Annabelle Rama says her sex life was affected by her comeback film

"Nakakasira yun sa utak mo ha! Kasinagme-memorize ka ng script, meron pang dyug? Mahirap talaga!" says Annabelle Rama unabashedly about sacrificing her sex life while doing My Monster Mom.


Walang humpay na tawanan ang nangyari sa victory party ng MyMonster Mom last Thursday night, July 10, sa Imperial Palace Suites. Aliw naaliw ang entertainment press, pati na ang cast at producers ng naturang pelikula,dahil sa mga hirit ni Annabelle Rama. Si Annabelle ang bida ng My Monster Momkasama ang kanyang nag-iisang anak na babae na si Ruffa Gutierrez.

Ikinuwento kasi ni Annabelle na habang ginagawa niya ang MyMonster Mom ay katakut-takot na hirap ang dinanas niya kaya naman sobrangfocused siya rito. Pati raw ang sex life nila ng mister niyang si EddieGutierrez ay naapektuhan. Walang patumangga niyang sinabi na hindi silanagtalik ni Eddie habang ginagawa niya ang pelikula.

"Kasi pag-uwi ko ng bahay, pagod na pagod na ako. Sabi ko,‘Sweetheart, pasensiya ka muna, kaya hindi muna ako nag-Circulan [ini-endorse niyang food supplement].' Kasipampalibog yung Circulan na ‘yon, e! Hindi ko kaya talaga, ‘tapos mae-L pa akokasi pagod na pagod talaga ako!" dire-diretsong kuwento ni Annabelle naikinatawa ng lahat.

Hirit pa niya, "Nakakasira yun sa utak mo ha! Kasinagme-memorize ka ng script, meron pang dyug? Mahirap talaga!" Tawanan na namanang lahat.

Dahil nagkaroon ng victory party ang My Monster Mom para saentertainment press, may nagtanong kay Annabelle kung may "victory party" rinsila ni Eddie.

"The other day lang," pilyang sagot ni Annabelle.

Bagamat tapos na ang movie at naging maganda naman angresulta nito sa takilya, hindi pa rin buo ang kasiyahan ni Annabelle. May mgananinira kasi diumano sa kanya na hindi totoong kumita ang My Monster Mom.

Ayon kay Annabelle, "Ngayon nga, nalungkot na naman ako.Sabi ni Eduardo [Eddie], ‘Akala ko tapos na ang lungkot mo kasi tapos na ang movie mo?'‘Hindi pa tapos kasi may naninira sa akin, e,' sabi ko sa kanya. Hindi akonaapektuhan, pero talagang... Iniisip ko rin kung sino yung naninira na ‘yon.Tini-trace-trace ko yung mga pangalan. Sabi niya, ‘Huwag mo nang intindihan.Basta nagbunga ang isang puno, talagang binabato para mabagsak.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECOND COMING. At 55 years old at 35 years na hindi gumawa ng pelikula,masasabing suwerte si Annabelle sa kanyang pagbabalik-pelikula. Bukod pa ritoang kaliwa't kanang endorsements na nakukuha niya.

Ano kaya sa tingin ni Annabelle ang dahilan sa tinatamasaniyang tagumpay ngayon?

"Alam mo, hindi ko talaga alam," sagot niya. "Parang milagroyung nangyari sa akin, e. Kasi sa kakadasal ko araw-araw, sa awa ng Diyos... Angidinadasal ko tulungan yung mga anak ko, mga talent ko, maging successful. Akonaman ang binigyan ng regalo ng Diyos kaya tinatanggap ko. Sabi nga sa akin niEddie, ‘Huwag kang tanggi nang tanggi kapag may offer ka. Kasi minsan langkakatok yung suwerte.'

"Sabi ko, dapat pala noon pa ako tumanggap ng offer. Kasinung maliit pa sila Kambal [Richard and Raymond], ako [dapat] ang maging nanaynila sa Kambal sa Paglaki, yung Nestle Twin [commercial]. Tinanggihan ko ‘yon,si Eddie ang ipinasa ko. Yung show ng GMA na Lagot Ka, Isusumbong Kita, akodapat dun. Tinanggihan ko rin, ginawa na lang si Pilita [Corrales].

"Ang dami ko talagang tinanggihan pati yung... Bago mamatay siFPJ, nung dalaga pa ako, kinuha rin akong leading lady niya, tinanggihan ko rinyun. Kasi unang-una, mahina ako sa Tagalog; Bisaya okay lang sa akin.Pangalawa, hindi ko talaga kaya umiyak. Pero this time, sabi sa akin ni Direk[Joey Reyes, director of My Monster Mom], ‘Sa next movie mo, Tita, kailanganiiyak ka.' Talagang iiyak na ako at saka sasayaw-sayaw na rin ako," pangako niAnnabelle.

FOLLOW-UP MOVIES. Ibinalita rin ni Annabelle na dahil sa success ng My MonsterMom ay pumirma na siya ng two movies para sa Regal Entertainment.

"Kakapirma ko lang sa Regal ng two exclusive movies. Anggusto nga ni Mother, isa kay [Manny] Pacquiao, isa kay Eddie. Gusto niya saValentine's day. E, papaano na ang KC-Richard, Mother?" nakangiting tanong niAnnabelle sa Regal producer na si Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ng Gutierrez matriarch ang pelikula ng anak niyana si Richard kasama si KC Concepcion para sa GMA Films dahil may Valentine playdatedin ito.

Ano ang gusto ni Annabelle na unahin, ang pelikula niya withManny o yung kay Eddie?

"Mas type ko muna si Eduardo," mabilis na sagot niAnnabelle. "Kasi napapansin ko lahat ng fans, lahat ng mga nag-text, lahat ngmga kausap ko sa palengke at kung saan-saan, puro si Eddie ang tinatanong saakin."

Tatapatan ba talaga ng Annabelle-Eddie ang Richard-KC?

"Huwag naman, grabe ka naman!" tawa niya. "Sabi kasisa akin ni Mother, ‘Ano Bisaya, Valentine movie na lang tayo?' ‘Okay Mother.Pero papaano ang KC-Richard, Mother?'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN