Ciara Ann Sotto ignores men in U.S. because of her boyfriend

"Wala akong balak na makipag-date pa sa iba.Kuntento na ako sa kung ano meron ako ngayon. ‘Tsaka the guy has been sofaithful to me for so many years now. Kaya gano'n din ako. Kaya dedma ako samga lalake kahit na sobrang guwapo pa sila!" says Ciara Anna Sotto.



Latina ang beauty naipinu-project ni Ciara Anna Sotto sa kanyang album na If You Love Me, naproduced ng Sony BMG. Sa album launch nga ay tumambad sa press ang mga kuha niCiara na mala-Jennifer Lopez at Jessica Alba ang dating.

Ayon kay Ciara, walanaman daw silang naging konsepto ng kanyang photographer na isang Brazilian.Basta raw gusto nito na ilabas ang personality niya at yun daw ang na-captureng bawat kuha sa kanya.

"Actually,napagkakamalan talaga akong Latina sa States," kuwento ni Ciara sa PEP(Philippine Entertainment Portal). "Minsan kinakausap ako in Spanish. Sinasagotko na ‘No habla Español' [I don't speak Spanish]. Ilang beses nanangyari ‘yon at siguro nga, they think na I'm Latina.

"But I always saynaman na I'm a Filipino at nagugulat sila. I'm proud of being who I am andwhere I came from. Kung may mangyaring maganda man sa akin sa U.S., I willalways claim na Pinoy ako."

Tinanong din ng PEPsi Ciara kung may mga nagtangkang manligaw sa kanya sa Las Vegas, kung saan siya based for the last one and a half years, dahil exoticang kanyang beauty at malaki ang isineksi ng katawan niya kumpara noon.

"Naku, hindi uso angligawan sa Amerika, di ba? May mga nakikilala naman akong guys, but I amwith my friends doon. Nakikipagkilala sila talaga, pero wala namang nagingserious na manghingi ng date. Siguro nga nararamdaman nila na hindi naman akointeresado.

"'Tsaka everyoneknows na I'm in a relationship [Jerry Oconer]. Wala akong balak na makipag-date pa sa iba.Kuntento na ako sa kung ano meron ako ngayon. ‘Tsaka the guy has been sofaithful to me for so many years now. Kaya gano'n din ako. Kaya dedma ako samga lalake kahit na sobrang guwapo pa sila!" natatawa niyang sabi.

Hindi rin maiwasanna matanong si Ciara tungkol pa rin kay John Lloyd Cruz na ex-boyfriend niya. Sabini Ciara, tama na raw ang tungkol kay John Lloyd dahil lumang issue na ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gustuhin ko man nahuwag nang sagutin, baka may masabi na naman sila. Pero ang masasabi ko langtalaga is, that's an old issue. Tapos na ‘yan years ago pa. He's in a relationshipnow at gano'n din ako.

"I can't say na ingoods terms kami ni John Lloyd because matagal ko na siyang hindi nakikita ornakakausap. ‘Tapos may movie pala siya ngayon, so baka sabihin na nakiki-rideon ako. So tama na ang tungkol sa kanya."

May nagtanong din kay Ciara kung kilala nito anggirlfriend ngayon ni John Lloyd na si Liz Uy. Sagot ni Ciara ay kilala raw niyaang dalaga dahil best friend daw ito ng kanyang pinsan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN