Diana Zubiri to auction her bathing suits on FHM and PEP

"Magaganda ang mgabathing suits ko. Yung iba, galing pa sa U.S. na pinapabili ko sa mga kaibiganko. May bikini, one-piece at iba't ibang kulay. Kung gusto nila, pipirmahan kopa ang mga ‘yon bago nila mabili," says FHM cover girl Diana Zubiri.



Kabilang ang July2008 cover girl na si Diana Zubiri sa magpa-participate sa onlineauction ng FHM magazine. Bago tumungo sa autograph signing si Diana saRobinson's Galleria last July 9, naikuwento nito saopisina ng Summit sa Pioneer na mga sexy bathing suits ang ipapa-auction niya sa FHM.

"Yun kasi ang naisipko na magandang ipa-auction sa mga mahihilig sa ganyan," nakangiting sabi niDiana sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Marami kasi akong bathingsuits na hindi ko na masyadong nasusuot. So yung mga hindi ko na masyadongnagagamit, yun ang makikita nila sa online auction ng FHM.

"Magaganda ang mgabathing suits ko. Yung iba, galing pa sa U.S. na pinapabili ko sa mga kaibiganko. May bikini, one-piece at iba't ibang kulay. Kung gusto nila, pipirmahan kopa ang mga ‘yon bago nila mabili."

Bukod sa onlineauction ng FHM ay nagpaunlak din si Diana para naman sa auction ng PEP samismong event ng FHM's Sexiest Women sa July 17 sa World Trade Center. Isa ringbikini ang ibinigay niya sa PEP. Maaaring mag-bid ang mga pupunta saevent sa personal items mula sa Top 5 Philippine's Finest na kinabibilangan ninaMarian Rivera, Katrina Halili, Angel Locsin, Ehra Madrigal, at si Diana nga.

Biniro namin si Dianakung isasama ba niya ang iniiwan niyang bathing suit sa bahay ng co-star niyasa Gaano Kadalas ang Minsan na si Marvin Agustin.

"Oo naman!" sabaytawa niya. "Masyado nang kontrobersiyal ang bathing suit na ‘yon kaya isasamako ‘yon sa auction. Dapat malaki ang pag-bid nila sa bathing suit na ‘yon kasiilang beses nang naisulat iyon."

Pero paano kung siMarvin ang mag-bid nang mataas para sa bathing suit na ‘yon? Okey lang ba sakanya?

"Why not? Kung feelba niyang itago ang bathing suit ko, di ba?" tawa niya ulit. "Dapat mas malakiang pag-bid niya. Huwag siyang magkuripot this time kung gusto niyang mapasakanyaang bathing suit na ‘yon."

Kakauwi lang ni Marvinmula sa U.S. dahil nag-show ito roon kasama si Katrina Halili to promote GMAPinoy TV. Tinanong ng PEP si Diana kung may pasalubong ba si Marvin sa kanya.Sagot ni Diana ay meron daw pero wala pa raw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron daw siyangibibigay sa akin, pero hindi pa raw nakakarating kasi nasa balikbayan box pa,"ngiti ni Diana. "Ewan ko kung totoo yung sinabi niyang ‘yon pero mukhangserious naman siya.

"In fairness, noongmanggaling siya ng Rome, rosary na binendisyunan ng Pope ang pasalubong niya saakin. Hindi lang naman ako ang binigyan niya kundi yung iba pang mga kaibigannamin. Feeling yata ni Marvin, religious ako kaya rosary ang ibinigay niya."

Sinabi rin ni Diana na happy siya na mulingmagsasama nina Marvin at Jolina Magdangal sa isang show sa GMA-7 titled DearFriend. Ikinuwento nga raw ni Marvin ito sa kanya at aabangan daw ito ng sexyactress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN