Diether Ocampo clarifies rumor linking him to Brazilian model Marianna del Rio

"After very serious relationship ko withher [Kristine Hermosa], parang almost three and a half years, e. Parang nawalan ako ng panahon sasarili ko, e. So ngayon ko pa lang actually nae-enjoy yung pagiging, you know,single ko ulit. Nagagawa ko ulit yung mga bagay na hindi ko nagagawa kapagmeron akong karelasyon," says Diether Ocampo.


Pagkatapos mabalita na may ka-date na isang socialite siDiether Ocampo, inili-link naman siya ngayon sa Bazilian model at sinasabingisa sa mga dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Cesar Montano at SunshineCruz na si Marianna del Rio. May nakakita raw kasi na sobrang malapit na silasa isa't isa.

"Hindi ko naman masasabi na ganun kami, wala," tanggi niDiether. "Kasi ngayon lang kami nagkakilala and that's the only time I talkedto her, and parang wala na. After nung may nakakita sa amin, wala na."

Ayon sa ilang sources, pinu-pursue na raw ni Diether siMarianna.

"Hindi," tanggi niya ulit. "Kung pinu-pursue ko, makikitaninyo na magkasama kami ulit together. Hindi, hindi. Taliwas yun sasinasabi ninyo. Doon lang kami nagkita sa Star Magic Ball at hindi na ulinasundan yun. Wala akong ka-date."

Pero may nagsasabi na madalas daw silang mag-hang out niMarianna.

"Oo, I could say that. Pero hindi naman kaming dalawa lang.Grupo lagi. Pero I was hoping na darating din yun. Kasi minsan natatakot na akona baka tumandang binata na ako, di ba? Hindi, pero siyempre umaasam-asam parin ako na sana merong dumating at makilala ko talaga na karapat-dapat."

Meron din daw nakakita na ang ka-date naman ni Diether ay isangfashion model.

"Hindi totoo na may ganun dahil unang-una, wala paakong nakaka-date. Kung gugustuhin ko, puwede, anytime puwede. Pero ngayon kasi,hindi pa ako handa. Pero usually, we hang out."

What about his ex-girlfriend na si Kristine Hermosa?Nakakapag-usap pa rin ba sila?

"Hindi, dahil kasi after very serious relationship ko withher, parang almost three and a half years, e. Parang nawalan ako ng panahon sasarili ko, e. So ngayon ko pa lang actually nae-enjoy yung pagiging, you know,single ko ulit. Nagagawa ko ulit yung mga bagay na hindi ko nagagawa kapagmeron akong karelasyon."

BIRTHDAY BOY. This month ay ise-celebrate ni Diether ang kanyang birthday.May plano na ba siya para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto nga, isang gusto kong ano, e, gusto ko ulit magkaroonng birthday blowout with the press. It's been a long time na nawala tayo sa...Kasama talaga sa plano ko ‘yan kasi matagal na rin akong hindinakakapag-bonding. Para isa na ring paraan ko na mapabatid sa inyo angpasasalamat ko, di ba? Sa maraming taon na sinuportahan ninyo ako. ‘Tapos mayisa pa ako ano, charity event for my birthday sa aking KIDS Foundation."

Wala ba siyang birthday date with Marianna?

"Wala," diretsong sagot ni Diet.


Anong klaseng charity work naman ang gagawin niya on his birthday?

"Yung charity, may gagawin kami sa PhilippineOrthopedic Center, sa cancer ward."

BENCH BLACKOUT. Isa si Diether sa mga rarampa sa nalalapit na Bench Blackoutdenim and underwear fashion show sa Araneta Coliseum on July 25. Naghahanda naba siya for the event?

"Oo, nagpre-prepare na ako, abangan n'yo ‘yan.

"Sabi nga ni best friend Claudine [Barretto], ‘Kung alam lang ng mga tao, mayasim ka pa.' Kaya doon natin mapapatunayan kung meron pa!" natatawa niyangsabi.

Magsusuot ba siya ng underwear sa fashion show?

"Hindi ko alam ang isususot ko dahil doon pa lang malalamansa actual show," sagot niya. "Tingnan natin kailangan siyempre sorpesahin konaman kayo, di ba? Pero ngayon palang nagpapasalamat talaga ako sa pagsalubongninyo. Hayaan ninyo sa birthday blowout ko, naka-brief lang ako!"

Magpapakabog ba siya kay Dingdong Dantes sa show?

"Kayo ang makakasagot niyan batay sa inyong napanood sa fulltrailer ng Iisa Pa Lamang."

Balita na todo ang ginagawang preparasyon ni Dingdong parasa fashion show.

"Dapat silang mag-prepare!" sabay tawa ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN