Aiko Melendez still wants Martin Jickain to regularly visit their daughter despite PPO

"Yungvisitation rights naman niya with Marthena, hindi ko pinaapektuhan becauseayokong mawalan siya ng time. Gusto ko nga, mas more time ang maibigay niya kayMarthena," says Aiko Melendez about estranged husband Martin Jickain after the court granted her request for Permanent Protection Order (PPO).



Ipinalabas sa Startalk kahapon, July 12, ang ilang bahagi ngpanayam ni Ricky Lo sa actress-politician na si Aiko Melendez para sa The RickyLo Exclusives kaugnay ng pagpanig ng korte tungkol sa Permanent Protection Order (PPO) na hiningi ni Aiko laban sa kanyang estranged husband na si MartinJickain.

"Yung PPO, it's a Permanent Protection Order," paliwanag niAiko. "May naka-sign po ro'n na rights po na dapat sundin ni Martin withregards sa kung ilang meters lang po siya puwedeng lumapit sa akin. Onethousand meters away po dapat sa akin."

Dahil dito, naitanong ni Ricky kung may fear ba si Aiko na mayharm na puwedeng i-inflict ang ikalawang lalaking pinakasalan niya sa kanya?

"Before po kasi, yung nangyari sa amin, sobrang magulo whichI don't want to elaborate anymore because we have both moved on. And I'd liketo believe that I'm in a better position now. And I'd like to wish him well, diba, dahil tatay pa rin naman siya ng anak ko.

"Doon naman po sa gusto kong ipaliwanag din sa PPO, yungvisitation rights naman niya with Marthena, hindi ko pinaapektuhan becauseayokong mawalan siya ng time. Gusto ko nga, mas more time ang maibigay niya kayMarthena," pahayag ni Aiko.

Pagkatapos nga raw mai-grant kay Aiko ang PPO, ang susunodnaman niyang pagtutuunan ng pansin ay ang annulment ng kanyang kasal kayMartin.

Sa kabila ng mga nangyari sa kanila ni Martin, may nais pa rin daw iparatingna mensahe si Aiko sa kanyang dating asawa.

"Despite all the bad things na nangyari sa amin, that weended up this way, salamat pa rin sa kanya. Dahil sa kanya, nagkaroon ako ngisang munting anghel na si Marthena."

AIKO IS IN LOVE AGAIN. Aminado rin si Aiko na masaya siya ngayon sa bagong love life,sa katauhan ng Vice Mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

"I'm content with everything. Not just with... Okay, let's putit this way... Tinitingnan n'yo na naman ako sa mata and it's so hard to lie withMr. Ricky Lo who happens to be my ninong also, so I guess masaya ako," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit naman ni Ricky, wala ka bang message kay "P"?

"Baka sabihin nila kung sino si P, sige na nga, ikaw na ngaang magbanggit ninong!" tawa ni Aiko.

"Si Patrick...friend ni Aiko," sabi naman ni Ricky.

"Salamat sa kanya. Kasi mula sa umpisa ng problema kohanggang sa matapos, hanggang sa ngayon, nandiyan pa rin siya," pagtatapos niAiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN