Kris Aquino defends husband James Yap on PBA on-court altercation

"Personally, asa wife, nahe-hurt ang feelings ko kasi nagpapaka-humble ang asawa ko. Rightaway, nagso-sorry. Alam ko parang isip-bata ang sasabihin ko na bakit nungsiya, sinuspend ninyo agad nung finals" says Kris Aquino about husband James Yap.



Laman ulit ng kontrobersiya ang mag-asawang Kris Aquino atJames Yap. This time, si James ang sangkot sa isang insidente sa PhilippineBasketball Association (PBA) sa paninipa niya sa Talk ‘N Text import na si TerrenceLeather last Wednesday, July 9.

Kuwento ni James sa Entertainment Live, "Nung nakitako na natamaan talaga si Jondan [Salvador]sa mukha, talagang tao lang naman ako, e. So after ng sinipa ko siya [Leather], nakita kona may pasugod na dalawa. Umatras muna ako para tingnan ko muna kung sino yungsasapak sa akin. E, nung nakita ko si Ali Peek na pasugod doon kaya tumakbo naako papunta sa teammates ko dahil ang lalaki, e! Hindi mo kayang ikaw na mag-isalang. Kailangan involved ang teammates ko."

Sa kinasangkutan ni James, todo-suporta naman sa labanniya ang kanyang asawang si Kris.

Ani Kris, "Can you just imagine kung nandun ako,? Teka lang,sandali! Sinabi ko sa kanya, ‘Babes, sanasinapak mo rin! I know kahit na 6' 9" ‘yan, kahit na nga siguro 60 lbs. anglamang sa ‘yo, laban!'

"Sorry talaga, basta naisip ko kung duguan ka, ang ganda! Everybody iiyakat maaawa sa ‘yo. Sorry, yun ang thinking ko. ‘Tapos sabi niya, ‘Basag-basagnaman ang mukha ko!'" natatawang pahayag ni Kris sa Entertainment Live.

Dahil sa insidente, inamin ni James ang kanyang pagkakamaliat agad na humingi ng dispensa sa kanyang mga tagahanga.

"Humihingi ako ng pasensiya sa mga nagawa ko. Tao lang dinako. So yun, pasensiya lalo na sa mga bata na mahilig sa basketball. Huwagninyong tularan yun. Malitalaga yun. Sanahindi na maulit yun," sabi ng Purefoods star player.

Matapos ang pangyayari ay binigyan ng fine ng PBA ang lahatng sangkot sa insidente. Dito, hindi naitago ni Kris ang kanyang sama ng loobsa naging desisyon sa asawa.

"I'm sorry but I'm just stating my feelings. Personally, asa wife, nahe-hurt ang feelings ko kasi nagpapaka-humble ang asawa ko. Rightaway, nagso-sorry. Alam ko parang isip-bata ang sasabihin ko na bakit nungsiya, sinuspend ninyo agad nung finals?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos ‘eto ngayon na hindi naman si James ang nagsimula nglaban, si James na yung na-fine? Bakit yung nagsimula nung lahat ng gulo, yungimport, si Terrence, bakit hindi siya na-suspend? Kasi feeling ko, si Jamesngayon ang pinakasikat, siya yung number one player. Sa kanya, iba yung rule," hinaingni Kris.

Sa kabila nito, bumilib naman lalo si Kris sa kalooban ngkanyang asawa.

"Alam mo si James kasi, hindi siya nagwe-weigh ng publicopinion. Yung parang kasi ako yung unang... Aaminin ko na yun ang naging worrynung nangyari yun na baka sabihin nila duwag ka. Parang ayoko, ayokong masabi yundahil ako ang makikipag-away sa lahat....

"We've been through a lot recently and kung meron kamingisang natutunan doon is we're a team. Kung meron kayongaasahan na magsu-support sa isa't isa , dapat kayo yun," saad ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN