin taga-showbiz. Di nilama-accept na ‘Box-Office Star' ang title—‘yan ang binigay sa akin ng GMA Films.Hindi ako ang nagsabi kundi ang GMA mismo."

Sinabi rin ni Annabelle na maging ang ilang tao ng StarCinema, na siya namang movie outfit ng ABS-CBN, ay aminado na maganda angnaging takbo at kita ng pelikula mula nang magbukas ito noong July 2.

"I went to Star Cinema this a.m. for a meeting with Richardand KC [Concepcion]. Everybody congratulated me. Sabi daw kasi ng Star Cinemabooking, malakas ang movie ko."

HAPPY AND CONTENTED. Matatandaan na sa artikulong inilathalang PEP kahapon ay sinabi ng Program Management Vice President ng GMA Films, si Joey Abacan, na "happy" naman daw ang mga producers sa early turnout ng pelikula sa takilya.

"We're happy naman sa performance ng movie and hindi kaminagsisisi in producing it," pahayag ni Mr. Abacan.

Dahil hawak ng Regal Entertainment ang booking ng MyMonster Mom at kasalukuyan pa itong ipinapalabas nationwide, iminungkahimuna ng network executive sa PEP na dumiretso sa Regal para malaman ang latestrevenue figures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Mr. Abacan, "Hindi naman kasi namin tinitingnan‘yong competition, especially the foreign movies. Ang tinitingnan namin is‘yong gross and performance as compared doon sa mga films that we produced inthe past."

Sinabi naman ni Angel Javier, head of GMA Corp Comm, na sakanyang pagkakaalam ay tumabo ang My Monster Mom ng P25 million sa firstfive days of showing nito.

"Because of time difference in Paris, Mother Lily Monteverdeand Roselle [Monteverde-Deo] haven't verified the figure. If it's a co-prodbetween Regal and GMA-7, it's Regal which releases the figures, given that ithandles booking with cinemas."

Kasalukuyang nasa Paris si Mother Lily at ang anaknitong si Roselle, sa Paris Intlernational Film Festival, kung saan kalahok ang ilang pelikula ng Regal. Pero sinusubukan ng PEP na tawagan si Roselle para kumpirmahinang balita tungkol sa kinita ng MyMonster Mom sa takilya.

GMA FILMS STATEMENT. Upang mabigyang linaw ang issueay nagpadala ng official statement ang GMA Films via e-mail sa PEP kaninangumaga, July 9. Narito ang kanilang pahayag:

"GMA Films is happy with and proud of the successof My Monster Mom, the comeback movie of Ms. Annabelle Rama. In itsfirst 5 days, it grossed over P25M which makes it a box-office hit. It isalso the number two movie nationwide, second only to the Hollywood blockbuster Hancock.

"But what makes the producers of the movie happier is thefact that we could see that the people who watched the movie enjoyed ittremendously. Those who have actually seen it, have been congratulating theproducers and stars.

"The producers went around various theaters in MetroManila during the first week and we were able to see how much laughter ourmovie was able to bring to the audience. This is very fulfilling forus. We are sure that Ms. Annabelle Rama is also very happy that she wasable to bring laughter to the Filipino viewers especially during these hardtimes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is very unfortunate that we have been hearing reportsthat some people have been maliciously trying to spread lies about the moviesaying that it is not a hit probably due to their envy of the success of themovie. This saddens us because we have always believed in being supportiveof the entire Filipino movie industry. It also saddens us because thesepeople disregard the hard work and effort that everyone involved in the movieput in. Our industry is very small. We should all be happy for thesuccess of everyone in it.

"In the end, however, we know that the true testof the success of the movie is the gross receipts it receives and thelevel of enjoyment it is able to bring to its viewers. We encourageeveryone who have not yet watched the movie to watch it and see how muchjoy it can bring to them."

"AT LEAST MAGKA-LEVEL KAMI." Ilang oras mataposnaming matanggap ang official statement ng GMA Films ay muling nagpadala ng textmessage si Annabelle sa PEP. Kumpara sa nauna niyang mensahe kahapon ay halatana medyo humupa na rin kahit konti ang galit ni Annabelle.

"Hate campaign against MyMonster Mom movie," bungad ni Annabelle. "They are claiming Hancockis No. 1, pero ang GMA Films satisfied sa box-office return ng MMM and happy sila sa performance ngmovie. Lahat ng nanood happy and contented. Paglabas nila sa cheeters [theaters], naka-smile sila."

Maging ang Hollywood actor at bida ng Hancock na siWill Smith ay hindi nakaligtas, bagamat humorous naman ang approach niAnnabelle sa parteng ito.

"I'm so proud ang kasabay ng movie ko ay Will Smith, atleast magka-level kami. Sa lahat ng mga naiinggit, di nila ma-accept na Box-Officestar na ang nanay ni Ruffa and Richard. Sori na lang sila at least kumita ang kemback [comeback] movie ko. Maraming salamat toall who supported My Monster Mom movie. Yung hindi pa nanonood, panoorin n'yopara mawala ang problema n'yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN