Helen Gamboa proud of daughter Ciara Sotto's career and independence

"I'm so proud ofCiara because malaki ang naging pagbabago niya talaga. She's been doing thingson her own at hindi na nag-uutos. She's cleaning her own room, fixing herthings sa kuwarto, and she learned how to cook," says Helen Gamboa (right) about daughter Ciara Sotto.



Kung meron mangmasayang-masaya sa mga nangyayaring maganda sa career ni Ciara Sotto, ito ayang kanyang ina na si Helen Gamboa-Sotto.

Present si Helen saalbum launch ni Ciara na If You Love Me under Sony BMG last Wednesday, July 9,sa Teatrino sa Promenade, Greenhills. Tuwang-tuwa nga ang dating singer-actressdahil sa malaking improvement ni Ciara sa kanyang pagiging singer at sa overallpersonality nito.

"I must admit,kinabahan din ako for Ciara kasi hindi natin alam how people will react to hernow dahil matagal siyang nawala. Pero sa nakita kong magandang feedback fromthe press, I know that my daughter will be heading for better things.Nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta kay Ciara because she really workedhard and it is now paying off so beautifully," masayang pahayag ni Helen.

Ikinuwento rin ni Helenang reaksiyon niya nang unang sabihin sa kanya ni Ciara na gusto nitong subukanna magkaroon ng career sa Las Vegas. Gusto man niyang pigilan si Ciara, peronaisip ni Helen na nasa tamang edad na ang anak para maging independent na atpag-isipan ang gusto nito sa kanyang career.

"I had a talk with herwhen she made her decision," lahad ni Helen. "Sabi ko na she will be on herown. Alam ko na hindi siya sanay because she grew up with people around her doing thingsfor her. But she has to grow up and learn everything by herself. Kahit namasakit for me to let her live on her own, tiniis ko ‘yon kasi alam ko na maymagandang mangyayari.

"Sinamahan ko namansiya ng almost a month sa Las Vegas. As a mother, I see to it na maayos angtitirhan niya and I gave her pointers kung paano gawin ito, paano lutuin ‘yan,and all that.

"Iyak ako nang iyakwhen I had to leave her there. Bunso namin si Ciara, e, and it's hard even forher sisters and brother na malayo siya sa amin, kasi nga we are a very closefamily. But we know that it will be for the betterment of her whole being. Yunang pinagdasal ko na Ciara be a new person after all this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURPRISE ARRIVAL. Ginulat nga raw niCiara ang kanyang pamilya nang umuwi ito two days before the arrival date na sinabiniya. Sorpresa raw niya ‘yon sa kanyang mommy na miss na miss na siya.

"Nagulat na lang akonang bigla siyang dumating," sabi ni Helen. "Kasi nga, iba ang date na ibinigay niya. She saidnaman na gusto niya kaming i-surprise talaga. She contacted her friends na silaang sumundo sa kanya sa airport. Masaya kaming lahat because she's home kahitna for just two weeks kasi she has to get back to the U.S. dahil may mgacommitments na siya. Isa dun ay yung show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles. Unangang nasabi ko sa kanya, ‘Anak, ang payat mo!'"

Sa pag-uwi raw niCiara ay napansin ni Helen ang pagiging independent na ng anak. Hindi na rawito nag-uutos sa kanilang mga kasambahay at lahat ay siya mismo ang nag-aasikaso.

"I'm so proud ofCiara because malaki ang naging pagbabago niya talaga. She's been doing thingson her own at hindi na nag-uutos. She's cleaning her own room, fixing herthings sa kuwarto, and she learned how to cook.

"It's a really bigchange kasi hanggang dito nadala niya ang pagiging independent niya.Nagpasalamat nga ako sa Diyos because my daughter has finally learned what'slife is really like. Hindi kami parating nasa tabi niya. Ngayon, kampante naako na kaya na niyang mamuhay mag-isa."

CIARA'S LOVE LIFE. Pagdating naman salove life ni Ciara, hindi rin naman daw nakikialam ang kanyang ina. Kung ano angmaging desisyon ni Ciara sa relasyon nila ng kanyang boyfriend, it's all up toher daw.

Ayon kay Helen, "Eversince naman, hindi kami nakialam sa naging personal na buhay ni Ciara. Bastamahal ni Ciara, mahal naming lahat. Ganyan kami ka-supportive.

"May nagtanong ngasa akin, e. What if maisip ni Ciara na magpakasal na? Sinabi ko na mukhanghindi pa naman, kasi with the way her career is doing now, mukhang matagal pa.Nag-mother-daughter talk kami kelan lang and she told me all her plans sakanyang career. She wants to do this, achieve that, and all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namangnabanggit about getting married. I know na napag-uusapan na rin nila ‘yon[ng boyfriend niya] because Ciara is of age naman to get into that. Pero sa tingin ko, hindi nila ‘yonpriority. Mas tutok si Ciara ngayon sa kanyang career."

BACK IN LAS VEGAS. Sa muling pag-alisni Ciara papuntang Las Vegas ay sasamahan ulit siya ni Helen. Again, bilangisang ina, gusto niyang makitang maayos ang lahat para sa kanyang anak.

"Hindi maiaalis saatin ang mag-worry pa rin kaya I'm going with Ciara back to the U.S. Mga ilangweeks lang siguro just to have her settled again. Marami pa kasi kamingpag-uusapan at masyadong short yung two weeks na itinagal niya rito.

"But when I leaveher, hindi na ako iiyak nang husto because I know my daughter is now takinggood care of herself and she's enjoying her independence. I want her to keepthat up and be the person that she always wanted to be," saad ni Helen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN