Ehra Madrigal defends sexy pictorials in men's magazines

"Kasi yung pagpapa-pictorial,ito'y not necessarily to exploit girls or parang yung mag-pose ka lang nangsexy para magpakita ka, na puro kabastusan lang. Wala ‘yon, as in pictureslang ito, e," says Ehra Madrigal.



Masaya si Ehra Madrigal sa pagkakasali niya sa Codename: Asero, ang itinuturing na kauna-unahang sci-fi romantic series na ginawapara sa primetime TV na magsisimula nang umere sa Monday, July 14, sa GMATelebabad.

Sinabi ni Ehra na mahalaga ang role niya sa seryeng ito, napinagbibidahan ni Richard Gutierrez, at natutuwa siyang muling makasama ang anak ng manager ni Ehra na si Annabelle Rama.

"Ako si Dayze Tagimoro rito, ako bale ay half-Japanese ritona isang doctor na bio-mechanical engineer. Importante yung role ko dahiltechnical handler ako rito ni Asero. Kasi, di ba, eventually ay magigingparang half-human, half-robot siya? Kaya ako yung nag-operate sakanya para maging half-robot siya [Richard]," paliwanag ni Ehra sa PEP(Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Codename: Asero naginanap last night, July 9, sa AFPTheater.

Sinabi rin ni Ehra kung bakit siya proud na mapabilang sacast ng Codename: Asero.

"Actually, hindi ko alam na part ako nito. Kasi whilefinishing Kamandag, siyempre naririnig mo na rin na pinag-uusapan nila yungAsero, ganyan-ganyan, at naririnig mo kung sino yung nasa cast. After afew days, tumawag sa akin si Tita Annabelle, yung manager ko, at sinabingkasama nga raw ako rito.

"So sabi ko ay ‘Wow!' Super okay ‘yon at happy talagaako. Kasi I'll be working with Richard again and sobrang komportable naako working with him e. Pang-ilan na kasi namin ito—from Lupin, Kamandag,and this one.'Tapos working with Direk Mark Reyes and Mike Tuviera ay sobrangokay talaga. Then, ang laki-laki pa ng cast, talagang bongga ito, as inmalaki talaga at ginastusan ang Asero. Kaya sobrang overwhelmingand I'm really proud na kasama ako rito," nakangiting wika ng young sexyactress.

Sa Lupin ay nagpa-sexy siya, dito ba sa Aseroay muli siyang magpapakita ng magandang hugis niyang katawan?

"Actually, mula nang nag-Lupin ako, parang hindi nahumiwalay sa akin na kailangang magpa-sexy ako lagi. Not necessarily nakailangang may makikita talaga, pero kadalasan, yung karakter ko ay medyo nag-e-exudepa rin ng sexiness. Like sexy ang mga outfit, ganyan. Pero hindi na katuladdito compared sa Lupin, dahil mga magnanakaw kami, e. So dito,seksing doctor lang siguro, yung tipong may hint ng sexiness lang na hinditalaga kailangan yung maging tulad ng sa Lupin na seksing-seksitalaga. Dahil doon sa Lupin, parang every week yata ay naka-twopiece kami doon, di ba?" nakatawang saad pa ng itinanghal na 6thSexiest Woman ng FHM para sa taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"OBSCENE & PORNOGRAPHIC." Kinuha rin ng PEP ang pananaw ni Ehra sa demanda ni RepresentativeBenny Abante ng 6th District of Manila sa ilang tabloids at men'smagazines, kabilang na ang FHM, dahil sa pagiging "obscene at pornographic"daw ng mga ito.

"For me, yung mga lumalabas sa FHM at iba pang men'smagazine sa Philippines, hindi mo siya mako-consider as bastos. Like, kasi‘yong iba, ang iniisip lang nila bastos na agad kapag naghubad or mayroong sexypictures. But if you compare ‘yong magazines natin sa magazines sa abroad,kahit sa movies na lang, ang daming bawal, hindi ba? I-compare mo yung ditosa atin, malaswa na talaga or grabe talaga yung makikita o ‘yong ginagawa doonoutside ng bansa natin, e."

Nag-suggest pa si Ehra na hindi na dapat pagtuunan ng pansinng mga mambabatas ang mga petty issue na tulad nito, lalo't napakaramingseryosong problema ng bayan na hindi nabibigyan ng pansin.

"Kaya para sa akin," ani Ehra, "I don't think na dapatmag-dwell diyan yung mga mambabatas natin, if ever na gusto nilang ipagtanggal ‘yongmga magazine. Kasi parang ang dami pang ibang issues na mas kailangangpagtuunan ng pansin, e.

"Instead of this, parang yung mas seryosong issues sana angasikasuhin nila. Kasi kumbaga...yung ano bang tawag doon? Adboard yata yun?Mas strict din naman sila, e. At saka para sa akin talaga, wala naman akongnakikitang masama doon. And never naman akong sobrang nag-all out, at sakasobrang alaga naman kasi kami kapag pictorials, e.

"At saka feeling ko, mas advanced na talaga ngayon angpanahon, yung tipong even kids ay alam na rin naman nila ang mga ganyan.Actually, mas okay nga dahil parang it's a guide para malaman ng mga tao kungano ‘yong mga dapat gawin or something," pahayag niya.

Pero nakaramdam ba siya na nabastos or na-exploit sa mgaganitong klase ng pictorials?

"Definitely not," sagot niya. "Kasi yung pagpapa-pictorial,ito'y not necessarily to exploit girls or parang yung mag-pose ka lang nangsexy para magpakita ka, na puro kabastusan lang. Wala ‘yon, as in pictureslang ito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And kung mapapansin ninyo, hindi ba before mas maramingbold movies? Ngayon nga, kung mapapansin ninyo, karamihan ng nagpo-posenang sexy sa mga magazine ay mga model, young stars, yung mga child starbefore. So dito pa lang, makikita na natin na hindi na talaga itosuper-sexy or yung all-out talaga. So I think, wala naman talagang masamadoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN