Matt Evans considers "Iisa Pa Lamang" his biggest break

"Kakaibang Matt po talaga ang makikita n'yo rito," sambit niMatt. "Kasi yung character ko po rito, mayabang na makulit. Pero deep inside,defense mechanism ko lang po yun. Kasi nagre-rebelde ako sa pamilya namin," describes Matt Evans about his character in Iisa Pa Lamang.


Sa mga sanay makita si Matt Evans sa kanyang curly and bighair, maninibago talaga with his short and clean-cut hair. Pero halos lahat naman ng mga nakakakita sa kanya ay nagsasabing mas bagay sa kanya angbago niyang hairstyle.

Pagdating naman sa kanyang career ay masasabing masuwertesila ng katambal niyang si Melissa Ricks dahil nagdidire-diretso ang mgaprojects na ginagawa nila. In fact, maganda rin ang respective roles nila samagpa-pilot na teleserye ng ABS-CBN sa Monday, July 14, ang Iisa Pa Lamang.

Matt plays the role of Toby Torralba, bilang bunsong kapatidni Gabby Concepcion, at si Melissa naman bilang Sophia Castillejos, bunsongkapatid ni Diether Ocampo.

"Kakaibang Matt po talaga ang makikita n'yo rito," sambit niMatt. "Kasi yung character ko po rito, mayabang na makulit. Pero deep inside,defense mechanism ko lang po yun. Kasi nagre-rebelde ako sa pamilya namin.

"Basta kakaibang Matt ang makikita n'yo rito, ewan ko ngalang po sa boses! Ang hirap po kasing i-modulate, e!" natatawa niyang biro.

Bagamat nakapagbida na siya sa Pedro Penduko, itinuring niMatt na pinakamalaking project niya ang Iisa Pa Lamang. Unang-una raw kasi, ditosiya nabigyan ng chance to work with big actors and actresses.

"Sobrang proud! Nagpapasalamat po ako unang-una kay Lord. Biggest break po talaga, grabe po, biggest break po talaga ‘to. ‘Eto po talaga,sobrang marami po akong matutunan dito."

GABBY'S ONSCREEN BROTHER. Dahil kapatid ni Gabby ang role niya sa Iisa Pa Lamang, mostof his scenes ay kasama niya ang comebacking actor.

Ayon kay Matt, "On and off screen, sobrang kuyang-kuya angdating! Ang galing na actor. Palaging ang aga po sa set. Never po na nale-latetalaga. Napaka-professional po.

"Noong una pong eksena namin, actually nanginginig ako. Paraakong tipong... Alam n'yo yung para akong batang-bata sa kanilang lahat sataping. Actually, noong malaman ko po na makakasama ko si Gabby, medyo natensiyonna ako, kaya nagpapasok ako ng workshop."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LAUNCHING MOVIE. Sa ngayon, wala pa raw siyang nababalitaan kung mailo-launchdin sa pelikula ang love team nila ni Melissa ‘tulad noong kina Gerald Andersonat Kim Chiu. Sa ngayon daw kasi, naka-concentrate pa sila sa Iisa Pa Lamangdahil mahaba pa ang itatakbo ng serye nila.

Bukod kay Melissa, sino pang ibang Kapamilya stars angnakikitaan niya na posibleng may chemistry siya?

"Siguro po si Maja [Salvador], kasi 'kapatid' talaga ang tawagko sa kanya," sabi ni Matt. Pero natawa ang young actor nang may magsabi naparang incest naman ang description niya.

Para kay Matt, si Melissa raw ang pinaka-best friend niya salahat.

"Marami akong close friends, pero, di ba nga po, isa langang best friend? Si Mel po yun," paglalarawan ni Matt sa closeness nila niMelissa.

SHE'S NOT THE CAUSE. Itinanggi rin ni Matt ang mga naglabasang balita na siMelissa ang cause ng breakup nila ni Olyn Meimban.

"Wala pong kinalaman si Melissa," diin niya. "Although, siyapo ang kasama ko araw-araw. Magka-text kami every day, pero hindi po talagasiya ang cause ng breakup namin."

Kung hindi si Melissa ang reason, may lumalabas na tipongcareer move on his part kung bakit sila nag-break ni Olyn. Totoo ba ito?

"Ang hirap din po kasi kapag halos wala na rin time.Siyempre, mas ang focus po yung work. Pero nagte-text pa rin naman po kami.Okey naman po kami, kasi maayos naman po ang breakup namin.

"Trabaho po talaga. Unang-una, siya rin po, nahihirapan dinpo siya dahil sa trabaho niya, ‘tapos nag-aaral pa po siya at SK Chairman dinpo siya ng barangay nila," lahad ni Matt.

Kung si Matt ang tatanungin, masasabi niyang mas enjoy siyangayon sa pagiging single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Sa totoo lang po, ang saya! Mas okey. Kumbaga, masfocused ako sa trabaho ko ngayon," pagtatapos ng young actor na nadiskubrebilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN